Alipin ng Itinuring na Kaibigan

26 3 0
                                        

Alipin ng Itinuring na Kaibigan

May kaibigan ka ba? Isang kaibigan na laging nariyan sa hirap man o ginhawa? Isang kaibigan na ipapagtatangol at itatayo ka kung sakaling ikaw ay madapa?

Marahil lahat naman tayo ay may mga kaibigan o bestfriends na kung tawagin sa ingles. Ngunit sa sarili mo ay natanong mo na ba? Kung kaibigan mo nga ba sila o kaibigan ka lamang kapag sila ay may ipagagawa?

Itinuring ko siyang higit pa sa kaibigan. Itinuring ko siya bilang kapatid kadugo at higit sa lahat kasangga sa lahat ng bagay. Akin siyang tinutulungan ng walang pagaalinlangan. Pinapakoyahan sa mga quizzes at exam. Minsan nga ay ginagawaan pa ng assignments at isinasali sa grupo kahit 'di naman masayding tumutulong. Likas sa akin ang pagtulong at masaya ako kapag may natutulungan kahit na ako iyong nahihirapan sa kaiisip at kaproproblema sa lahat ay ayos lang. Ngunit sa kabila ng lahat ng aking ginawang kabaitan iba ang aking sukling natanggap. Iyon ang pagwawalang bahala sa akin. Napakasakit, sobrang sakit para sa akin na ang minsan kong paghingi ng tulong ay hindi pa ako napagbigyan. Hindi ko alam kung ano ang aking nagawang kasalanan bagkus ay ginawa ko naman ang lahat upang siya'y matulungan ngunit sa kabila ng lahat paglimot at pagtalikod pala ang aking matatanggap.

Magmula ng araw na yaon ako'y namulat sa katotohanan. Katotohanan na matagal ng binubulong ng mga taong nakapaligid sa akin ngunit ito ay ipinagwalang bahala ko dahil gusto kong patunayan na mali sila ng turing sa'yo. Sana nga nakinig na lamang ako ng hindi ako nasaktan ng ganito. Isang sugat na malalim ang naiwan mula sa ating pagkakaibigan. Isang sugat na nagbigay sa akin ng dahilan upang bumuo ng pader sa ating pagitan. Isang sugat na nagdulot sa aking ng labis na kalungkutan, isang sugat na hindi ko alam kung kaya pang maghilom.

May mga tao na kaibigan ka lamang pag may kailangan. Mga tao na parang kung sino na mag-utos sa'yo masunod lamang ang iyong gusto. Mga tao na tinuturing natin bilang kaibigan ngunit ang turing pala sa ating likuran ay alipin na kaya nilang gawing sunod-sunuran. Mga kaibigan na walang ibang ginawa kundi umasa sa'yo at sa mga ibibigay mo na sagot. Mga kaibigan na halos mang-apak sa dignidad mo. Mga kaibigan na masakit magsalita kung hindi mo sinunod ang gusto. Kaibigan na ang turing sa sarili ay mas angat kaysa sa'yo. Mga kaibigan na pinapahalagahan mo ngunit parang wala ka lang sa kanila puso. Mga kaibigan na ang tingin lang sa'yo ay takbuhan kapag may kailangan. Malambing, mabait kapag may gusto ngunit balimbing pala ang puso.

Hindi ko alam kung lahat ay nakakaranas nito ngunit sana ay mamulat tayo. Huwag tayong magpaalipin sa mga kapuwa natin tao. Tulad ko na minsan ng naging alipin dahil sa mga itinuring kong kaibigan. Nasayang lang pala ang pagod dahil ang tinulungan ko ay maling tao. 

VJHEYANGV L I T E R A T U R E S 💜✨Where stories live. Discover now