#Chapter15

26 1 0
                                    

#Chapter15

Brianna's POV

"I need to go" tamad kong paalam kay Amethyst.

"Iwan mo na ako?" pagdadrama niya.

"What's with you today?" kunot noo kong tanong sakanya, she's not like this, yes my times na masyado siyang hyper pero ang pagiging hyper niya ngayon wala akong makitang rason kung bakit.

We've been together since this morning, wala pa kaming kain pwera sa mga siniserve sa kanya kanya naming bahay.

"Did you eat chocolate today?"

"I'm not! prutas nga lang ang kinain ko kanina, nag baon din ako, bigay ko sayo" kinuha niya naman ang baonan niya at nilapag sa mesa ko.

"Kumalma ka nga, I have to go, kakausapin pa ako ng adviser natin" tumango na lamang siya at binaling ang atensyon sa libro niya at pagkagat kagat sa lapis niya. Umiling na lamang ako at lumabas na ng classroom.

"Hi!" biglang bati saakin ni Ashton nang magkasalubong kami, tinaasan ko lamang siya ng kilay, pero nginitian niya lamang ako.

"San punta mo? pasama ka kay Alexander walang ginagawa yun." naramdaman ko naman ang pag sunod niya saakin, hindi ko na lamang ito pinansin.

"Dapat hindi ka nag lalakad mag isa Brianna" napatigil naman ako sa paglakad at napapikit sa inis.

Kailan ba ako mawawalan ng makukulit na tao sa paligid ko?

"Ano ba gusto mo?" kalma kong tanong sakanya.

"Wala, samahan na kita"

"You know I hate you" sinulyapan ko naman ito, pero tumawa lamang ito sa sinabi ko na para bang isang biro lang sakanya ang sinabi ko.

"I thought si Alexander lang ayaw mo?"

"He's a Kyril, you're a Kyril, walang pinagkaiba pareha lang, pinapakulo ang dugo ko, pareha lang mga gago" inirapan ko naman ito at mabilis akong bumaba, narinig ko pa ang pag tawa niya sa sinabi ko.

Wala ba talaga siyang kwentang kausap? sabagay, may kanya kanyang paraan ang mga Kyril paano painitin ang ulo ko at pakuloin ag dugo ko.

Ayokong simulan ang araw ko na nag iinit ang ulo at ang rason ay ang mga Kyril, kaya minsan mas gugustohin kong hindi lumabas ng klase lalo na't pagala gala ang mga ito ngayon dahil wala ngang klase. Hindi naman sa takot ako pero iniiwasan ko lang ang sarili kong ma highblood ng maaga, I'm always watching my diet and do workouts to avoid some critical disease pero pag nakikita ko ang mga Kyril, nakakasalamuha pakiramdam ko mahihighblood ako sa murang edad.

Kumatok naman ako sa pinto ng faculty room bago ko napagdesisyonan na buksan ito at pumasok. Madalas ako dito sa faculty dahil ako lage ang inuutosan ng mga teacher namin kung ano ipinapautos nila. Nung Elementary ako, pabalik balik ako sa faculty room noon di para utosan kundi para alukin ng mga  oportyunidad ng kung ano ano para sumikat ang eskwelahan namin at pangalan ko, pero nung dumating si Alexander, di na nila ako kinukulit that's the only good thing he do.

Palihim ko pang nilibot ang paningin ko, binalot naman ng ginaw ang buong katawan ko, napalingon ako sa edge ng room at nakitang de aircon pala ang faculty room nila, kaya walang tumatambay na adviser sa kanya kanya nilang classroom na inaadvise nila.

Hindi kasi de aircon ang mga classroom pwera nalang sa section one and section three, section ng dalawang Kyril. Sa pagkakaalam ko de aircon din yung claasroom ni Nethon, dating classroom Ni Ashton at Alexander, section one of first year.

For short may special treatment ang mga Kyril dito sa eskwelahan nato, akala ko nga nung una sakanila ang eskwelahan pero nang sabihan ako ni Fay na ang pamilya nila ang may malaking shares sa school.

His Unconditional Desire (on-hold)Where stories live. Discover now