Chapter 5

339 17 0
                                    

Conditions

I sighed for the fifth time, it's already eight pm so of course I'm already here at our place, Erebus is beside me, backhugging me, his face is buried in my neck sniffing my scent. He always does that at never ako masasanay.

"Ereb." I tried to call his attention, buti na lang ay inalis nito ang kanyang mukha sa aking leeg, I can't concentrate eh, ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa ginagawa niya, kinikilig ako. Gods can feel kilig too duh.

"Hmm?" He's now looking at me, mapupungay ang mata nito habang nakatingin sa akin.

"What do you think? Should I try that celebrity thingy?" I asked. Well, somehow I felt guilty, hindi talaga ako pumunta kahapon sa lugar na yun, I spent my time in the Mortal Realm wandering again at pagdating ng alas sais ay umakyat na ako.

At ngayon ay naguguilty ako dahil nagsabi ako na pupunta ako. Hays, why did I even say yes? Oh right para tigilan niya ako.

"As far as I can remember ay inaabot ng gabi ang mga celebrity." Ani Erebus.

"I know that, I told that lady na I have my own conditions pero hindi ko siya sinipot kanina." Nagkibit balikat ako, nakita ko sa aking peripheral ang bahagyang pagngisi ni Erebus at ang paniningkit ng kanyang mga mata.

"Oh my lady's guilty." Siniko ko siya dahil sa kanyang sinabi at inirapan.

"I'm planning to go there later and tell her my conditions, kung gusto niya talaga akong makuha ay papayag siya, kung hindi naman oh well at least I have plenty of time to travel." I shrugged.

"Hmm do you like it? O dahil lang sa guilt kaya ka papayag?"

"I like it. Kung ayaw ko ay alam mong kahit sobrang guilty ako ay hindi na ako pupunta. Besides I think it will be fun." He nodded and buried his face again in my neck. I sighed, okay I'll go there tomorrow.

Alas kwatro pa lang ng madaling araw ay pinalitan na ako ni Hemera, gantong oras lagi ang pagpapalit naming dalawan kahit hindi pa oras ng pagliwanag ay nagpapalit na kami. Kahit naman umalis ako agad ay mabagal pa rin ang pagliwanag dahil naiiwan pa doon si Astraea, mamaya pang 4:30 ang alis niya sa kanyang pwesto.

Ganito kami palagi, mauunang umalis si Selene, sunod ay ako at huli si Astraea dahil kahit umaga na naman ay may natitira pa ring kaunting mga bituin.

Napagdesisyunan kong magpahinga muna, mamayang alas siyete na lang ako bababa at didiretso na ako sa lugar na nakalagay sa calling card nung babae.

What's her name again? I looked at the calling card and oh right, she's Mia Amore.

"Nice." I said as soon as I arrived at the place, it's a huge building na may nakalagay na 'MK Entertainment'.

Mabilis lang akong nakapasok sa loob, ni hindi ako hinarang ng mga guards sa labas, instead, they greeted me with a smile. Oh well kita ko naman na ganun sila sa lahat ng pumapasok.

Papalapit na sana ako sa receptionist nang makita ko si Mia Amore na kakalabas lang ng elevator, she looked so grumpy, nakakunot ang noo at tinatanguan lamang ang mga bumabati, halata mong hindi maganda ang mood.

I immediately went to her dahil siya naman talaga ang pakay ko at nang makita niya ako ay parang bumaliktad ang mood niya. Now she's smiling widely na ang mata niya ay akala mo nawawala dahil sa sobrang pagkakangiti. Moody.

"Oh My God, you're here! Akala ko ay hindi mo na tutuparin ang sinabi mo, come with me! Let's go to the president." Excited na sabi nito at saka hinila ako papasok sa elevator.

Ganito ba talaga siya sa mga nagugustuhan niyang gawing celebrity? I don't think na ganito ang ugali nung ibang tagahanap, baka nga ay strikto pa ang mga ito.

Pagkarating namin sa pinakataas na palapag ay kumatok muna ito sa pinto.

"Come in." Agad nitong binuksan ang pinto. Bumungad samin ang lalaking sa tingin ko ay nasa mid 40's na.

"Pres, eto nga pala yung tinutukoy kong gusto kong gawing trainee, she's perfect for a celebrity right?" Nakangiting sambit nito. Pinasadahan ako ng tingin nung president kaya napatingin din ako sa sarili ko.

I'm wearing a sleeveless white top and maong skirt. I paired it with a sandals. I looked presentable and gorgeous. Right. Buhat ng sariling bangko.

Kahapon ay bumili ako ng mga damit na matipuhan ko, ang perang ginamit ko ay bigay saakin ni Thanatos, ayun daw ay natira niya nung nagdisguise siya bilang isang mortal ng isang araw to do something important.

"Hmm yes, but what's your strength hija? Singing? Dancing? Acting or Modeling?" Napakunot ang noo ko dahil sa tanong niya.

"I'm not interested in singing and dancing. Pass." Mukhang nagulat sila dahil sa naging sagot ko. What? Hindi lang naman pagkanta at pagsayaw ang alam ng mga celebrity ah.

There are some na acting at modeling lang ang focus. But I know how to sing and dance of course.

"Kidding. I can do all of it except acting." I can't risk acting, malamang ay may mga night scenes diyan, it will be boring without it duh.

Nakabawi sila sa pagkakagulat at tumango.

"I'll be so happy if you'll be our trainee, I'm so sure that your career will bloom once you debut." Sambit nito.

"But I have my condition. If you don't agree with it, fine by me I'll go out of this room immediately." Kita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ng president at saka ako tiningnan sa mata.

"Tell it. What's your conditions?"

"No night schedules, no matter what happen, never bother me at night. It's my me time so I will not be entertaining anyone at night." I said. Gulat na gulat naman ang dalawa, si Mia ay muntik pang mahulog sa kinauupuan niya. I shrugged.

"What?! But that's impossible, every celebrities have night schedules." Nah.

"Uhh Mia, I know na kayo rin ang nag aayos ng sched ng celebrities so of course it's possible. That's my only condition, yes or no?" I asked them. Napatingin naman si Mia sa president na ngayon ay mukhang nag iisip.

"Okay deal. Go back tomorrow at 7am for the contract signing and then you'll immediately start your training." Napangiti ako dahil sa sinabi nito. Madali naman palang kausap.

"Oh wait, before you go what's your name? Kanina ka pa namin kausap pero hindi namin alam ang pangalan mo." I almost rolled my eyes at her Mia. Right, name.

Name. I need a surname.

"Nyx Auclair. Use it." Oh, that's Erebus. Alright.

"Nyx Auclair."

"Oh okay Nyx, see you tomorrow." Tinanguan ko ito bago nagpaalam. Oh well, new experiences will start again tomorrow. I wonder if it will be fun like what I'm imagining.

The Primordial GoddessOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz