Chapter 17

34.6K 1.3K 395
                                    

"I seriously need a
break from everyone."

NAKATITIG ako sa langit. I am sitting here at the balcony. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, iniwan ako ng lahat.

All of them are bunch of bullshits who always hurt me and in the end, ako ang nagmumukhang masama. What did I do to suffer like this?

I wiped my tears. Hindi naman dapat ako nasasaktan dahil sa ginawa ni Arion. I don't love him. Attracted lang ako sa kaniya and that's all. Punyeta lang talaga ang luhang 'to na ayaw tumigil sa pagtulo.

Arisse is calling. I answered it.

"Maleha, don't worry, napilit ko nang umuwi si Arion. I'll talk to him kapag nasa katinuan na siya. You two need to talk, alright?"

Ano bang dapat kong isagot?

"That's okay, Arisse. Wala naman kaming r-relasyon para mag-usap. Saka ayaw na akong makausap ni Arion so be it. Thanks, Arisse. Take care of your brother. I'll hang up."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. I ended the call. I turned it off dahil wala na rin naman iyong saysay. Who will call me, anyway?

Muli kong pinahid ang luha ko.

Saka hello! May girlfriend na siya at ayokong makisawsaw sa kung ano mang relasyon nila. They looked happy together. Bagay naman sila.

I hate myself for crying like this. Ano ba kasing iniiyak iyak ko?

Huminga ako ng malalim. Niyakap ko ang sarili ko nang maramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin. Ramdam na ramdam ko na mag-isa ako.

Si Rocky... naiintindihan ko ang ginawa niya sa akin dahil bestfriend niya si Jero.

Si Kelly... she's the person I can't understand. Sa halip na maging neutral lang siya sa amin, sa akin pa siya galit. I just don't get her point.

They are my friends but look what they did to me. They made me feel that I'm at fault.

Si Jero... isinusumpa ko siya dahil sa ginawa niya. Hindi na siya ang lalaking minahal ko. I never thought he could be that low to do that to me. I trusted him. Alam kong tanga ako para pumunta sa condk niya but he was my boyfriend and I know him. Masyado lang akong nagtiwala na hindi niya kayang gumawa ng ganoong bagay.

Si Arion... inaamin kong may kakaiba sa dibdib ko dahil sa pinakita niya sa akin kanina. Ano man ang reasons niya para magkaganun, I deserve to know, right? Yesterday, he was asking me to marry him and now we are strangers.

Gulung gulo na ako. Can I just disappear?

Habang nakatingin sa langit, wala akong maisip pa na dapat kong gawin. I want to let them leave me. I want all of them to just stay away from me if they will continue hurting me.

Iniisip ko kung ano bang mga nagawankong masama? I want to question God why am I suffering like this. Masamang tao ba ako sa past life ko? May nagawa ba akong malaking kasalanan? Hindi ko ba deserve na sumaya? I just want answers.

Tumayo ako saka pumasok sa loob ng unit ko. Dumiretso ako sa kitchen saka nagbukas ng fridge. I grabbed some beer pero natigilan ako.

Arion said I am pregnant. Hindi naman sa naniniwala ako but thinking about having sex with him without protection... it's possible.

What should I do? Can I take the risk?

I need beer so I could sleep at peace but what if I am pregnant? Napalunok ako.

Binitawan ko ang beer saka isinara ang fridge. I want to know if I am pregnant para alam ko ang dapat kong ikilos. Kahit naman iniwan na ako ng lahat, kung buntis man ako, I will be happy.

Casanova's Club #2: Unwritten RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon