Chapter 20

40.9K 1.5K 620
                                    

"You see my smile,
but not my pain."

NAKATULALA ako sa kawalan. I always love the stars in the sky, the calmness of the night... but now, I am feeling nothing. Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa ilalim ng gabi.

Arion slapped me.
Arion showed me how much he doesn't care.
Arion regretted of loving me.
Arion insulted me.
Arion made me feel I am worthless.

Narito ako sa seaside. It's not like I am planning to kill myself here but to ease this pain in my chest. Gumaan na 'to pero muli na namang bumigat na parang hindi ko na kakayanin.

Hindi ko na alam kung ilang oras na akong narito basta mula nang magkompronta kami ni Ariom at dito na ako dumiretso.

I cried alone.

Bakit ba ang hirap sumaya? Akala ko ba pagkatapos ng sakit at lungkot, saya ang kasunod? Bakit ang sa akin, sakit at lungkot tapos sakit ulit... then sakit na naman, at puro sakit na lang.

Kailan ba ako sasaya?

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin.

Tumunog ang phone ko. It's Aries. I am sure they are worried about me.

I looked at the sky and wiped my tears.

"Kaya ko pa naman 'di ba?" I asked my self and took a deep breath.

I went to my car. Ayoko rin namang nag-aalala sina Cath sa akin. Buntis rin siya tulad ko at ayokong problemahin niya ang problema ko.

Nagmaneho ako ng kotse ko pauwi sa penthouse nina Cath. Gusto ko na nga sanang bumalik sa condo ko but I do not trust myself. Alam kong baka may magawa akong hindi maganda kapag mag-isa lang.

Iyong pakiramdam na para bang nawawalan na ako ng pag-asa. Na para bang hindi na ako sasaya kahit anong gawin ko kaya hayaan ko nalang kung hanggang saan ko kakayanin.

Binilisan ko ang takbo ng kotse ko.

Nang makarating ako sa penthouse ay sumakay ako sa private elevator paakyat roon.

Pagkababa ko ay nagulat ako nang sumalubong sa akin si Aries.

"I've been looking for you. Where did you go? May naramdaman ka bang masakit? Nahihilo? Cravings? Wha─"

Hindi ko na siya pinatapos sa sinabi niya. Wala na akong lakas sagutin lahat ng tanong niya. All I did is to hug him because he's one of those people who cares for me.

"M-Maleha..."

Muli akong napahagulhol. Ramdam ko ang pagkagulat niya nang yakapin ko siya pero agad siyang tumugon saka hinigpitan ang yakap niya nang magsimula na naman akong umiyak.

"Ssshhhh..."

"B-Bakit... bakit ako nasasaktan ng ganito... balit ako..." I cried.

"Hey," ikinalas niya ako sa pagkakayakap sa kaniya saka ako hinarap.

He cupped my face and wiped my tears. Napakaseryoso ng mukha niya.

"Everyone deserves to be happy. Isa ka do'n, Maleha. Nasasaktan ka hindi dahil malas ka kundi dahil may mga gagong tao tulad ng kapatid ko. It's all his fault and I can't wait to fucking punch his face."

"H-Hindi ko a-alam kung hanggang kailan ko kakayanin..."

He wiped my tears again and looked at my eyes.

"Kakayanin mo. We are here for you. Ikaw at iyong pamangkin ko, hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa inyo. Just please let me take care of you."

Casanova's Club #2: Unwritten RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon