Chapter 21

43.3K 1.6K 1K
                                    

"Don't enter my life
if you can't stay."

NAGISING ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Pilit kong iminulat ang mga namaga kong mata dahil sa kakaiyak kagabi.

"You're finally awake."

Hinanap ko ang pinaggalingan ng boses na iyon. Aries is standing near the television while blowing his wet hair. Mukhang bagong ligo siya. Nakatapis lamang siya ng tuwalya sa bewang niya.

Dahan dahan akong bumangon saka nagkusot ng mata.

"Are you hungry? Hindi ka na nakakain kagabi. I woke up last night and you're already asleep."

Pagkagaling ko kasi sa dagat kagabi ay dumiretso na ako sa paghiga sa kama at sa tingin ko'y nakatulugan ko na ang pag-iyak.

I bursted it all last night dahil sabi ko sa sarili ko, hindi na ako iiyak ulit. I can be heartless this time. Nakakapagod ring masaktan.

"Maleha."

Nag-angat ako ng tingin. Hindi ko napansing nakalapit na sa akin si Aries.

"Hey... can you stop crying? Alam kong wala akong magagawa sa puso mo dahil hindi ako ang laman niyan but I can still make you happy. Gusto kong maging maayos kayo ng pamangkin ko."

I took a deep breath and smiled at him. "I'm done crying. Last na iyong kagabi." Sabi ko. "Okay na ako."

"Good." Aniya. "Let's go downstairs. Naroon na sila for breakfast. Nagpahanda si Lucio for everyone."

Tumango ako. "Give me a minute."

He chuckles and go back to what he's doing.

I stood up. Kumuha ako ng simpleng dress mula sa travel bag ko. Sabi kasi ni Catherine mas maigi raw kung dadalasan ko ang pagsuot ng dress para mas makahinga ang anak ko. Iwasan ko daw magsuot ng masisikip na pantalon or shorts.

Pumasok ako sa banyo para maghilamos at maghalfbath sandali para makapagpalit ng damit.

I decided to stop chasing Arion. Kahit sigurado naman ako na siya ang ama ng pinagbubuntis ko pero ayaw rin naman niyang akuin, balewala rin. Ano pa nga ang dahilan para alamin ang reasons niya? Baka sadyang wala na nga siyang nararamdaman para sa akin. Tanggapin ko nalang siguro na hindi lahat ng bagay aayon sa gusto ko. The eagerness to know his reason is just a waste of time.

Nang matapos ako ay nagbihis na ako ng dress. Simpleng floral dress lang naman 'to na kulay blue green.

Itinali ko lamang sa messy bun ang buhok ko. I don't need to put anything on my face.

Lumabas ako ng banyo. Nakabihis na si Aries and I admit, bagay sa kaniya ang suot niyang floral na polo na tinernuhan niya ng white maong short. Nakabukas ang ilang butones ng polo niya na halos kita ang dibdib niya.

"Whoa. You're too gorgeous in the morning." Nakangiting sabi niya.

"Let's go?"

We went outside the room. Sinabayan niya ang paglalakad ko papunta sa elevator. Sumakay kami ro'n saka niya pinindot ang groundfloor button.

"You will see my fucking brother downstairs. He's a fucking asshole na hindi lab ng mama niya─I mean mama namin so just ignore him."

I grins. "I'm done with him. Let's forget that he's the father of my child. I want to put in my mind na hindi siya ang ama ng anak ko."

"Alright, if that's what you want. Pero Palermo pa rin 'yan."

"Kahit naman bali-baliktarin ko pa ang mundo, hindi na mababago na dugong Palermo ang dumadaloy sa dugo ng anak ko. I can't change that. But I can change the fact that Arion is not the father anymore."

Casanova's Club #2: Unwritten RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon