#Chapter10

24 1 0
                                    

#Chapter10

Alexander's POV

Hila niya naman ako paakyat sa kung saan niya ako gustong dalhin. Pagkadating namin sa itaas na palapag sa palapag namin, hinihila ko na ang kamay ko.

"Stop pulling me will you? I'm not an animal"

Kanina pa ako nag titimpi sa pag hila niya saakin, sa pag sampal niya, kaya kong tiisin ang mga masasamang tingin niya pero ang pisikalan na away baka makalimotan kong babae itong si Alqueza.

Bumuntong hininga na lamang ako at umiling sa tumatakbo sa isip ko.

"Sa pinag gagawa mo nag mumukha kang hayop sa mga mata ko tss." sinulyapan niya pa ako pero mabilis akong inirapan.

Kagat labi akong nagpipigil na hilain ang sarili kong kamay at nag padala nalang sakanya hanggang sa makarating kami sa kahuli hulihang palapag ng building na ito. Walang tao dito dahil lahat takot sa kumakalat na mga haka haka na may multo daw dito.

Andito ang networking laboratory, dance room, studio at kung ano ano pang paminsan lang ginagamit dahil kahit mismong mga guro ay takot maabotan ng gabi dito.

May kanya kanyang kwento ang mga estudyante tungkol sa palapag na ito, noon abandonadong palapag lang ito hindi ko ito naabotan dahil nang mag paenroll ako dito, ito na ang naabotan ko bagong pinta at malinis.

Hindi naman ako takot kahit pa anong mga kwento ang naririnig ko tungkol dito.

Mas nakakatakot ang buhay kaysa sa patay. Ang magagawa lang naman ng patay ay manakot habang ang mga buhay kay kayang pumatay.

Tulad na lamang nitong babaeng hila hila ako, para itong patay na buhay, patay dahil ang kaya lang nitong gawin ay tignan ako ng masama at pinapatay sa kahit anong paraan sa isip niya at syempre buhay dahil nasampal at nahila niya ako.

I'm not afraid of her, I can also kill. Bakit naman ako matatakot sa mga ganong klaseng tao, kaya ko din naman gawin ang ginagawa nila but I'm well train, we Kyril is well train.

Nakapamulsa naman akong sumandal sa pader habang tinignan ang namumula sa galit na si Alqueza.

"Gusto mo bang sumama sa mga patay na gumagala dito Kyril?"

"Kung kaya mo edi sana nung isang araw mo pa ginawa" tamad kong sabi dito.

"Anong laro ba ang gusto mo?"

"Walang sumasampal saakin Alqueza ikaw lang"

"And why should I tell you what kind of game I'm playing right now? obviously I'm bored, if I tell you my game. The game will be boring." sinulyapan ko naman ito nang pumadyak naman ito sa sahig na umalingawngaw sa buong palapag, nakikita ko padin ang galit sa mukha niya.

I lifted the edge of my lips and face her while my hands is still on my pocket, looking at her like this mas lalo lang itong nainis.

"Walang mag tatangkang magtapon saakin ng papel, ikaw lang Alqueza at hindi lang papel ang itinapon mo saakin, mansanas."

"Walang may ayaw saakin, ikaw lang din Alqueza" kibit balikat kong sabi.

"Walang may lakas loob na humila saakin, ikaw lang din Alqueza. Do you think you feel special with that?"

"You can just chose, play along with my games or die with hatred in your heart. I told you be my Miss Intramurals but you refuse."

"Ano bang pinakain sainyo at bakit ka nag kaganyan? You know I already hate you kahit pa wala kang ginagawa, kahit pa nakikita lang kita. Ngayon na lumalapit ka saakin at gulohin ako gustohin ko nalang na patayin ka."

"Kill me then" taas noo kong sabi. Alam kong hindi niya gawin ito, Alqueza is too good I guess? who knows?

After the day na nag usap kami ng adviser ko, nag hanap ako ng kung ano tungkol sa mga Alqueza, yes nakikita kong gusto nilang pumantay sa karangyaan ng mga Kyril. Just like this young lady infront of me, they always be in the second place. Yun lang ang nakikita kong rason sa mga masasamang tingin na tinatapon niya saakin at sa mga pinsan ko. But I heard Alqueza is too good, Kyril is a perfect family while Alqueza is a good family.

Sa paningin ko naman mas bagay sakanila ang manguna, Kyril is not doing a business without dirty tricks. I'm all aware of that, since we started our training with tito Orcus, pinamulat niya saamin ang totoong rason sa karangyaang nararanasan namin, those good deeds is all for covering those dirty tricks. Kaya natatawag na perpekto ang pamilya namin dahil walang lumalabas na issue tungkol saamin, lahat ng tito at daddy ko ay perpekto sa ginagampanan nilang posisyon sa buhay ngayon and ofcourse, kailangan namin manahin ang pagiging ang mga ganong bagay.

They can be the first place if yan ang pinuputok ng ugat sa utak nitong taga pag mana nila. I can give it to her, I don't care about those ranks, hindi lang negosyo ang hahawakan ko pag dating ng panahon alam kong pati buhay ng mga pinsan ko at mga taong mapipili nilang pag katiwalaan sa totoong sila ay hahawakan ko ito at siguradohing ligtas.

Life of my family is more important than those ranks na pinag aagawan ng lahat.

Narinig ko pa ang mura nito, mula sa tagalog hanggang sa espanyol at sa iba't ibang lenggwaheng. Tamad ko lamang itong tinignan.

Masyado akong nawili kanina na makipag laro habang tinitignan ang mukha niyang lalabasan na ng usok sa ilong at tenga sa galit habang nag hihiyawan ang mga kaklase namin sa nakikita nila.

Everyone admire me for who I am, I'm not playing cool here, I'm just acting like who really I am. Hindi cool ang pagiging cold, pagiging brusko lang iyon, that's why I really hate seeing people who are acting a cold cool guy. I'm not cold, my classmates can talk to me whatever they want, it's just sometimes being silent is better than being noisy, I'm here to learn and study.

Ibang iba ang ugali ko kay Ashton, dahil kahit sino ang kinakausap dito at masyado itong isip bata, well I understand him kaya palagi ko itong pinagtatanggol sa kapatid niya, we all have different attitude, iba ang papanaw ni Ashton sa buhay at iba saakin, we may be at the same age but we have different perspective, I'm the serious one, he's the jolly one.

Kahit seryoso akong tao, nabobored din ako paminsan, that's why I want to play with Alqueza, she hates me then I'll tease her more to hate me more until she die with full of hatred in her heart. Nakakamatay ang galit.

I'm just being a gentlemen here, mabait pa ako sa lagay na ito, I didn't meant to kill her but if she'll continue to be like this, siya lang din naman ang papatay sa sarili niya, habang ako? nasisiyahan sa galit at masasamang tingin na tinatapon niya saakin.

His Unconditional Desire (on-hold)Where stories live. Discover now