Chapter 20

186 12 0
                                    

Girlfriend

"I wanna try using my head voice in the high notes, is it okay?" Alice asked me while we're practicing the dance for our performance the next day.

I nodded, I already heard her used her head voice in the high notes of our song and it sounds good.

"But ask Mia too, para alam niya." Mia  is a choreographer and a vocal trainer kaya magandang tanungin niya rin ito.

"I already asked her earlier at pumayag naman siya dahil bagay naman daw at hindi masakit sa tenga."

"Girls focus!" napatigil kami sa pag-uusap nang sitahin kami ni Kibo kaya naman nagfocus na kami sa pagppractice.

"Take a rest Nyx, may shoot ka pa mamayang 6pm." Tinanguan ko si Kibo at saka tumayo sa pagkakaupo.

"I'm going home. Text me the address na lang mamaya, didiretso na ako sa set." Sabi ko kay Kibo.

12pm pa lang naman kaya mahaba pa ang oras ko para makapag pahinga. Magtataxi na lang ako para makadiretso na sila sa next schedule ni Alice.

Pagkalabas ko ng company ay nakahinga ako ng maluwag ng makita na onti lang ang tao, buti na lang.

Mayroon na rin agad nakatigil na taxi kaya agad akong sumakay doon at saka sinabi ang address ko.

Tinigilan ako ng haters pagkatapos ng nangyari, ang iba ay nagsorry pero may ilan pa rin na patuloy sa paghahate sa akin.

I don't mind though, hangga't di nila ako sinusugod ay wala akong pake sa kanila. Haters be damned.

"Thanks." I told the driver pagkatapos ko magbayad at bago bumaba.

Nang makababa ay napakunot ang noo ko sandali pero napangiti rin nang makita si Ereb na nakatambay sa labas ng bahay ko. Woah someone's waiting for me.

"What are you doing there? Ang init dito." Bungad ko rito nang makalapit.

He crossed his arms and looked at me playfully.

"I don't have a key to go inside your house." Sinamaan ko ito nang tingin kaya agad nitong binawi ang sinabi.

"Kidding, I'm so bored and I'm not sure what time will you go home so I decided to wait here."

"What if mamaya pa akong gabi umuwi, edi hanggang mamaya ka maghihintay?"

"I don't mind waiting." Inirapan ko ito.

I don't know why, kakakilala lang namin pero sobrang komportable ko na rito na akala mo ay matagal ko na siyang kilala.

"Whatever. Anong pakay mo sakin?" I asked.

"I told you, I'm bored."

"Okay let's go, kaso ay baka mabored ka rin dito, I have a sched later. So I need to take a rest." Sabi ko at saka naglakad na papasok.

Sumunod naman ito sa akin at pagkapasok ay umupo agad sa sofa sa living room.

"Then take a rest, manonood lang ako rito at gigisingin kita mamayang 4pm."

"What? Masyadong maaga yun! 6pm pa ang sched ko." reklamo ko pero umirap lang ito sa akin. Wow hah.

"You need to eat, saka mag aayos ka pa. Go." Inirapan ko ito saka padabog na umalis.

Whatever, bahala siya diyan. Umakyat na ako sa ikalawang palapag ng bahay at saka pumasok sa loob ng kwarto ko at nilock ang pinto, di niya ako magigising. I'll set my alarm to 5pm.

Kahit hindi pa nagbibihis ay humiga na ako sa kama ko, hays finally makakatulog din.

"Wake up." Naalimpungatan ako nang maramdaman ko na may marahang tumatapik sa pisngi ko.

Napadilat ako at nanlaki ang mata ko nang makita na nasa loob ng kwarto ko si Ereb, what the freak? Pano ito nakapasok? Nilock ko ang pinto ah.

"Pano ka nakapasok?" I asked at saka umupo sa kama habang nagkukusot ng mata.

"You locked the door but you didn't closed it properly." He stated and shrugged his shoulders.

I face palmed. You're so dumb Nyx.

"Come on, nag order na ako ng pagkain sa baba. Unfortunately ay walang kalaman laman ang ref mo kaya wala akong maluto so I just ordered food for us." Tumango ako rito.

"Susunod ako. Mag-aayos lang ako." Tumango naman ito atsaka nauna ng lumabas, ako naman ay nag-ayos na ng sarili.

I took a bath and after I wear a pink top, jeans and lacy boots. Hinayaan ko lang na nakalugay ang basa kong buhok.

Kinuha ko ang aking bag na may lamang extra clothes, powerbank and wallet at saka lumabas ng kwarto.

Nilagay ko muna ang mga gamit ko at pumunta sa dining room, naabutan ko doon si Erebus na nakaupo at nakahanda na ang kakainin.

Wow, feel at home siya ah. Pero okay lang, I like his presence here naman.

Umupo ako sa upuan sa tapat niya and we started eating.

"Susunduin ka ba?" He asked.

"Nah, tinext na sakin ni Kibo ang address kung saan ang set kaya magcocommute na lang ako."

"Ihahatid na kita." Napatingin ako rito.

"You know how to drive?" I don't know why did I asked that, bigla na lang iyong lumabas sa bibig ko.

Natawa naman ito saka napailing.

"Of course. I have a car and license, so ihahatid na kita." Tinanguan ko na lang ito. Atleast makakatipid ako sa pamasahe.

"You know what, I'm glad na ang naging una kong kaibigan dito ay ikaw, isipin mo kakalipat ko lang dito kahapon pero kung ituring mo ako ay parang matagal mo na akong kilala. Bonus pa na celebrity ka." Natawa kami pareho dahil sa sinabi nito. I don't know why I'm like this to him, hindi naman ako friendly.

"Friend lang? Ayaw mo ako gawing girlfriend." Oh Gosh, again I didn't know why I said that, bigla na lang itong lumabas sa bibig ko swear.

"Let's see about that." Pinigilan kong mapangiti dahil sa sinabi nito. Yeah right, let's see.

"Are you done?" Tinanguan naman ako nito kaya nagsimula na akong ligpitin ang pinagkainan.

Buti na lang disposable ang pinagkainan namin kaya wala ng kailangang hugasan pa. Tinapon ko na ang mga ito sa trashcan.

"Let's go." Yaya nito at nauna ng lumabas. Para siguro kunin ang sasakyan niya.

Kinuha ko ang gamit ko sa living roon at saka chineck kung may naiwan ba akong nakabukas. Nang makitang wala ay lumabas na ako.

Nakita ko sa labas ng gate ang isang sports car, dumiretso ako rito atsaka sumakay sa passenger seat.

Ibinigay ko kay Ereb ang address at nagsimula na itong magdrive. Nasa byahe kami nang magsalita ito.

"Hintayin na ba kitang matapos?" Tanong nito.

"Hindi na. Andun na naman si Kibo, siya na ang maghahatid sa akin umuwi, besides baka may kailangan ka pang gawin." Tumango ito saka itinuon ang tingin sa daan.

Hindi na ako nagsalita at siya rin naman kaya tumingin na lang ako sa labas ng bintana.

I sighed. The night still looked the same, parang wala itong kabuhay buhay and I don't why but I felt sad because of that. Maybe because I love the night? Hmm.

Nang makarating sa set ay bumaba na ako ng sasakyan.

"See you tomorrow." Ereb said nang makarating kami sa set. I smiled at him.

"Yeah see you, and thank you sa paghatid. Ingat!" Sabi ko bago tumalikod at saka pumunta na kila Kibo.

The Primordial GoddessWhere stories live. Discover now