#Chapter19

34 0 0
                                    

#Chapter19

Brianna's POV

"Justine!" sigaw ko sa pintoan namin, tinignan ko naman ang sahig at mag dadalawang isip na lumabas.

"Wends bakit ka sumisigaw diyan?" lapit naman ni Amy saakin.

"Tawagin mo si Justine Morgen sa kabilang section sabihin mo tinatawag ko." tinulak ko ito palabas ng classroom namin.

Hihilain niya pa sana ako pero umiling lang ako at kumapit sa pinto.

"Ayaw kong lumabas Amy, tawagin mo na sabihin mo lang pangalan ko"

"Para ka namang tanga diyan! dinadamay mo pa ako." reklamo niya pero sumunod lamang ito sa sinabi ko.

"Justine Morgen daw! sabi ni Wendy.. I mean Brianna Alqueza!" rinig kong sigaw ni Amy, nilingon ko naman ito at nakita si Amy na nakatayo sa pinto. Napasapo naman ako ng mahina sa mukha ko dahil sa sinabi ni Amy, akala mo nasa Pilipinas.

"Problema ng babe ko?" agad naman akong lumipat sa kabilang side ng pinto kung saan malapit sa pinto ng section one at sumilip doon.

Napangiti naman si Justine nang makita niya akong sumilip.

"Ang landi!, may Alexander na, may Justine pa! bigay mo na saakin yung isa Wends" kinurot niya naman ako sa tagiliran ko bago ito pumasok, inirapan ko nalang ito.

"Bakit ka andito?" deritso kong tanong tinaasan ko pa ito ng kilay.

Sumandal naman ito sa pader na katabi lang ng pintuan namin at nakalingon saakin, medyo matangkad ito saakin.

"Bawal ba?"

"Oo bawal ka dito, sakit ka lang sa ulo at isa pa! anong lakad yun?"

"Bawal ba?" ulit niyang tanong, sinuntok ko naman ito ng mahina sa dibdib niya kaya napahawak ito doon.

"Ayusin mo nga ang pag sagot Justine! susumbong kita kay mommy!"

"Sumbong mo ko kay tita, bakit ba?, ayaw mo ba akong makasama?"

"Alqueza! sino yan?" bigla namang may sumilip sa tabi ni Justine, napabuntong hininga nalang ako.

Wala po talagang araw na makikita ko ang mga Kyril nato, kahit noon pang hindi nila ginugulo buhay ko, walang araw na nakikita ko ang mga to, masyadong mga pabida ang mga to.

"Di ka ba nakinig kanina? Justine Morgen nga" sabi naman ni Justine, ngumuso naman si Ashton sa naging sagot nito, inirapan niya pa bago dumapo ang tingin saakin.

"Sabay tayo mag lunch?" aya niya naman na parang bata, wala talagang araw na hindi hyper si Ashton at nakakasakit ng ulo, kahit gabi at kahit na malayo kami sa isa't isa randam na randam ko padin ang pagiging hyper nito sa mga chat.

"May iba ka na bang lalaki dito?" kunot noong tanong saakin ni Justine.

"See! dagdag ka sa sakit ng ulo dito, wag ka ngang magulo Justine, masakit na ang ulo ko sa isang yan tapos dadagdag ka pa?" sabay turo ko kay Ashton.

"Hola! Alqueza!" bigla naman akong nawalan ng gana nang lumabas si Caerus kasama ang bestfriend niyang si Alexander.

Papasok na sana ako pero bigla akong hinila sa pulsohan ko.

"Amy!" sigaw ko naman.

"Samahan mo muna ako dito, di ko maiintindihan ang mga to, nag sasalita ng espanyol eh" bulong ni Justine saakin at inakbayan niya pa ako, sinamaan ko naman ito ng tingin, wala naman akong pakialam kung masyadong malapit ang mga mukha namin.

"Wag kang sumama sakanila" madiin kong sabi gamit ang Italiyanong lenggwahe pero nginitian niya lang ako ng matamis.

"Pero sila ang trip kong kaibigan" sagot niya naman sa lenggwaheng Italiyano.

His Unconditional Desire (on-hold)Where stories live. Discover now