Chapter 12

184 14 0
                                    

Normal

"You never fail to amuse me in every photoshoot Nyx." I smiled at the staff who told me that.

Nandito ako ngayon sa isang photoshoot para sa isang magazine. Alice is on her assigned schedule too, guesting ata sa isang show. I'm not sure.

Sa aming dalawa ay si Alice ang madalas sa mga show at ako naman sa mga photoshoots and commercials.

It's because Alice is doing great in that, ako ay pumupunta lang talaga pag kailangan kaming dalawa, I don't go on any shows without her because that needs talking and Alice is almost my spokesperson, I like doing photoshoots and commercials more.

Sa tingin ko ay pansin naman iyon ng mga fans dahil kapag may show kaming pinupuntahan ay si Alice ang madalas magsalita. I also saw one article about us saying that Alice is the one who is extroverted and I'm the introverted one.

I'm not an introvert though. I just like to deal with things with class and elegance tulad ng nakasanayan ko and I can do that in photoshoot and commercials, actually kung papipiliin ako kung pagkanta ba o photoshoot ay hindi na ako magdadalawang isip na piliin ang photoshoot. It just suits me the best.

Mukhang nasanay na rin naman ang mga tao sa ugali namin and good thing na ayos lang sa kanila dahil sa pagkakaalam ko ay maaarte ang mga tao pagdating sa attitudes ng celebrities.

I even saw another article and it's about me being an ice princess. I almost laughed at that, some fans defended me saying that my attitude is not like that when I'm with the fans. It's true, I always give them my warm attitude, that's why they love me.

"Can I see it?" I asked. He gladly nodded and showed me my pictures.

"Woah this came out pretty good, can I take a photo of it?" I asked.

Pumayag naman ito kaya agad kong kinuha ang phone ko at kinuhaan ito ng picture.

It is me in a black suit sitting on a circular high chair, my legs spread apart and both of my hands is resting  on the small space on the chair, they also let my natural wavy hair fall, I looked so elegant in the photo. I smiled at that thought.

"Time for the next set, change your clothes Nyx." Agad akong tumungo sa dressing room na para sa akin.

Inabot sa akin ni Mia ang sunod kong susuotin. It is a simple sleeveless dress with a big print on it at binigyan ako nito ng isang kumot na ang design ay katulad ng isusuot ko. Napakunot ang noo ko at tiningnan ito.

"Don't give me that look, kasama talaga iyan. I know naman na kaya mong gawing maganda ang dalawang yan sa shoot so go, outdoor ang next shoot natin." Tinanguan ko na lang ito at tuluyan ng nagbihis.

Pagkalabas ng dressing room ay sinabihan na agad akong lumabas dahil outdoor shoot na kami. Sumunod naman ako agad.

Nang makita ako ay pinapwesto na agad ako at nagsimula. Maraming tao sa gilid na nanonood, some are even shouting my name and I smiled and waved at them. Mas lalong lumakas ang sigawan.

Nilagay ko ang daliri ko sa aking labi para patahimikin sila bago tumawa ng mahina. Natawa rin naman ang mga ito. After that ay bumaling na ako sa camera sa harap at nagsimula na kami.

The shoot went well at tulad ng inaasahan ay hindi kami inabot ng gabi, as if rin naman papayag akong umabot ng gabi. We finished at 4:30 in the afternoon.

Nagpasalamat ako sa mga staff bago lumapit kay Mia na kasalukuyang nagpapasalamat din. Pagkatapos niya ay saka ako nagtanong.

"What's our next schedule?" I asked her.

Tumigil ito sandali at para bang nag iisip bago ako sagutin.

"Variety show at 9am and fan meeting at 12 noon." Tumango ako.

Ngayong araw na ito ay dalawa lang din ang schedule ko. Radio show kaninang umaga at photoshoot na kakatapos lang ngayon.

Unlike Alice na full pack palagi, simula umaga hanggang gabi ay may schedule siya.

Minsan nga ay nagrereklamo ito sa akin pag nagkikita kami. Namimiss na daw siya ng kama niya sa condo dahil hindi siya gaano nakakahiga rito, buti pa raw ako ay walang night schedule.

Tinatawanan ko lang ito tuwing nagrarant siya, kung hindi sila pumayag na wala akong night schedule ay malamang wala ako ngayon dito.

Also nothing's more important than what I'm doing every night. Kung alam niya lang.

Pero kahit naman na nagrarant siya, I'm sure that she's enjoying it. This is what she really want since she was a kid daw kaya dahil lang siguro sa pagod kaya siya nagrarant.

She also told me that she always felt happy when she sees our fans happy faces when they see us. I also felt happy everytime that it happens.

"Nyx!!!" napatigil ako sa pag iisip ng makarinig ng sigaw, hinanap ko ito at nakitang si Alice iyon, kasalukuyang tumatakbo palapit sa akin and her arms are spread wide to hug me.

I heard the fans say 'aw ang sweet' when they saw what happened, di ko na pinansin ang mga ito at binalingan si Alice. I pat her head, this kid.

"Ow. You're done with your sched na?" I asked her. Ngumuso naman ito bago umiling.

"Nope, I'm on my way to my next sched na dapat nang mapadaan ako rito, naalala ko na rito ang schedule mo kaya naisipan ko na puntahan ka rito dahil na rin alam kong last schedule mo na ito for the day. Can I come with you?" She pouted and looked at me with her puppy eyes.

Come with me? Where? In Mt. Olympus?

"No, last schedule mo nanaman ang susunod then you can go home na. Go at baka malate ka pa. Remember our motto--"

"Be late and receive hate." Sabay naming sabi. Natawa naman ako. Actually ay wala lang kaming maisip na ibang rhymes sa late kaya hate na lang ang ginawa namin.

"Fine. Bye Nyx! Ingat ka, see you tomorrow." She waved goodbye. I also waved my goodbye at sumakay na sa van.

Habang tumatagal ay mas nagiging close kami ni Alice, hindi naman din kasi siya mahirap pakisamahan and she's a great friend.

"Saan ka namin ihahatid?" Napabaling ako kay Mia, alam niya na may bahay ako rito pero hindi niya alam kung saan, pumupunta lang din naman ako dun para safe at walang makakita sakin once na magpalit ako into my Goddess form at magteleport pauwi.

That house is where all Gods and Goddesses stay when they turn into a mortal. The place is good and spacious, mayroon din itong pool sa likod.

Ibinigay ko kay Mia ang address at after ilang minutes ay nakarating na kami.

I thanked her and the driver before waving goodbye at saka pumasok na sa loob ng bahay.

Time to go.

The Primordial GoddessWhere stories live. Discover now