LAKBAY SANAYSAY

560 6 2
                                    









JHEALYN PADILLA

LAKBAY SANAYSAY

Ang Nueva Vizcaya ay isang probinsiya na maraming mga tanawin at maraming mga pook pasyalan. Ang mga pook pasyalan na mga ito ay isa sa mga nagbibigay kulay sa Probinsiya ng Nueva Vizcaya. Maraming mga tao ang namamalagi dito at sila ay mababait at may paggalang sa kapuwa nila tao. Ang mga Novo Vizcayano ay mayroong bayanihan at sila ay tulong- tulungan sa pangangalaga ng kalikasan.
Ang bawat lugar na napuntahan ko dito sa Nueva Vizcaya ay nakakasiyang balik-balikan hindi lamang dahil sa ito ay magaganda bagkus nag-iwan ito ng magagandang ala-ala at sa mga makukulay kong karanasan habang naglalakbay sa ibat-ibang pasyalan o lugar sa Probinsiya ng Nueva Vizcaya.


Sa Bangan Hill (Vista Alegre) – Oktubre 5, 2018
Masaya akong naglakad sa daanan patungo sa Bangan Hill National Park kasama ng aking minamahal. Habang kami ay naglalakad iginagala ko ang aking paningin sa paligid. Ang daanan papasok sa Bangan ay maraming mga bahay at ang mga tao ay naglilinis at nagwawalis sa kanilang tapat. Makikita sa kanila ang bayanihan at iyon ay nakakatuwa. Nang makarating kami sa gate ng Bangan Hill kami ay pinaglog book ng nagbabantay at para daw iyon sa proyekto nila sa pagpapnatili ng kaayusan at kalinisan ng naturang parke. Ang entrance fee dito ay libre at walang anumang babayaran.

Habang nililibot ko ang aking paningin nakita ko ang estatwa ni Jesu Kristo kasama ng kaniyang mga Disipolo sa kaniyang Huling Panggabihan bago siya hulihin ng mga sundalo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Habang nililibot ko ang aking paningin nakita ko ang estatwa ni Jesu Kristo kasama ng kaniyang mga Disipolo sa kaniyang Huling Panggabihan bago siya hulihin ng mga sundalo. Ang Bangan Hill ay sagana sa mga puno at madadama mo ang malamig na simoy ng hangin. Masasabi ko na ang Parke ay pinangangalagaan. Nakatawag din ng pansin sa amin ang mga iba’t ibang estatwa na tumutukoy sa buhay ni Jesu Kristo hanggang siya ay ipako. Ang mga estatwa ay nailagay sa gilid ng daanan na pawang may kwento habang papataas ka ng papataas. Mahirap ang umakyat lalo na at ito ay pataas ngunit ang pag-akyat ay hindi nagging alintana sa amin sapagkat noong nakarating kami sa taas nito ay natuwa kami dahil sa aming natunghayan. Halos kita na naming ang buong Bayombong at napakaganda talaga ng tanawin. Ang pag-akyat naming dito ay sobrang sulit.

May mga kubo-kubo rin na pwedeng pag-upuan at pagpahingaan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


May mga kubo-kubo rin na pwedeng pag-upuan at pagpahingaan. Ang simoy ng hangin ay malamig at nakaktanggal ng mga problema. Ang isip ko ay nagging kalmado at naramdaman ko sa mga oras na iyon ay parang malaya ako sa mga problema. Habang kami ay nagmamasid ay kumain kami ng mga baon naming na pagkain. Ang araw na iyon ay hindi ko makakalimutan dahil nagdulot ito nga magandag ala-ala kasama ng minamahal ko.
Nabusog ang mga mata ko sa mga tanawin. Namangha ako sa mga ito. Talagang napakagaling at napakabait ng lumikha ng ating kapaligiran dahil biniyan Niya tayo ng mga tanawin na makapagpapasiya sa atin. Ang mga likha Ni Jehova ay sari-sari at dapat natin itong purihin mapabundok man o sa ilalim ng dagat dapat natin itong pangalagaan.

VJHEYANGV L I T E R A T U R E S 💜✨Where stories live. Discover now