Chapter 11

192 16 0
                                    

Debut

"Why are you so grumpy? Ilang araw ka ng ganyan" Alice asked when she saw me. I rolled my eyes.

2-3 hours my ass. That two argued for 5 freaking days! Kahapon lang ito natapos nang maisipan ko ng pumunta.

Hemera asked me to do it dahil kahit umaga ay napakakulimlim dahil sa away ng dalawa at napakasama ng panahon, it's affecting us and also the mortals. Pinag isipan ko pa kung makikisali ako kaya tuwing pumupunta ako sa mortals realm ay badtrip ako. Good thing na hindi ito nakasagabal sa aming preparation.

Kahapon pagkatapos na pagkatapos ng last day preparation namin ay umalis agad ako pagkatapos kong magpaalam sa kanila. I need to stop the two. No, the four of them.

I sighed. Pagkarating ko sa Mt. Olympus kahapon ay nadatnan ko sila, Persephone and Hades versus Zeus and Hera at sa gitna nila ay si Poseidon at iba pang Gods na tila naaaliw pa sa nasasaksihan.

They're enjoying dahil hindi sila nasasagabal! Damn them.

'Stop.' I told them once I stepped inside the Mt. Olympus. Pinagmasdan ko ang apat, wala man lang napuruhan sa kanila, pero sa mga mortals meron.

Napatingin sa akin ang apat, nung una ay mukhang wala pa itong balak pansinin ako. Susugod pa sana si Zeus pero pinigilan ko.

'One wrong move Zeus. Just one, I'm warning you.' He stopped at his track. Right, be scared Zeus. Bihira akong maging ganito.

'Stop you four, Hades and Perse go back to the underworld, and you Zeus and Hera calm the fuck down.' I sighed. Nakakaistress ang matatandang to.

I looked outside, hindi pa rin nawawala ang black smoke at kidlat.

'If you don't stop this, alam niyo ang pwedeng mangyari sa mortals realm' Mukha namang natauhan ang mga ito. That's good.

Bumaling ako kay Poseidon at sinamaan ito ng tingin, nag iwas naman ito ng tingin.

'Oh right, the sea is calling for me. That's a nice show brothers, bye! Bye Nyx!" He waved at us saka naglaho sa aming paningin.

My God, they're the rulers of the world! Bakit kung umakto sila ay parang mga bata?

'Tsk bye. Nice match brother.' Hades stated before leaving with Persephone who's now smiling at me. Hays the ever so kind Perse.

Napailing ako bago tumalikod, nakasunod sa akin si Erebus na kakatapos lang makipag usap sa iba habang pinipigilan ko ang apat. Napakalaking tulong niya grabe.

'Nice job wife.' I rolled my eyes at him. Whatever.

"Aren't you excited? They already released our music video! And nung nagpeperform tayo ang daming sumisigaw!" I know that.

I already watched our music video. Pinapanood muna nila ito sa amin bago irelease and it's good. Humanga ako sa galing ko.

"So? Anong balita?" I asked. Wala akong balita dahil unang una ay wala akong phone. I always forget to buy a phone.

"It's a boom! Ang dami na agad nating nagain na fans and umabot agad ng million ang views wala pang 24 hours. And they say na ang galing natin lalo na nung live" She exclaimed and started clapping.

Nandito kami ngayon sa isang room na nakalaan sa amin dito sa music show, kakatapos lang magperform, Alice is now looking at her phone, probably checking the comments.

Biglang pumasok si Mia with our manager Kibo malawak ang ngiti ng dalawa. Mia and Kibo became our manager.

"Great job girls! Look ang dami niyo na agad fans and ang dami ng nagrerequest na ifeature kayo." Kibo exclaimed.

"But for now ay need niyo na magpahinga girls, aayusin muna namin ang sched niyo para bukas, so you're free for the rest of the day. Thank you for your hard work girls!" Mia said. Tinanguan naman namin ito at saka pumunta sa maliit na room para magpalit into our comfortable clothes.

"Ate Mia! We'll go na." Pagpapaalam ni Alice pagkatapos namin magbihis.

"Where are you going? Magpahatid na kayo sa driver." Ani Mia. Tumingin sa akin si Mia.

"I'll go to the mall. I'm going to buy a phone."

"I'll go with her. Tara!" Hinila na ako nito palabas.

Nang pasakay na kami ay maraming naghihintay na fans sa labas, woah, kakadebut lang namin pero ganto na agad.

Kumaway si Alice sa mga ito bago sumakay sa van, ginaya ko ito at mas lalong lumakas ang sigawan. Nice they like us.

Pagkasakay ko ay nakita ko si Alice na nakaharap nanaman sa kanyang phone. She's smiling widely at humahagikgik pa ito.

"We're number one trending. Our music video is also trending and our song is number one in the music charts. This is a good start for us." It is indeed a good start.

I know na ang company kung saan kami nabibilang ay isa sa pinakasikat na company kaya I'm sure that's also the reason why we're gaining attention.

Pagkarating namin ng mall ay binigyan kami ng cap ng driver. Bilin daw ni Kibo na wag kami aalis ng walang suot na cap at mask dahil nagdebut na kami kaya marami na ang makakakilala sa amin.

As if naman hindi kami makikilala kung may suot kami na cap and mask.

"Let's make this quick, gusto ko na umuwi." sabi ko atsaka mabilis na naglakad papasok ng mall.

Maraming tao ngayon dahil sa pagkakaalam ko ay may mall tour ang isang grupo na hindi ko kilala. Wala naman akong kilalang ibang grupo but I'll search about it maybe later when I'm not busy.

Nang makarating sa store kung saan may mga cellphones ay si Alice ang pinapili ko, she gladly agreed, buti naman. Wala naman kasi akong alam sa mga phone.

"Pick this one. Para same tayo." I nodded kaya tumawag siya ng isang sales lady at sinabing iyon ang bibilhin, namili siya ng ibang kulay para hindi daw kami magkalituhan at magkapalit ng phone. Tumango lamang ako.

Namukhaan pa kami ng sales lady pero hindi naman siya nagpapicture o kung ano pa man. Ngumiti lang ito at pansin kong namula ang mukha niya.

Pagkabigay ng phone ay nagbayad na ako at lumabas kami sa store. I started scanning it. The camera, wallpapers, gps and whatsoever.

While scanning ay nakarinig ako ng bulungan.

'Look! Si Nyx at Alice!'

'Hala oo nga, lapitan ba natin?'

'Kyaaah andito ang Ethereal' I scoffed, what a name.

'Ang tatangkad nila'

'Kahit nakacap ang gaganda pa rin, buti na lang ay idenebut agad sila ng entertainment.'

I smirked. I guess this will be my mortal life na. A celebrity at kahit saan ako pumunta ay makakakuha ako ng atensyon. Is it good? I don't know but I'll just enjoy this.

"Let's go home." Yaya ko kay Alice, tumango naman ito agad. Good. Time to go home and be a goddess of the night.

Hays, I'm starting to like this life, a celebrity and a goddess at the same time.

The Primordial GoddessWhere stories live. Discover now