Buod Ng Wedding Dance By Amador T Daguio

2.2K 9 2
                                    

The Wedding dance
Amador T. Daguio

Sina Awiyao at Lumnay ay matagal nang mag asawa mula sa isang tribu. Sa tagal nilang pagsasama ay hindi pa rin nagkaka anak si Lumnay kaya si Awiyao ay nag asawa ulit at ito si Madulimay. Sa gabi ng kanilang kasal umuwi si Awiyao sa tinitirhan nila ni Lumnay dahil hindi niya ito nakita sa sayawan. Gusto ni Awiyao na sumayaw si Lumnay sa kaniyang kasal ngunit hindi kaya ni Lumnay.
Sa kanilang pag uusap maraming mga naalala si Lumnay kung paano siya nag alay at nagdasal kay Kabunyan para sila ay magkaroon ng anak. Naalala din ni Lumnay kung gaano siya kamahal ni Awiyao pero ng dahil sa tradisyon na dapat magkaroon ng anak ang mag-asawa ay kailangan niya itong iwan.
Nangako si Awiyao kay Lumnay na kung mabigo man siya na magkaroon ng anak siya ay babalik sa piling ni Lumnay at magsasama sila hanggang sila ay umabot sa kanilang mga huling hininga.
Gustong magprotesta at magrekalamo ni Lumnay patungkol sa sinusunod na tradisyon na kailangang mag-asawa ulit ang isang lalaki kapag hindi nakapanganak ng bata ang babae. Nagdesisyon siya na tumungo sa sayawan at kausapin ang mga ulo ng mga nakakatanda. Pero sa mga nasaksihan ni Lumnay hindi niya ito kinaya kaya tumakbo siya sa kabundukan kung saan nandoon ang kanilang mga pananim.
Si Lumnay ay umupo sa isang bato at doon niya hinintay si Awiyao ng mahabang panahon hanggang sa siya ay mamatay kasama ng kanilang mga pananim na beans.

VJHEYANGV L I T E R A T U R E S 💜✨Where stories live. Discover now