Chapter 14

181 14 0
                                    

Rumor

"Where's Selene? Bakit nagtatago sa ulap ang buwan niya?" I asked Astraea.

Pansin kong kanina pa wala dito si Selene at ang buwan ay unti nagtatago sa mga ulap.

Imbes na sumagot ay umirap ito. Bumaling ako kay Erebus na nakayakap sa likod ko at bahagyang natawa.

"Nagkaroon ng kaunting tampuhan ang dalawa and Selene chose to go somewhere para magkaroon daw siya ng peace of mind." I sighed.

Bihira mangyari ito dahil hindi na halos mapaghiwalay ang dalawa but when it happens ay mahirap paglapitin muli ang dalawa. Minsan ay kailangan mo pa idaan sa dahas.

"Why do I feel like someone her missed someone?" I elbowed Erebus, nagsisimula na siyang mang asar.

Umiwas naman ng tingin si Astraea, miss miss, whatever, pride naman ang uunahin ng mga ito.

"But what's the reason why the moon is hiding behind the clouds?" I asked once again, I'm sure that this is not because of their argument. Or is it?

"She's sulking somewhere. That's why." Astraea answered. Napabuntong hininga ako.

Kaya rin pala onti lamang ang mga bituin ngayon, both of them are sulking pero si Astraea ay hindi iyon pinapahalata.

Mabuti na lang at nakokontrol ko ang mga ulap kaya nilalayo ko ito sa buwan pero knowing Selene, magtatago ng magtatago yan kahit anong gawin ko.

I gritted my teeth in annoyance. Erebus pat my back and told me to calm down. I sighed, for the third time.

Hindi ko sila papakeelaman sa tampuhan nila pero oras na magkaroon ng problema sa gabi ay wala na akong magagawa, I'll meddle.

It's okay to argue because it's normal, kahit mga Diyos kami ay normal pa rin ang pag aaway, sa katunayan ay madalas magkaroon ng away dito but we always minimize it dahil pag nasobrahan ay alam naming makakaapekto sa mga mortal.

Hinarap ko si Erebus at niyakap ito ng mahigpit, bahala muna silang dalawa diyan basta ako, I'll cuddle with my husband, I'm done spreading the dark so it's okay for me to do this.

"I love you." Erebus said, I can feel my heart beat getting fast and there are some butterflies flying inside my stomach, I always feel like this kahit na matagal niya na itong sinasabi sa akin. It always feels like it's the first time.

I started kissing him and when he kissed back ay humiwalay agad ako, napasimangot naman ito kaya kinurot ko ang tungki ng ilong nito. I smiled.

"I love you." Nawala ang simangot sa mukha nito at napalitan ng matamis na ngiti. Ang rupok.

"Gusto mo bang dagdagan ang mga anak natin?" Sinapok ko ito dahil sa kanyang sinabi.

Narinig ko ang pagtawa ni Astraea sa tabi. Oo nga pala nandito si Astraea pero sanay na namin ito sa amin.

"Ang dami na non gusto mo pa? Di ba pwedeng gawin na lang natin pero walang anak?" I asked. Natawa naman ito.

"I'm just kidding." Napailing na lang ako at muling yumakap dito.

"Funny ka pala Erebus." Singit ni Astraea dahilan para batuhin siya ni Erebus ng isang bituin na nahablot niya.

"HEY! NOT MY STARS!" Singhal ni Astraea na tinawanan lang ni Erebus. Hays these two. Paano pa kaya kung andito si Selene.

"Nyx! What the hell, ano itong kumakalat sa internet na you're dating someone?" Iyan ang bungad sa akin ni Kibo pagkatapak ko pa lang ng studio.

Nilibot ko ang paningin at nakitang wala pa si Alice, hindi pa siguro tapos ang shoot nila.

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Kibo, mukha siyang stress na stressed ngayon.

"Kahit na ba sabihin nating 5 months na simula ng magdebut kayo ay may masasabi pa rin ang mga tao." He leaned at the sofa and massaged his temples.

"I'm dating someone?" I asked him. Bakit? Nakaakyat ba sila sa amin para malamang nagdadate kami ni Erebus?

"Yes! There are pictures of you two na kumakalat ngayon." he exclaimed.

"I'm not dating anyone." I already have a husband at hindi ako namamalagi rito kapag gabi pano ako makikipagdate?

"Then how can you explain this?" Inabot nito sa akin ang isang brown envelope, binuksan ko ito at tiningnan ang mga pictures na nasa loob.

I sighed and looked at them in an annoyed expression, sakto ay pumasok si Alice sa loob ng studio kaya pati siya tiningnan ko. Alanganin itong ngumiti sa akin.

"Seryoso ba kayo na ako ang dapat niyong kinakausap ngayon?" I asked. Tumango naman ito na para bang siguradong sigurado.

I looked at the pictures again. This is not me. Unang tingin pa lang ay dapat alam na nila na hindi ako ito. Yes we're wearing the same dress that day but it's definitely not me.

Sa picture ay nakatalikod ang isang babae at lalaki na pasakay sa isang sasakyan. I can't believe this.

Chineck ko ang phone ko at nakita agad ang article, hindi kita ang mukha pero karamihan sa comments ay sinasabing ako iyon, pero mayroon ding nagsasabi na hindi dahil may kapareho ako ng damit nung araw na iyon.

"Oh God what will I do with you two, hindi niyo man lang tiningnan ng maiigi, this is not me! You guys better go to the doctor and have your eyes checked." I rolled my eyes.

"I won't tell you who the girl is, figure it out and when you figured it out, clear my name." I sighed bago tumayo.

Lumapit ako kay Alice na ngayon ay nakasandal sa may pintuan wearing a worried expression.

"I saved your ass Alice, galingan mo naman sa ang pagtatago sa susunod." bulong ko rito. I pat her back when she said thanks.

That girl in the picture is Alice and Markus, we're wearing the same dress that night and she's wearing a stiletto kaya naging magkasing height kami.

I shaked my head and sighed once again. Blind idiots.

The Primordial GoddessWhere stories live. Discover now