Chapter 29

40.4K 1.4K 445
                                    

"We all broke our own
rules for someone."

HINDI ko na matantya si Arion. Nakauwi na kami't lahat dito sa bahay pero abala pa rin siya sa phone niya.

Nagalit galit pa siya sa akin kanina dahil kausap ko si Kenneth. Pero after no'n, wala na rin naman. Nagtulug-tulugan na nga lang ako kanina sa sasakyan pauwi dahil naiinis na talaga ako sa kaniya.

I took a deep breath. It's almost ten in the evening  pero hindi pa ako inaantok. I can't think of anything to do.

Nang hindi na ako makatiis, nilapitan ko siya.

"Arion."

He looked up at me. "Yeah?"

"Nagugutom ako."

Nagdahilan nalang ako para makuha ang atensyon niya. I want to get his phone so bad dahil sobra sobra na ang curiousity ko sa kung sino ang ka-chat niya.

"There's a lot of food in the fridge." Sagot niya saka ibinalik ang tingin sa phone niya.

Punyeta ha, nakakainis na talaga.

"Samahan mo ako sa kitchen." I said.

"Susunod ako."

Punyeta talaga, hindi ma-istorbo!

"Samahan mo na ako. Ngayon na." Pilit ko.

"Maleha, please. Can't you see, I'm busy?" He looks irritated.

Para akong nahabag sa sarili ko. Bakit ba siya biglang nagkaganyan? Kahapon lang, sobrang maasikaso siya. Lalo na no'ng hindi pa kami maayos sa isa't isa. Now that we're okay, hindi na siya nag-eeffort sa akin. Ganoon ba 'yon? Hindi consistent? Porke nagkaayos na kami, balik na siya sa pagiging ganyan niya.

Hindi ko na talaga matantya ang lalaking 'to.

"Okay..." sagot ko. "Saksak mo sa baga mo 'yang cellphone mo."

Nagmartsa ako palabas ng kwarto. Bumaba ako sa kusina. Kakain ako!

Kung mag-aattitude siya sa akin, pwes mas ma-attitude ako. Busy pala ha. Anong tingin niya, iiyak ako? Magmamakaawa? Magpapapansin? Isang beses lang at hindi na 'yon mauulit.

Kinuha ko ang box ng chocolate cake sa fridge saka ipinatong sa counter top. Kumuha ako ng platitk saka tinidor. Sunodbkong kinuha ang malamig na bottled water sa fridge.

I sat at the stool and started eating the cake. Nalakawala ng stress at inis pero hindi na mawawala pa ang pagka-inis ko kay Arion.

He started it!.

Siya lang ba ang marunong mambalewala at hindi mamansin? Duh, mag seminar muna siya dahil expert ako sa bagay na 'yon.

I opened my facebook account and posted a status.

Maleha Roxas is feeling excited
Gonna meet someone tomorrow 🤩
Like • Comment • Share

Akala ba niya siya lang ang pwedeng maging busy? Akala niya hari siya ng pag-a-attitude? Mukha niya.

Muli kong itinuon ang pansin ko sa cake. This one is great. Nakakatakam pa kaya parang ang hirap tigilan.

My phone beeps. May facebook notification ako. Someone commented at my status.

Maleha Roxas is feeling excited
Gonna meet someone tomorrow 🤩
Like • Comment • Share
Justin Biebbo, Daniel Patilya, Ed Sheebang and 20  others like this
Catherine Reyes The who? I bet hindi 'to si Arion Chase Palermo kasi kasama mo siya sa house. Omooo! SINOOO!

Casanova's Club #2: Unwritten RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon