#Chapter24

22 0 0
                                    

#Chapter24

Brianna's POV

"Ganito kasi!" sigaw ko kay Alexander, tumawa naman ang mga kaibigan namin na nanunuod.

"Ano ba yan Kyril! Rank 1 ka pero bakit di mo makuha kuha!?" stress kong sabi dito at napaupo nalang sa sahig.

Andito kami ngayon sa dance room na nilaan saamin ng advisers namin, di ko alam bakit dito kami pinaensayo pero nang maalala ko isang Kyril pala kasama ko tumango na lamang ako.

Nung monday lang kami nag simulang mag ensayo, madali lang naman yung pag rarampa sa harap at pag sagot ng mga posibleng tanong kahit ang talent! pero itong Alexander na to, ang hirap hirap turuan, friday na ngayon.

Si Amethyst nag turo saamin mag sayaw, mabilis ko naman nakuha, timing nalang talaga yung kulang pero itong kasama ko parang tanga.

"Bakit? kasama ba sa rank ko ang pagsasayaw?" tamad nitong sabi at nag patuloy sa pag sayaw sa harap ng salamin na parang tanga.

Binalot ulit ng tawa nila Amy, Ashton at Justine ang buong kwarto pero yung nararamdaman ko ay inis hindi ako natutuwa sa pinaggagawa ng isang to.

Wala si Nethon at Caerus ngayon dito dahil may mga training ang mga yun, pero panigurado akong pag andito ang mga yun, si Nethon ang mag tuturo sa gagong to at tumatawa naman si Caerus sa katigasan ng katawan ng kaibigan niya.

"Oh ghad! anong klaseng katawan ba yan?!"

"Katawan na pinaglalawayan ng lahat yan Alqueza!" sabay tawa ni Ashton, puro lang sila tawa di marunong tumulong.

"Shut up! Let's take a break!" walang pag alinlangan akong humiga at nakita ko ang repleksyon ko, may salamin kasi ang kisame ewan bakit meron, nakita ko ang repleksyon ni Alexander na palapit saakin.

Umupo naman ako at tinaasan siya ng kilay. Binigyan niya naman ako ng water bottle dahil nakaramdam na din ako ng uhaw tinanggap ko ito at ininom.

"Alam niyo bagay naman kayo, kaso di nga lang magkasundo, tinignan niyo!" sigaw ni Amy, sabay kaming napalingon ni Alexander sa pwesto nila Amy para pa itong kumukuha ng larawan gamit sa kamay niya.

"Diba Ashton?"

"Uh-huh!" sabay tango nito.

"Tss" react naman ni Justine sa tabi kaya napalingon kami sakanya.

"What?" masungit nitong sabi.

"Bitter mo! hindi kayo bagay ni Wendy! mukha lang kayong mag kapatid sa paningin ko." siniko pa ito ni Amy kaya napatawa na lamang ako ng mahina.

"That's why I like you Amy!" inakbayan pa ni Ashton si Amy kaya namula naman ito at napahawak sa pisnge niya pero tinawanan lamang siya ni Ashton.

"Alqueza" agaw naman ni Alexander sa atensyon.

"Bakit?"

"Wag na tayong sumayaw."

"Anong gusto mong ipakita don? pagkakanta mo? wag na Alexander." inirapan ko ito, matalino lang si Alexander pero hindi ito talented tulad ni Nethon, narinig ko ang boses nito nung nag paplano kami kung anong gagawin namin sa talent portion.

Pinakanta ito ni Ashton at silang mag kakaibigan lang ang nasiyahan don.

"Minsan lang mauto ang isang Alexander thanks to you Alqueza" yan ang sabi ni Caerus saakin sa lenggwaheng Espanyol, kaya pagkatapos non pinag bugbog sila ni Alexander.

Pag sinabing kong matalino lang si Alexander, matalino lang talaga ito! wala ng iba, walang katalent talent pag dating sa kanta at pag sasayaw.

Biglang sumakit ang tenga ko nang marinig ko itong kumanta kahit si Nethon mahal niya daw yung hyung niya I don't know what's the meaning of that, pero ayaw niya daw marinig ang boses ni Alexander pag kumanta.

