#Chapter25

21 0 0
                                    

#Chapter25

Brianna's POV

"Hoy mag sisimula na yung laro ko!" natigilan naman kaming mag sayaw ni Alexander nang sumigaw si Ashton, nasa pinto ito, suot niya jersey ng year level namin, may suot itong jacket sa loob bago ang jersey niya, mahaba din ang suot nitong medyas at suot niya ang soccer shoes niya, tapos may suot itong sumbrero, plain black.

Kami lang dalawa ni Alexander ngayon dito sa dance room dahil hinila si Justine at Amethyst ng mga teachers namin para tumulong sakanilang mag asikaso ng mga athlete, tapos si Caerus naman at Nethon ay tutok na sa pag training nila.

Kinuha ko naman yung jacket ko at lumabas ng dance room habang sinusuot ko ito.

Naka training outfit lang ako terno ang jacket ko at pants, sky blue na Adidas, hinubad ko yung jacket ko kanina kasi sagabal sa pag eensayo kaya naabotan ako ni Ashton na naka croptop na sando.

Nag talo pa kami ni Alexander kanina kasi ang lamig lamig daw bakit daw hinuhubad ko yung jacket ko pero wala din itong magawa.

"Naks! magkalaban kayo sa brand name ng training outfit niyo ah!"

Suot kasi nito Puma sa jacket at sa short niya na hanggang tuhod ang taas kahit ang sapatos di pinatos! Puma din ang brand.

"Sa pagkakaalam ko hindi ganyan outfit ng soccer player." tinuro ko pa ito mula ulo hanggang paa pero inakbayan niya lang ako kaya sabay kaming naglakaw at iniwan si Alexander sa likod.

"Mainit girl! kaya suot mo to!" bigla niya naman akong sinuot saakin ang sumbrero niya.

Pagkadating namin sa field, tinawag agad si Ashton dahil isa siya sa first game, nakita ko naman si Amy at Justine dahil tinaas nila ang kamay nila, tumakbo naman ako palapit don, umupo naman ako sa tabi ni Justine.

"Water girl? water boy?" tumawa naman ako pero sumimangot lang ang dalawa, nasa gitna kasi nilang dalawa ang water jag at disposable cups.

Tumingala naman ako kay Alexander nang tumayo ito sa harap ko.

"Problema mo? laki ng space oh" turo ko naman sa tabi ko pero napasinghap nalang ako nang mag bend ito, nakita ko naman ang ulo ni Amy nakikichismis kaya napalingon ako sa paligid ko, lahat nasa amin yung atensyon.

"Gago ka ba? umayos ka nga, pinag titinginan na tayo" sobrang lapit din ng mukha nito saakin.

Simula ng malaman ng lahat na kami representative ng year level namin, yung dating walang atensyon akong natatanggap pag nag lalakad ay ngayon meron na, nag bubulongan pa ang mga gaga mostly puro babae kasi, fanclub ata ni Alexander.

"May mabubulag talaga kung hindi mo ito inayos" yumuko naman ito at pigil hininga naman ako nang hawakan niya ang dulo ng jacket ko at inayos ang zipper non, napasigaw naman ako nang bigla niyang zinipper at umabot sa baba ko.

Ngumuso naman ako nang umayos ito ng tayo at umupo sa tabi ko. binaba ko naman ng konti yung zipper para hindi ako masakal.

"Justine" para kong batang sumbong sakanya.

"Buti nga sayo!" napanganga naman ako nang irapan niya ako at hindi na pinansin.

Lumapit naman saamin si Ashton, may dala na itong hoodie, lumapit ito kay Amy.

"Oh! masyadong mainit." bigay niya dito sa hawak na hoodie na itim, tumayo naman ako at sinipa ng mahina ang paa nito.

"Aray!" nilingon naman ako ni Ashton habang nakayuko ito hawak ang banda kung saan ko siya sinipa.

"Ano ba naman yan Wendy! laro ko ngayon dito pa talaga!" parang bata nitong sabi, umayos naman ito ng tayo.

"Aba! dumadamoves ka sa kaibigan ko!?"

"tsk! ibigay mo sakanya jacket mo tapos bigay ko sayo yung hoodie" taas noo niyang sabi, nilingon ko si Amethyst nakahawak na ito sa pisnge niya at kinikilig.

