BUOD NG ILLIAD

129 5 0
                                    


BUOD NG ILIAD

Ang Iliad ay isinulat ni Homer na isang bulag na propeta. Na kung saan ang Iliad ay may malaking kinalaman sa mahahalagang pangayayari sa Trojan War at ang lungsod ng Troy. Ang Iliad ay isa sa mga kilalang kuwento na may malaking tulong sa kasaysayan.

Ang digmaan ng Trojan ay nagmula sa isang hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng mga Diyosa na sina Hera, Athena, at Aphrodite. Kaya ang Diyosa ng pagtatalo at pagkakasalungatan, nagbigay sa kanila ng isang ginintuang mansanas, na minsan ay kilala bilang ang Apple ng Discord na minarkahan "para sa fairest". Si Aphrodite ay diyosa ng pagmamahal at kagandahan, si Hera ay asawa ni Zeus at si Athena ay diyosa ng digmaan, katalinuhan at pakikidigma. Sa kadahilanang ayaw ni Zeus na magalit sa kaniya ang mga diyosa ay hindi siya pumili bagkus inutusan o pinili niya si Paris upang magdesisyon. Inalok ni Hera si Paris upang maging hari o tagapamahala sa buong Europea at Asya. Si Athena naman ay inalok si Paris na pangunahan ang pagkapanalo ng Troy laban sa Sparta. Habang si Aphrodite ay inialok niya ang pag-ibig sa pinakamagandang babae sa balat ng lupa. At ang pinakamagandang babae ay si Helen na asawa ni Haring Menelaus. Tinulungan ni Aphrodite upang makuha ni Paris si Helen. Si Helen, ang pinakamaganda sa lahat ng kababaihan at asawa ni Menelaus, ay umibig sa Paris, na dinala siya sa Troy. Ang dating Helen of Sparta ay tinawag ng Helen of Troy.

Sa sobrang galit tinipon ng Haring Menelaus ang mga tapat sa kaniya upang sugurin ang Troy. Humingi din siya ng tulong mula sa kaniyang kapatid na si Agamemnon, hari ng Mycenae at ang kapatid na ng asawa ni Helen na si Menelaus, ang nanguna sa isang ekspedisyon ng mga ng Achaea sa Troy at kinubkob ang lungsod sa loob ng sampung taon dahil sa insulto sa Paris. Ayon sa isang propeta mapapatumba lamang ang Troy sa tulong ni Achilles. Si Achilles ay isang mortal dahil noong bata siya ay isinawsaw siya sa ilog ng Styx at ang kaniyang tanging kahinaan ay ang kaniyang talampakan na kung saan dito siya hinawakan ng kaniyang ina. Isang araw ay pinayagan ni Achilles na isuot ni Patroclus na gamitin ang kaniyang damit pandigma. Ngunit sa kasamaang palad ay napatay siya ni Hector ang isang bayani ng Troy na inakalang siya si Achilles. Dahil dito pinatay ni Achilles si Hector dala ng sobrang galit at hinagpisa sa pagkamatay ng kaniyang kaibigan. Si Paris ay ginabayan ni Apollo at natamaan niya si Achilles sa kaniyang kahinaan at ang sugat na iyon ay siyang dahilan upang mamatay si Achilles.

Matapos ang pagkamatay ng maraming bayani, kabilang ang Achaeans Achilles at Ajax, at ang Trojans Hector ang lungsod ay nahulog sa Trojan Horse. Naniwala ang mga Trojan na nanalo na sila sa laban at umalis na ang kanilang kalaban kaya naman sila ay nagkaroon ng pagdiriwang at nalasing sila sa sobrang kagalakan. Pagsapit ng gabi kung saan nag lahat ay tulog na lumabas ang mga tao na nakatago sa loob ng malaking kabayo at binuksan ang pinto ng siyudad. Ang mga Trojans ay hindi makalaban dahil sa sobrang kalasingan. Pinatay ng mga Spartan ang mga Trojans at sinunog buong siyudad. Bumagsak ang Troy at iniligtas ni Aphrodite si Helen. Si Helen ay bumalik kay Menelaus at tinanggap niyang muli ito. Ang ilang mga mandirigma ay ligtas na bumalik sa kanilang mga tahanan at maraming itinatag na mga kolonya sa malayong mga baybayin. Si Odysseus ay umalis kasama ng kaniyang asawa at anak.

THANK ME LATER

SANA AY MAKATULONG SA INYO!!

DONT FORGET TO VOTE FOLLOW AND COMMNET GUYS

LOVE LOVE ALL

vjheyangv

VJHEYANGV L I T E R A T U R E S 💜✨Where stories live. Discover now