Ngayon, nag try kami ng sayaw, si Amethyst at Nethon ang gumawa ng choreography tapos ko na makuha yung routine, timing nalang ang kailangan kong pag aralan don, pero itong kasama ko, hirap na hirap kahit sa simpleng sayaw, akala mo mo sobrang cool niya sumayaw dahil sa aura niya pero nag mumukha siyang tanga, si Nethon lang ang nag titiis sa pag turo sa hyung niya.

Wala din silbi itong sila Justine, Ashton at Amethyst dahil ayaw nilang sila mag turo kay Alexander, even Amethyst, Amy is the one who teach me the routine pero nung nag try siyang turuan si Alexander sabi niya baka tuloyan siyang ma turn off kay Alexander pag pinag patuloy niya ang pag tuturo dito.

Kaya ito ako ngayon, nag titiis sa pag turo kay Alexander pakiramdam ko nga tumaas ang dugo ko sakanya.

"Let's skip the talent portion then"

"Gago ka ba? hindi yun pwede, kung gusto mo manalo maging uto-uto ka naman minsan" para naman itong stress na stress habang iniisip niyang sasayaw sa harap ng maraming estudyante, ginulo pa ang buhok nito sa sobrang stress, kinagat ko naman ang labi ko para pigilan na tawanan siya.

The more I become closer to Alexander the more I see his flaws, the perfect Peter Alexander Kyril they always look up is not that perfect in reality.

Nakikita ko din na hinahabaan niya talaga ang pasensya niya sa mga kaibigan niya at sa pinsan niyang kinakawawa siya, hindi na din ito nagsasalita sa tuwing sinasabihan ko ng kung ano ano dahil sa sobrang stress. Kitang kita kong pinipilit niya talagang wag akong patulan, minsan nasabunotan ko na din ito pero mabilis niyang natanggal ang pagkahawak ko sa buhok niya at nag walk out nalang kaysa patulan pa ako.

Minsan para na din itong bata kung mag reklamo saakin dahil sumosobra na daw ako.

"Please taasan mo pasensya mo hindi ko to ginusto okay?" stress niyang sabi saakin nung una dahil inulan ko na din ito ng hampas.

Hindi ko akalain na marunong mag please ang isang to.

Oh gosh! napailing naman ako at mahinang sinampal ang sarili kaliwa't kanan dahil sa mga pinag iisip ko. Napatingin naman si Alexander saakin na may pagtatanong sa mukha niya.

Sinungitan ko na lamang ito at iniwan sila sa dance room. Nasa fifth floor kami ngayon, yung floor kung saan kami nag sabunotan ni Alexander, pag labas ko preskong hangin ang bumungad saakin, dahil nasa taas na kami ng building kaya may preskong hangin.

Malamig naman sa loob ng dance room naka on kasi ang aircon. Luminghap naman ako ng hangin, dumiretso doon sa bintana kung saan makikita ang labas ng school.

Napangiti naman ako nang makita kong hindi masyadong busy ang daan ngayon dito sa amin.

Papasok kasi yung school gate, nasa unahan pa ang national highway at dahil na din may klase ang lahat kaya hindi ito masyadong busy.

"You look relax when you smile like that"

"Huh?" natigilan naman ako at lumingon sa nag salita, nasa tabi ko na pala si Alexander, hindi ko na lamang ito pinansin ang dinamdam ang hangin.

Napanuod naman ako sa mga batang nag lalaro sa playground, ngumiti na lamang akong pinanuod ang mga itong nag lalaro.

"OMG!" sigaw ko nang may nakita akong nahulog sa seesaw.

"Hala kawawa yung baby" malungkot kong sabi habang pinapanuod itong umiiyak, may lumapit naman na babae sakanya at inalo ito.

"Alqueza"

"Uhm?" sagot ko naman ng hindi siya nililingon.

"You want to win in Mr. and Miss?"

"Ofcourse! ito kaya una kong sasalihan na paligsahan gusto ko maganda memory ko, bakit?"

"Okay.." kibit balikat na lamang ako sa naging sagot niya.

"I will do my best just for you." natigilan naman ako sa naging pabahol niya, napalingon ako dito pero ang tingin nito nasa mga bata na nasa playground din.

His Unconditional Desire (on-hold)Where stories live. Discover now