Poem

28 4 0
                                    

By
Jheavv1918 ✨

Oras ay ganap na makatotohanan
Sila ay pinagtagpo ng hindi inaasahan,
Sa pag-ibig na walang hanggan
Sila ay umasa ng tuluyan.

Palitan ng diyalogo nagsimula sa alas syete
Labis na kakulitan hanggang alas nuwebe,
Kahit mga mata ay gusto ng pumikit
Ngunit sabi ng puso’t isipan manatili muna saglit.

Walang labis nap ag-aalaga sa kasintahan
Mga walang humpay na tawanan,
Kahit minsan sila ay may tampuhan
Hindi nagsasawang magsuyuan.

Ang mga magagandang ala-ala na pinagsasaluhan
Magagawa ba nila hanggang katapusan?
Mga ngiti sa labi hanggang saan?
Patungo nga ba ito sa daan na walang hanggang?

Sana walang uuwing luhaan
Dahil sa binuo nilang pagmamahalan,
Si Jehova patuloy silang gagabayan
Kahit maraming pagsubok man ang kanilang daanan.

Sila ay lalaban hanggang wakas
At tutungo sa tamang landas,
At ang kanilang ipaglalaban
Sana walang pusong masugatan.

VJHEYANGV L I T E R A T U R E S 💜✨Where stories live. Discover now