Chapter 21

179 12 0
                                    

Sick

"Shit. Pack up guys, bilisan niyo!" Sigaw ng isang staff at saka nagmadaling pulutin ang mga gamit.

Saktong pagkatapos ng shoot namin ay bumuhos ang malakas na ulan, nasa open space pa naman kami kaya ang ending basang basa ako.

Lumapit si Kibo sa akin at itinapat sa aking ulo ang isang payong, I laughed at him.

"Seriously Kibo, basang basa na ako, bakit mo pa ako pinayungan?" I asked saka tumakbo papunta sa van namin.

Rinig ko pa ang pagtawag nito sa pangalan ko pero hindi ko na pinansin at dire diretsong pumasok ng van.

"Magpalit ka muna ng damit! Bawal kang magkasakit." I rolled my eyes at him.

"Sige nga, saan ako magpapalit? Nasa open space ang set at yung pinagpapalitan ko ng damit ay tinanggal na agad nila nung bumuhos ang ulan." He sighed at napakamot ng ulo.

"This is a problem."

"Nah, hatid mo na ako sa bahay para makaligo na agad ako at makapag palit." I told him at agad naman itong sumunod.

Nang umandar na ang van ay sumandal ako sa kinauupuan ko at tumingin sa labas.

Walang mga bituin at buwan ngayon at sobrang lakas ng ulan, wala namang balita kanina na uulan, ang sabi pa nga ay maganda ang panahon ngayong araw na ito.

Kaya nga rin ngayon ginanap ang shoot dahil ang buong akala namin ay hindi uulan.

Minsan talaga ay palpak ang weather reports. Scam.

Napayakap ako sa sarili ng makaramdam ng lamig. Tiningnan ko ang aircon and I scoffed nang makitang naka max pa ito kaya naman imbes na hinaan ay pinatay ko na lang ito.

After a while, I started sniffing na agad napansin ni Kibo.

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Kung bakit ba naman kasi tinanggal agad nila yung changing room aish, di ba sila nag iisip." Tila gigil na gigil na sambit nito.

"Don't worry, mawawala rin to mamaya. Malayo pa ba tayo?" I asked at saka pumikit. Nagsisimula ng sumakit ang ulo ko.

"Malapit na. Kaya mo ba ang sarili mo? I can't be with you mamaya dahil may sakit din ang kapatid ko, kailangan ko dumiretso sa ospital. Yung lalaking naghatid sayo kanina, taga saan iyon? Can you give me his number? Siya ang papakisuyuan ko." Tuloy tuloy na litanya nito.

"Don't mind me, I can take care of myself." Sabi ko rito at saka pilit na sumiksik sa gilid ng sasakyan kahit na wala na naman akong pagsisiksikan. Ang lamig.

Maya maya pa ay naramdaman kong tumigil ang sasakyan. Dali dali akong bumaba at saka nagpaalam kay Kibo.

"Don't worry about me. I'll call you if I need something. Alis na bye!" Saka ako tumalikod at nagmadaling pumasok sa bahay.

Nang makapasok ay agad akong humiga sa sofa. Ugh, my head hurts so much, ang bigat na rin ng katawan ko, but I need to change my clothes kaya kahit hirap ay umakyat ako sa kwarto at pinilit na magshower at magsuot ng pantulog.

Nabasa rin ang phone ko pero buti na lang at waterproof ito kaya hindi ko gaano pinroblema, nang tiningnan ko ang oras ay ala una na ng madaling araw, kaya naman humiga na agad ako sa kama at saka natulog. Sana ay bumuti ang pakiramdam ko bukas.

"Nyx. We missed you." My eyebrows furrowed dahil sa dalawang babae na nasa harapan ko ngayon, hindi ko maaninag ang mukha nito pero hindi naman sila mukhang masama.

"Who are you?" I asked pero umiling ito.

"We can't tell you, but please do remember na you need to remember us, don't forget about us please. We're going to help and give you clues for the next days, wag mo sanang balewalain, this is the only thing that we can do, ito lang ang bagay na pumayag siya, only clues. Your biggest clue is your husband. He's there." mas lalong kumunot ang noo ko kahit na wala akong naiintindihan sa sinasabi nila. They're weird.

"We'll wait for you Nyx. Please be fast and remember us." at saka naglaho ang dalawa sa aking harapan leaving me alone.

Damn, mas lumala ata ang sama ng pakiramdam ko. Pilit kong iminulat ang mata ko dahil paulit ulit ang pagdodoor bell nang kung sino mang walang hiya ang naisipan pumunta nang ganito kaaga.

Binalot ko ang sarili sa kumot atsaka tumayo at lumabas para tingnan kung sino ang walanghiyang sumira ng pahinga ko. Sa pagkakaalala ko naman ay wala akong schedule ngayon.

Pagkabukas ay bumungad sa akin ang nakangiting Ereb pero napawi ito ng makita ang itsura ko.

"Are you okay? You look like a mess."

Imbes na sagutin ay tinalikuran ko ito at nagsimula ng maglakad papasok ng bahay. Ugh, bat ba ang layo ng gate sa pintuan?

Pagkapasok ang dumiretso na ako ng higa sa sofa at saka ibinalot ang sarili sa kumot. I just need to sleep para gumaling.

Muntik na ako mapadilat ng mata nang maramdaman ko ang kamay sa noo ko.

"You're hot." kahit nakapikit ay napangisi ako.

"I know."

"No, you're literally hot. You have a fever."

"Kailangan ko lang ng tulog. Do whatever you want here. Just let me sleep." Narinig ko ang pagbuntong hininga nito bago ako tuluyang makatulog.

Nang magising ako ay medyo magaan na ang pakiramdam ko, umupo ako sa sofa at nakita si Ereb na kakalabas lang ng kusina at may dalang bowl.

"Oh you're awake. I just finished cooking a porridge. Eat this." Sabi nito at saka inilapag ang pagkain sa mini table na nasa tapat ng sofa.

"Nag abala ka pa."

"Nah, I want to do this for you so go and eat, o gusto mong subuan pa kita?" Inirapan ko ito.

"I can manage." He chuckled at saka inilapag din sa mesa ang isang gamot. I started eating.

Bigla itong tumayo at pumunta sa kusina at pagkabalik niya ay may dala na itong isang baso ng tubig. Inilapag niya rin ito sa mesa.

Nang matapos akong kumain ay ininom ko na ang gamot na ibinigay nito sa akin after that I looked at him.

"Thank you." He smiled.

"Anything for you, wi-- I mean Night." Natigilan ako dahil sa sinabi nito at saka naalala ang panaginip ko.

"I had a weird dream last night." Tiningnan ako nito saglit bago inilibot ang paningin sa bahay ko.

"Two ladies infront of me telling me that I have to remember them, they even told me that my husband is here. So weird."

"It's not weird." What? He doesn't find it weird? Baka naman kilala niya ang mga babaeng yon? But that's impossible. Or not.

"What do you mean?"

"Nothing." Pinanliitan ko ito ng mata. He's hiding something, I feel it at sisiguraduhin kong malalaman ko iyon, I feel liked what that two ladies is saying in my dream is true and Ereb is connected to them.

From that @ErebAuclair, the letter, my bruise that healed so fast, his presence and now my dream, pakiramdam ko talaga ay magkakakonekta ito. Also that feeling na matagal ko na itong kilala.

But why are they saying that I have to remember them? May nakakalimutan ba ako? Aish I need to know it. Also there's no harm in trying to know the truth so why not, I'll connect the clues.

The Primordial GoddessWhere stories live. Discover now