Chapter 22

178 13 0
                                    

Memories

Ilang linggo matapos akong magkasakit ay mas naging close kami ni Ereb, hatid sundo ako nito at tila walang pakeelam kahit makita pa kami ng fans namin at magtaka kung sino siya, nang tinanong ko kung bakit ay sinabi niya na nagapply siya as my personal assistant and bodyguard at pumasa naman agad siya.

Bakit hindi ko alam? Nang tinanong ko si Mia ay totoo daw ito pero kami kami lang ang nakakaalam dahil ayaw daw ipaalam ni Ereb, also inofferan din daw siya na maging celebrity pero tinanggihan nito at sinabi na mas gustong maging personal assistant and bodyguard ko, pumayag daw ang president para kung sakaling magbago ang isip nito ay makakalapit agad sa kanya.

Hindi rin naman nagkaroon ng article about sa palagi kong kasama kaya di na rin ako nag abalang ipaalam kung ano ko ito, baka nakonsensya na sila dahil sa nangyari dati kaya hinayaan na ako. Though our fans who saw him is asking kung sino siya pero hindi ko sinasagot. I just smiled at them. It's better na hindi nila alam, baka agawin pa. Joke.

"Is he your boyfriend?" Alice asked.

Kakapasok ko lang sa loob ng practice room pero ayan ang binungad nito sa akin. Nilingon ko si Ereb na kakapasok lang din. I rolled my eyes.

I really can't believe that he applied as my personal assistant/bodyguard and at pumayag naman agad ang president, pagdating talaga sa ganto ay mabilis ito. Pero hindi pa rin ako makapaniwalang nag apply ito. Seriously ganyang mukha personal assistant? Hindi bagay. Mas bagay ritong maging celebrity din.

"I'm her husband." Napalingon ako rito dahil sa sinabi. He's looked so serious at narinig ko ang malakas na pagsinghap ni Alice.

Napahawak ako bigla sa dibdib. Gahd, I can feel my heart beating so fast.

"H-he's kidding." Damn why did I stammer, mukha tuloy akong kinakabahan, heck yes I am at kasalanan ito ni Ereb.

"Yeah. I'm kidding." Mukha namang kumalma si Alice at nagtanong muli.

"What's your name?"

"Erebus Omith." Napasinghap kami pareho ni Alice nang marinig ang pangalan nito.

What the freak? Ngayon ko lang nalaman ang buong pangalan nito at wow, is this coincidence or not? Tama ba talaga ang naiisip ko? Yung panaginip, asawa, Nyx at Erebus, could it be?

But no, hindi ako pwede basta basta mag assume. I need to be sure so as much as possible I need to remember kung ano man ang sinasabi nung dalawang babae sa panaginip ko.

Napalingon ako kay Alice nang bigla itong tumili habang nagtatatalon pa na parang uod na sinilihan.

"Why are you screaming?" I asked. Tumigil ito at itinuro kaming dalawa.

"Nyx and Erebus, Ohmygod kapangalan niyo si Nyx at Erebus! Is this just a coincidence baka naman kayo yun ah nagpapanggap lang na mortal omg!" sabi nito na halata ng excitement sa boses. Inilingan ko lang ito pero tumatak sa isip ko ang sinabi ni Erebus.

"Who knows, malay mo kami nga. Kidding." Natatawa nitong sambit at saka umupo sa tabi ni Kibo na kanina pa kami pinapanood.

Now I'm getting a feeling that he's indeed the husband that the two girls are talking about and that I'm Nyx the Goddess of the Night but I will still not say anything about it not until I remember something.

But how? Panong ako iyon at bakit wala akong maalala kung anong nangyari? Why am I here? Ugh this is frustrating!

"Nyx focus, parang lumilipad ang utak mo." Right. Nagppractice nga pala kami, nawawala ako sa focus.

Napapikit ako dahil sa inis at saka bumuntong hininga. Alright, I'll focus here first. Mamaya ko na iintindihan iyon, I'm sure that I'll have more clues soon dahil sabi nila ay tutulungan nila ako.

"Balance, Alice. Ilang beses ka na muntik matumba, you need to balance your body. Nyx Right foot infront of the left, don't forget that." Tumango kami sa sinabi nito atsaka inulit ang pagsayaw hanggang sa maperfect na namin.

"Perfect! Okay we're done for today." Hinihingal na lumapit ako kay Ereb at binigyan naman ako agad nito ng tubig at towel pamunas.

Umupo ako sa tabi nito. Wala na kaming schedule pagkatapos nito, bihira ang scheds namin ngayon dahil gusto nila na magfocus muna kami sa magaganap na performance and okay naman samin. Atleast more pahinga.

"Where do you want to go after?" Ereb asked.

Napaisip ako. Come to think of it, hindi pa ako nakakapasok sa bahay ni Ereb, baka may makita ako dun.

"Your house?"

"Woah, I didn't think that you're wild." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nito at ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Agad ko itong hinampas.

"I'm not like what you think! Gusto ko lang makita ang bahay mo tsk."

He put both of his hands up as if surrendering.

"Chill, I know, I'm just teasing you. I just missed teasing my wife." Hindi nakalagpas sa pandinig ko ang sinabi nito and I don't know why but I remembered a scenario because of that.

Pagtapak ko ng Tartarus I immediately saw Erebus and he's smirking at me. I glared at him.

"Someone's happy." He teased kaya naman siniko ko ito bago niyakap.

"Shut up Erebus. Let's go." Humiwalay ako rito saka nagsimula nang maglakad paalis. Naramdaman ko naman ang pagsunod nito sa akin.

"Sinwerte ka sa kaibigang nahanap, turned out that you're her favorite." Sabi nito na agad kong tinanguan. Yeah right.

Napakunot ang noo ko dahil sa naalala. Bitin naman.

Pero wait, is that part of my memory? Ugh, bakit ayun lang? Anong kasunod na nangyari? Why can't I remember it? Bakit bitin?

"Hey. Natulala ka diyan." Naramdaman ko ang mahinang pagsiko ni Ereb saakin. Tiningnan ko ito.

He is indeed my husband, but I want to remember all of it first before telling it to him. So my heart is beating so fast because it recognized him, not because I'm a victim of love at first sight.

"I'm not. May naalala lang ako." Dahil sa sinabi ko ay naramdaman kong natigilan ito at tinitigan ako.

"Anong naalala mo? Tell me about it, I'm curious." I smirked.

"That I need to go home because I'll watch the series that we didn't finish last time." Bumagsak ang balikat nito dahil sa sinabi ko.

Tumayo ako at saka naglakad palabas, naramdaman ko naman na sumunod ito.

I will not tell it to you Erebus, I need to remember all of it first, gusto kong pag bumalik ako ay kumpleto na ang memorya ko. I don't want to be a clueless bum up there.

The Primordial GoddessKde žijí příběhy. Začni objevovat