#Chapter34

22 0 0
                                    

#Chapter34

Brianna's POV

Gulat akong nakatingin sakanya, tumili pa itong niyakap ako.

"Mommy" mahina kong sabi.

"Surprise baby!?" humiwalay naman ito saakin, abot tenga ang ngiti ni mommy habang nakatingin sa reaksyon ko.

"Why are here? I told you not to come"

"Bri- tita?"

"Justine my darling!" tulad ko gulat din si Justine pero niyakap lang ito ni mommy.

"Suprise na surprise ah?" singit naman ni daddy.

"Hala! si tita Wency! tita!" tili pa ni Amethyst at niyakap din ito ni mommy pagkatapos niyang yakapin si Justine.

"Kanina pa kami dito, di ka namin mahanap"

"Naghahanda ako mommy" kinakabahan kong sabi, hindi nila alam na isang Kyril ang partner ko, I never told them.

"Ikaw ba partner niya Justine?" tanong naman ni daddy.

"Justine let's go, mommy we'll be back Amy will accompany you right Amy?" dinilatan ko naman ng mata si Amy nang tignan ako na may kunot sa noo.

"Yes po, don po tayo umupo" hinila ko naman si Justine palayo sa parents ko.

"Oy sasamahan ko sila tita."

"Hindi nila alam Justine"

"Huh? ang alin?"

"Na si Alexander yung partner ko." napakagat naman ako sa labi ko at napatingin ulit sa pwesto nila mommy pero wala na ang mga ito.

"What's the big deal?"

"Eh! naman Justine! alam mo anong meron sa pagitan ng pamilya namin sakanila."

"Hey I don't know."

"Ano?"

"I'm Morgen not Alqueza okay hindi ko alam pinagsasabi mo."

"I don't even know too, I don't know the reason why they hate Kyrils, please pigilan niyo ni Amy sila mommy and daddy pag nag simula yung palabas, di ko alam anong gagawin nila pag nalaman nila."

"Fine"

"Alqueza" napasulyap naman ako kay Alexander, kasama nito si Nethon pero di ko ito pinansin at napatingin kay Justine.

"Oo na wag mo nalang isipin yun okay? ako na bahala" napangiti naman ako sa sinabi niya, hinalikan niya ako sa noo bago pinuntahan sila mommy.

Kagat ko naman ang kuko ko sa hinlalaki habang naglalakad papuntang backstage, nakasunod lamang si Alexander at Nethon. May tugtog pala si Nethon ngayon.

"Tss, you don't have bloated tummy okay? stop doing this, talk to me" narinig ko pang sabi ni Alexander sa likod ko pero di ko pinansin, nawala na sa isip ko yung sinabi niyang malaki tiyan ko nang makita ko ang mga magulang ko.

Pagpasok namin sa backstage, nakita ko na yung ibang contestant, most of them wearing a jersey uniform from basketball to volleyball jerseys, tapos may mga props pa itong bola, natigilan naman ako at napatingin kay Alexander.

"We don't have props"

"Who cares, we can slay without props, that's what tita Rona told me" umikot naman ang mata ko sa mahangin niyang sinabi, tinignan ko ang mga ito, nag stage rehearse naman kami kahapon, kilala ko ang iba sakanila kasi nag pakilala ang mga to mostly boys, natigilan ang mga ito at napatingin saamin, ngumiti ang mga ito.

"Woah!? do you have costume?" sabi naman ng 3rd year, nailang na ngumiti naman ako sakanya.

"Hey! Alexander! Brianna!" napalingon naman kami sa tumawag saamin, si Caerus at Ashton, may dalang basketball si Caerus habang si Ashton ay baseball bat.

His Unconditional Desire (on-hold)Where stories live. Discover now