𝓗𝓲𝓵𝓲𝓷𝓰

58 4 0
                                    

𝓗𝓲𝓵𝓲𝓷𝓰
@𝒗𝒋𝒉𝒆𝒚𝒂𝒏𝒈𝒗 📝

Bagong normal kinakaharap ng kabataan
Online at modular pagpipilian
De kalidad na edukasyon ba'y makakamtan? Kung tahanan magsisilbing silid-aralan?

Gawai'y patong-patong walang hanggan
Ako pa kaya'y may matututunan?
Kung wala namang oras upang harapin mga sasagutan
At bunganga ni inay siya pang mapapakinggan?

Mental health ko pa ba ay mapapangalagaan
Kung ultimo sarili ko 'di ko na mapagtuunan?
Parang gusto ko na lamang sumuko sa laban
Lalo' t stress lang aking nararanasan.

Ako'y napapaiyak na lamang minsan
Parang paghihirap ko gusto ko nang wakasan,
Tanging hiling ko lang naman
Sarili ko'y mapagtuunan ko din nang pansin
Para kahit papaano sa online class may matutunan. #

Please follow me and vote for my stories and other literatures
Thank you so much! ❤️❤️

VJHEYANGV L I T E R A T U R E S 💜✨Where stories live. Discover now