Chapter 18

174 18 0
                                    

New Neighbor

"Alice." I called once I saw her entered the practice room.

Hindi ako nito narinig. She's smiling widely while looking at her phone halatang may katext at kasalukuyang kinikilig. Muntik pa itong mabangga sa isang upuan.

"Watch where you're going!" Nataranta ito ng marinig ang naiirita kong tono. Agad nitong tinago ang phone sa likod niya atsaka napakamot sa ulo.

"Hehe sorry, kinikilig lang." Yeah right.

I rolled my eyes at her, lagi naman itong kinikilig basta si Marcus ang kausap.

I saw them once in the backstage nung nagkaroon kami ng schedule na kasama ang grupo nila Marcus. Pag magkasama sila ay akala mo sila na lang ang tao, they're too focused on each other tsk.

"Do you have a date later? After ng sched natin." I asked. Umakto naman itong nag-iisip bago umiling.

"Nah, rest day. Buti na lang at practice lang tayo today. Why?" Inilingan ko lang ito.

I forgot the reason why I asked her that.

"May plano ka ba mamaya?" She asked. Saktong pumasok si Mia kaya napabaling ako rito. Tumaas ang kilay nito ng makitang prente kaming nakaupo ni alis sa isang sofa.

"Bakit hindi pa kayo nagbibihis? We're about to start practicing!" Huh?

I looked at my clothes. Sakto naman ang suot ko na pang practice. White shirt, jogging pants and rubber shoes.

Napatingin ako kay Alice and I face palmed when I saw what she's wearing. Ngayon ko lang ito napansin.

She's freaking wearing dress and heels. Really?

"Wala kang date mamaya dahil kakatapos lang ng date mo am I right?" Masaya naman itong tumango.

Yeah right, sino ang nasa tamang pag iisip na pupunta ng practice room nang nakadress at heels? Si Alice lang siguro.

"Bihis na Alice, baka madamay pa ako sa pagtalak ni Mia."

"Uhm wala akong pamalit." I looked at her with disbelief. Seriously?

"Why?" I asked.

"Akala ko kasi ay makakadaan pa ako sa condo bago dumiretso rito, kaso masyado kaming nag enjoy kaya dumiretso na ako rito, nawala na rin sa isip ko na wala akong pamalit." I sighed.

Inabot ang bag ko atsaka kinuha doon ang dala kong extra shirt and pants saka inabot sa kanya.

"Hala pano ka mamaya?"

"Don't mind me, kunin mo na yan at magpalit ka. I wanna go home early today." saka ko ito tinulak palayo.

Sumunod naman ito kaagad habang si Mia at Kibo ay nasa harapan ko nakatayo, si Kibo ay may dalang mga pagkain habang si Mia ay nakacrosses arm at iniirapan si Kibo.

Woah mukhang may lovers quarrel pa ang dalawang ito ah.

Nilapag ni Kibo ang pagkain sa isang maliit na lamesa at nagsimulang kalikutin ang sound system not minding Mia's unending deadly stares at him.

"What's your problem?" I asked Mia.

"Nothing." I shrugged, bahala sila diyan.

Sakto ay pumasok na si Alice suot ang damit na ipinahiram ko. Tumayo ako at pumwesto sa gitna, our choreographer is also here, kasabay pumasok ni Alice.

We're going to practice dancing the intro and our song remix dahil ipeperform namin ito next week sa isang award show.

All performing idols are expected to be there and perform so it's going to be a big event dahil awarding din iyon.

"Alice, extend your left foot to the side, don't just put it there." Our choreographer said, agad naman iyong sinunod ni Alice.

"Nyx, chin up! Stand straight. Don't slouch on your ending pose, same to you Alice and both of you, control your breathing. As much as possible wag gaano ipahalata ang hingal niyo. Smile! Yan good, okay let's start again."

Ilang beses pa kami umulit para maayos ang mga mali namin bago marinig ang magic words na kanina ko pa hinihintay sabihin ng choreographer.

"Perfect! Okay we're done for today, good job girls!" Finally. I'm so tired.