"See! three of you wearing jacket tapos siya wala ang init init" inirapan ko na lamang si Ashton at bumalik sa kinauupuan ko.

Hindi na Alqueza tawag saakin ni Ashton, Wendy na gumaya kay Amy habang si Alexander ganon padin Alqueza padin ang tawag saakin at ganon din ako sakanya Kyril ko itong tinatawag kaya minsan pag nag sama ang tatlong Kyril, tatlo din silang lumilingon saakin.

Hindi nga ako binigo ni Alexander sa sinabi niyang pag igihan niya ang pag ensayo niya sa pag sasayaw kasi gulat ako nang nag ensayo kaming dalawa, nag improve ito araw araw kaya naging maganda din sa paningin ko ang choreography, handang handa na kami para sa contest.

Naging close din si Amy sa mga kaibigan ni Alexander, tinuturuan nga nito si Caerus mag tagalog pero kagagohan naman ang tinuturo nito at sinasabayan din ni Justine.

"Bobo! ang gago mo!" proud na sabi ni Caerus kay Alexander, gulat kaming dalawa ni Alexander pero si Caerus biglang yumakap sa braso ni Alexander.

"See I'm learning already, Amy and Justine told me the meaning of Bobo is hola in spannish while Ang gago mo is guapo (gwapo) in spannish, they are great teacher." tumawa naman ako non habang si Alexander napasapo sa noo niya at pinangaralan si Caerus na hindi yun ang meaning ng sinabi niya, para namang batang anak ni Alexander si Caerus na nakikinig sa sinasabi ni Alexander.

"Hola!" speaking of... nakipag apiran pa si Caerus kay Justine at umupo ito sa tabi ni Alexander.

"Stop being clingy Caerus! you look like a gay" biglang sabi ni Alexander nang yumakap si Caerus sa braso niya.

"Kuya pahingi tubig" napatingin naman kami sa humingi kay Justine.

"Ampota!" siniko ko naman si Justine sa pag mumura, tinawanan lang siya ni Nethon at tumabi na kay Amethyst, nag usap pa ang dalawa. Sa tagal kong nakasama sila akala ko tahimik si Nethon pero makulit din pala ito tulad na lamang kay Ashton pero promise if I said walang makakapantay sa pagiging makulit ni Ashton I mean it! swear! napapagod din si Nethon sa pakikipag sabayan sa kakulitan ni Ashton, ang kaya lang talagang sabayan si Ashton ay si Justine at Caerus the three idiot.

"Move!" tumaas naman ang kilay ko nang makita ko si Misha, nakatayo sa harap namin ni Justine, nakahawak pa ito sa kilay habang nakatingin saakin.

"Problema mo bata? may klase ka diba?"

"What?!" I smirk while she's looking at me with confusion.

"Mag sungit ka saakin kung maiintindihan mo na ako." inirapan ko ito at napatingin nalang sa field.

"Umusog ka nalang Bri." padabog naman akong umusog, dikit na masyado kami ni Alexander kaya sinamaan ko ito ng tingin, umusog din ito kaya lumuwag.

Lumiwanag naman ang mukha ni Misha pero sa pag sulyap niya saakin nag sungit na naman. Sarap talaga pag sasakalin tong mga spoild princesses ng Kyril kahit si Alice sinusungit ako akala mo ang laki laki na.

Bumisita ang tatlo nung nakaraan sa dance room, kompleto kami doon nang biglang pumasok ang isang bodyguard nila Alice sinabing nasa labas ang mahal na princesses nila.

Nang pinapasok sila, bigla akong tinarayan pero naging malambot naman kila Justine at Amethyst, nakuha agad ni Amy yung loob ng tatlo kaya nagmumukha akong loner don parang ako yung bisita.

Di ko talaga makakasundo ang mga ito, duh! di din ako mag aaksaya ng panahon na kilitiin ang mga ito! hindi ko pa nakakalimotan ang bilin ng pamilya ko saakin.

"Kuya Justine!"

"Oh ghad" nilingon ko si Alexander, tinaasan niya naman ako ng dalawang kilay niya.

"Bakit ito andito? kung walang mga klase mga anak mo di mo na sana pinapasok, mag iinit lang ulo ko." inirapan ko ito.

"Nag susungit si mommy" biglang sabi ni Belle habang nakatingala saamin dalawa ni Alexander.

His Unconditional Desire (on-hold)Where stories live. Discover now