Chapter 7

281 13 0
                                    

Alice

"Nyx!" Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa tumawag. Nakita ko ang babaeng mabilis na tumatakbo papunta sa kinaroronan ko.

She's tall but I'm taller, her eyes are chinky, have a pointed nose, natural pink lips and fair skin. She's beautiful yes.

"Oh Alice hi." Her attitude is really bubbly and cheerful since first day, I enjoy her company.

Siya ang isa sa naging pinakaclose ko rito sa company, she approached me first and well she's very talkative kaya nasanay agad ako sa kanya. She's like this to everyone here.

"Where are you going?" Tanong nito.

"Mall, free time ko na, why?" Tapos na ako sa training ngayong araw na ito kaya naisipan kong magmall muna. Alas dose pa lang naman ng tanghali, marami pa akong oras para gumala. I also thought of buying new clothes.

"Owmy same! Sama ako, let's go!" Masayang litanya nito atsaka hinila na ako palabas ng company. Ngayon lang ba siya makakapunta ng mall? She looked so excited.

"Calm down, makakarating din tayo ng mall. Why are you so excited?" Tinaasan ko ito ng kilay. Napanguso naman ito at saka tumingin sa akin na parang nagpapaawa. What?

"Eh kasi, huling punta ko ng mall eh five months ago pa, you see ngayon lang talaga uli ako nagkafree time kaya I'm so excited." Napatango ako dahil sa sinabi niya.

Sabagay, karamihan sa kanila dito ay bihira na talaga gumala dahil sa pagttraining, some of them are often given free time pero mas pinipili na magtrain lang uli.

"Ngayon lang uli nagkafree time o ngayon lang naisipan na wag ibaling sa pagttraining ang free time? I know that kind of situations here Alice."

Pansin kong napawi ang ngiti nito dahil sa sinabi ko. See? She's one of that kind of trainees.

"Hehe the second one, okay sorry, Nung sinabi ni Ate Mia na paalis ka na ay nagbago ang isip ko, gusto ko na lang sumama sayo at magpahinga muna sa pagttraining, besides free time ko naman." Napailing ako dahil sa sinabi nito.

"You know Alice, since I came here, I always see you inside the practice room, kahit na break time of free time mo. It seems like you made the practice room your second home, you're a great singer and dancer. I can see it, you can easily pull off high and low notes and also you can do any genre of dances, you don't need to exhaust yourself in training, you deserve to have a break kaya buti na lang at naisipan mong sumama sakin. Let's go future rising star." Sabi ko rito saka ito hinila palabas.

What I said is true, she's really great in singing and dancing kaya I don't really know why she's continuing training kahit na hindi naman na dapat.

She's also Mia's favorite trainee who wouldn't? Her attitude and talent is amazing. Hindi pa ako matagal dito pero siya agad ang napansin ko, I'm glad na naging kaibigan ko ang batang to.

Tumigil ako sa paghila sa kanya at tumayo ng tuwid, we'll wait for a taxi. Napatingin ako kay Alice na ngayon ay nakatingin sa akin at nangingilid ang luha.

Agad kong sinuri ang kanyang katawan, baka mamaya ay nagasgas ito sa kung saan habang hila ko.

"Are you hurt? Bakit ka naiiyak?"

"That's the first time na may nagsabi sa akin na magaling ako simula nang magstart ako magtraining three years ago." Napabaling ako sa kanya at pinunasan ang luhang tumakas sa mga mata niya.

Right, mortals loves being complimented, it gives them a warm feeling, I also feel that whenever I hear them complimenting my night.

"You're really great Alice. I'm sure that once you debut, you'll be number one. I will also become your fan." Mas lalo itong umiyak. Shit, mali ba ang nasabi ko?

"Huhu thank you Nyx, I'll be glad kung sabay tayong madedebut. You know kahit 2 months ka pa lang ay sobrang bilib na ako sa talent mo, I think you're born with it." Nagkibit balikat ako dahil sa sinabi nito. Oh well that's Nyx for you. Great at everything.

"Let's go. Sayang ang oras natin." Yaya ko rito saktong pagdating ng taxi. Nauna na akong pumasok at sumunod agad siya.

"May balak ka bang bilhin?" Pagtatanong ko kay Alice na ngayon ay nililibot ang paningin at parang hindi makapag desisyon kung ano ang uunahing puntahan.

"Shoes? Dresses? Heels? Jewelries? I can't decide! Wait dala ko ba ang card ko?" She checked her small bag at nakahinga ito ng maluwag nang makitang dala niya ito.

"Calm down. Let's start there." Turo ko sa isang boutique, sumang ayon naman ito at agad namin itong pinuntahan.

Pagkarating ay humiwalay agad ito sa akin. I looked around to find a dress that will fit me.

Wala akong mapili, kahit sa mga sumunod na boutique na pinuntahan namin ay wala akong mabili unlike Alice na halos di na mahawakan ang ibang paper bags dahil sa dami ng nabili.

I sighed, in the end I bought a light blue crop top dress. It's beautiful and I think it will suit me kaya binili ko kaagad ito.

I also bought a white rubber shoes for training and sweat pants and some t-shirts.

"Let's eat? I'm so hungry na. Nakakapagod magdala ng mga pinamili." I chuckled at her statement.

"Napakarami naman kasi ng binili mo. We can always go back here you know. Isasama kita pag free time uli." Bigla namang namula ang pisngi nito dahil sa sinabi ko.

"R-really? Am I your bestfriend now?" Nagulat ako sa tanong nito. Wow, she's seriously asking me that?

Wala ba siya nun? Sa pagkakaalam ko ay marami siyang kaibigan but oh well friends and bestfriends are different.

"If you want, I can be your bestfriend." I would love that.

Bigla ako nitong niyakap at nagtatatalon, nahiya naman ako dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao kaya hinila ko na ito papunta sa isang restaurant.

Wow I just made a mortal friend. I felt happy because of that thought. Alice is my first ever mortal friend. Bestfriend pa nga.

The Primordial GoddessWhere stories live. Discover now