Nagpaalam kami sa choreographer nang magsabi ito na mauuna na siyang umalis.

Umupo ako sa sofa at kumuha sa pagkain na dala ni Kibo, isang burger at bottled water ang kinuha ko.

"So delicious." Sabi ni Alice na ngayon ay nasa tabi ko at nakapikit habang ngumunguya.

Nagsimula na rin akong kumain saka sumandal sa sofa. Practicing is really tiring, gusto ko na umuwi at matulog.

Nang matapos kumain ay tumayo na ako at saka nagpaalam sa tatlo.

"Hey mauuna na ako sa van, dun ko na kayo hihintayin."

"Sure! Magbibihis lang ako at susunod na rin." Sagot ni Alice. Tumango lang yung dalawa na nag-uusap pa.

Kinuha ko ang bag ko at saka nagsimula ng maglakad palabas, nagsuot na rin ako ng cap.

Habang naglalakad ay uminom ako uli ng tubig, basang basa ako ng pawis pero hinayaan ko na lang dahil wala naman akong pamalit, mamaya na lang pagkauwi ko.

Nang makarating sa loob ng van ay umupo agad ako malapit sa bintana at saka tumingin sa labas. It's already 5:48pm, ang tagal din naming nagpractice.

Pumikit ako at balak na sanang umidlip nang biglang pumasok ang tatlo sa van, ang ingay pa ni Alice, napakahyper na akala mo ay hindi galing sa practice.

"Nyyyyyxxx! Lalabhan ko muna yung hiniram ko ha? Thanks hihi." Tinanguan ko na lang ito.

Umupo ito sa kabilang side ng van at si Mia ay sa passenger seat pumwesto.
Si Kibo naman ay nagdrive na.

Tahimik ang naging byahe dahil nakatulog si Alice, buti naman. Ako ang unang hinatid, hindi ko alam kung bakit eh ang alam ko naman ay mas malapit si Alice. I just shrugged. Bahala sila, sila naman ang matatagalan.

"Bye Nyx! See you tomorrow!" Nagpaalam ako sa kanila at saka tumalikod.

Bago pumasok ay napansin kong may ilaw sa loob ng bahay na malapit sa bahay ko, may bagong lipat ba rito?

Hindi ko na lang ito pinansin at saka dumiretso na papasok ng bahay, Kailangan ko na magshower at magpalit ng damit, nanlalagkit na ako.

Pagkapasok ng bahay ay dumiretso ako sa kwarto at saka kumuha ng damit bago pumunta ng banyo para magshower.

I felt so refreshed nang lumapat sa katawan ko ang tubig na nagmumula sa shower. Finally, after a long tiring day, nakapagshower din.

Nang matapos ay nagpalit na ako ng damit at saka lumabas ng banyo, kinuha ko ang phone ko na nasa ibabaw ng drawer bago lumabas ng kwarto.

I need to order some foods, sa tingin ko ay kailangan ko ng matutong magluto dahil nagsisimula na akong magsawa sa mga pagkain na inoorder ko. Maybe on my free day ay aaralin ko ang pagluluto.

Napatigil ako sa pagtawag ng may biglang nag door bell sa labas. Napakunot ang noo ko, I'm not expecting some visitor at this hour. It's already 7pm.

Lumapit ako sa pinto at saka pumunta sa gate para buksan ito and there I saw a man standing infront of me with a sweet smile on his face.

I examined his face, his green eyes are so beautiful, pointed nose and his smiling lips look so kissable, his brows is also thick and he has a messy hair, he look so perfect. For me. My mouth formed an 'O' and I felt my heart starts beating faster.

"Hi." Oh God his deep voice is so sexy.

"Uhh h-hi?" I almost cursed at myself. Why the fuck did I stammered? I'm embarrassing myself infront of this perfect man infront of me!

"I just moved here and as a new neighbor I want to give you this, I cooked it." I looked at the tupperware that he's holding. I didn't even notice that earlier because I'm busy examining his handsome face.

Kinuha ko ito at saka ngumiti sa kanya at nagpasalamat.

"My name is Ereb, and you are?"

The Primordial GoddessWhere stories live. Discover now