Chapter 49 - Remember Who You Are

1.3K 120 17
                                    

Chapter Forty Nine
"Remember Who You Are"
Daniel Rouge Gustilyo's Point of View


My knees trembled. Basang-basa rin ang mukha ko ng luha at amoy usok na ako. Pilit akong pinapatayo ni Hans pero 'di ko na kaya. Ang bigat ng katawan ko at nakatulala lang akong nakatingin sa naglalagab-lab na apoy na dahan-dahang sinasakop ang bahay namin sa harap ko.

Ma.

Angeline.

Roger.

Anthony.

I'm so sorry. I let you all burn in flames.

Huli na nang makarating kami sa bahay. Walang may nakaka-alam kung ano ang pinagmulan ng apoy. Siguro daw nasa loob ng bahay nagsimula dahil brownout ngayong gabi at wala nang may nakapatay nito dahil tulog na sila sa loob.

Umiiyak ako habang tinitingnan ang mga bombero na pilit na patayin ang apoy. Ang sakit-sakit palang makitang kinakain mismo sa harap mo ang bahay mo at ang mga taong mahal mo. Ang sakit palang pinapakita sa iyo kung paano sila lukubin ng usok at kung paano sila mawala sa isang tilamsik lang ng apoy.

I shouldn't have left them here. Dapat 'di ako sumunod kay Hans para sa putanginang show na 'yon. Sana man lang nailigtas ko ang mga taong lubos kong mahal.

I just sat there on the dirty ground helpless. Hans was standing beside me — we were watching the flames as it slowly devour everything I once had and never will have again. Umiiyak pa rin ako at 'di ko kayang itahan ang sarili ko.

Just then, I heard a familiar cry.

May dalang isang bata ang isa sa mga bombero. It was Anthony.

Napatayo ako at tumakbo papalapit sa kawawa kong kapatid na taklob ng kaniyang kumot. Gusto ko sana itong kunin pero dinala ito sa medic at pinaghihilom ang kaniyang sugat kaya wala na akong nagawa kun'di ang sundan lamang sila.

'Di pa nakakasalita ng mabuti ang kapatid ko kaya iyak lang ito ng iyak. Matapos itong linisan ng sugat ay ako na mismo ang nagkusang-loob na kargahin ito at patahanin.

Bigla namang dumating ang isang pamilyar na sasakyan. Abeline was running towards me, she looked worried and as soon as she saw me she hugged me tightly. "Oh god. I thought I'd lost you." She exclaimed. "D-dear, I'm so sorry. This ..." Napatingin siya sa bahay namin habang napapa-iling.

"I'm so sorry." Was the only word she could ever say, I was just sobbing and I couldn't even bear to utter a word.

This is too much to handle for the night.

...

Crinemate na lamang ang katawan ng ina ko at ng dalawa kong kapatid. They were asleep when the fire got caught, luckily my baby brother Anthony was saved. Now, he's the only family that was left of me.

Kahit na alam kong half-brother ko lang siya.

The service was kept private — the mourning too. As much as possible pinadali din ito, not because the Gustilyo's wanted it — it was actually my idea. I wanted to make it fast, kasi alam kong 'di ko kayang patagaling makita pa at magluksa sa sarili kong pamilya. I have to be strong. I know I have to.

ROUGE (androgynousxstraight)(bxb) -ongoingWhere stories live. Discover now