Chapter 13

184 11 0
                                    

Crush

"So Nyx, how does it feel? Ngayon ka na lang uli nagkaroon ng schedule na show. Are you nervous?" Umiling ako sa tanong ni Alice.

Nasa loob na kami ng lugar kung saan shinushoot ang show na pag gguestan namin ngayon at naghihintay na lang na tawagin ng mc.

"Why would I be nervous? This is not my first time." Also I never felt nervous in my entire life.

Ngumuso ito atsaka nagcross arm at humalukipkip na para bang nagtatampo sa akin.

I was about to ask her ang kaso ay tinawag na kami kaya naman pumunta na kami sa set.

"Good Morning! Wow ang member na bihira makita sa mga shows ay nandito ngayon. So how does it feel?" The mc asked me. I smiled at him before answering.

"I'm happy, matagal akong hindi nakalabas sa mga shows dahil sa busy schedules and I'm happy na sa show na ito ako nag guest." I felt Alice nudged at my elbows kaya napatingin ako rito.

Nakita ko itong tumatawa at napailing pa. What? Busy naman talaga ako ah, hindi nga lang dito.

"Wow. Do you watch our show?" He asked. No.

"Ah yes po pag may time ako. I love your show!" And I smiled once again.

Nagtanong din ito kay Alice bago muling bumaling sa akin.

"So Nyx, I heard na marami kang offers sa magazines and commercials ngayon, hindi ba nakakasagabal ito sa pagiging singer mo?"

"No po dahil wala pa naman kaming bagong kanta at tapos na ang promotion namin sa una naming album and I enjoy the shoots that I've been into." Wala pa naman talaga kaming balita about our new song.

And kung meron man ay malamang mamomove ang dates ng shoots ko o kaya naman ay isisingit ito sa schedule namin.

Pagkatapos non ay kung ano ano pa ang tinanong sa amin and we gladly answered their questions.

Sa lahat ata ng shows na napuntahan ko ay ito ang pinakamarami akong nasabi, they're so curious about me, dahil kumpara sa amin ay mas marami silang alam about kay Alice. That's one of what I want though, when it comes to talk shows, I want Alice to shine dahil nga dito niya nagagamit ang pagiging madaldal at friendly niya also she deserved the spotlight.

While me, I'm just doing this for fun and enjoyment. Nag eenjoy ako sa pagpeperform, posing infront of the camera and interacting with our fans. Nasira ang plano kong paglilibot dahil dito but it's okay, atleast Alice became my friend.

"That's the first show na ang dami mong nasabi!" Alice exclaimed. She's making it a big deal.

I rolled my eyes at her atsaka siya hinila pasakay ng van, we're going to go to the mall where our fan meeting will take place.

Nang makarating ay dumiretso agad kami sa backstage. It's already 11am at nagreretouch na lang kami bago lumabas.

Hindi pa man nagsisimula ay rinig na ang ingay sa labas.

"Marami bang tao?" I asked Kibo, nakita ko kasing sumilip ito kanina.

"Yes, kaya rinig hanggang dito ang ingay nila dahil madami sila at sabay sabay pang nagsasalita." I nodded at tumingin sa salamin na nasa harapan ko.

The make up stylist is done doing my make up at ngayon ay inaayos na nito ang buhok ko.

What I'm wearing right now is a yellow and white striped knitted long sleeves, hindi naman ito makapal kaya hindi mainit. I partnered it with a black shorts and white shoes.

Nilingon ko si Alice, she's also done and it's already 11:30am. 30 minutes to go.

"Get ready girls. Stand by na lang kayo diyan at wag na umalis, malapit na kayong lumabas." Mia said, nakita ko pa na sinamaan niya ng tingin si Alice na lalabas na sana.

Napailing ako rito. Hindi talaga mapakali ang isang to. At dahil di na kami pinalabas ay dinaldal na lang nito ang stylist na malapit sa kanya.

Ako naman ay tiningnan ang phone ko na ang wallpaper ay kaming dalawa ni Erebus. We looked so cute here.

Sapilitan pa ang pagkuha ko ng litrato na ito dahil nag iinarte si Erebus. Ayaw niya magpapicture dahil daw pagkaguluhan siya pag nakita ang picture niya. As if I'll let that happen.

I don't have any social media accounts at wala akong balak gumawa, but who knows baka bigla kong maisipan.

What I'm using right now is the official ig account of our group. I just scrolled, nothing special that caught my eyes kaya naisipan ko na lang na patayin ang phone ko.

Sakto namang tinawag na kami ni Kibo. Tumayo ako at ganun din si Alice, sabay kaming lumabas at pagkalabas namin ay lumakas ang sigawan.

I looked at the people infront of us at namangha ako dahil napuno ang mga upuan. Limited lang ang tickets sa fan meeting at hindi ko inasahan na mapupuno ang lugar, mayroon pa nga sa labas ng railings na mga hindi nakapasok. I smiled and waved at everyone, ganun din ang ginawa ni Alice.

After that ay umupo kami sa upuan na inihanda para sa amin, people started taking a photo of us so we started posing.

"Nyx! Marry me!" I heard someone shouted, natawa ako rito. I already have a husband.

"No, marry Alice instead." I answered and they laughed at my answer, natawa na rin ako at si Alice naman ay bahagyang nagulat at hinampas pa ako ng mahina.

"Wag mo ako ipamigay, may iba akong crush." She told me. Tumaas ang kilay ko at tinanong kung sino ito.

Nagsimula na ring pumila ang mga fans to give their gifts to us, interact and sign their albums.

In the middle of the fan meeting ay binulungan ako ni Alice.

"Si Markus Diver, from the other company." Napakunot ang noo ko. I don't know him.

Binulungan ko rin si Alice.

"Then make a move. Date him. Baka maunahan ka pa ng iba." Natawa naman ito, tinapos muna ang pakikipag usap sa isang fan bago sumagot.

"That's my plan, don't worry, malakas tong bata mo. I'll be Alice Brianna Gray Diver in the future." Buti naman, ayoko ng mahinang bata. Kidding.

The Primordial GoddessWhere stories live. Discover now