#Chapter18

29 0 0
                                    

#Chapter18

Brianna's POV

"Alam mo bang hindi padin ako maka move on sa nakita ko kahapon?!" tili ng tili naman itong si Amy sa tabi ko, niyakap niya pa ang braso at nag simula na namang mag pantasya.

"Amy tumigil ka na." binawi ko naman ang braso ko sakanya kaya napatingin ito saakin.

"Aba hindi ka pa nag kwento sa nangyari."

"I don't have to do that, ano kita nanay?"

"Bakit nag kukwento ka ba sa nanay mo? duh as if makikinig yun sayo, papagalitan ka lang, we're talking Kyrils here" umikot naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

Alam niya ang tungkol don, nung una tinatanong niya ako kung bakit, bakit daw may galit pamilya namin sa mga Kyril, even I, even me as Alqueza I don't freaking know. Kahit anong kulit niya saakin hinding hindi ko masasagot yun, I'm already done with the history of our family, bakit ko ba dapat malaman ang history ng pamilya namin? that's why even mommy always told me, read and read duh I quit! I'm not going to read the history book of our family. Kaya sumuko din ito, yun lang ang alam niya, may galit ang pamilya namin sakanila. Well I'm not mad, I just don't like them, full of confidence.

"Girls!" napalingon naman kami kay Fionna na kakapasok lang sa classroom.

Wala si Fay at Valentia ngayon kanina pa nag simula ensayo nila. Mabilang nalang kaming andito ngayon sa classroom, wala namang pumasok na teacher ngayon.

"Problema?" tahimik lamang akong nakatingin kay Fionna, umupo naman ito sa harapan namin dalawa ni Amy.

"There is new student for second semester" tumaas naman ang isang kilay ko sa sinabi niya, tumatanggap pala ng estudyante ngayon? hindi pa nag sisimula yung semester, sports fest palang, ang aga naman atang lumipat.

"She or He?"

"He's handsome!" sagot naman no Fionna kay Amy.

"Ay tanga, she or he lang tanong ko di ko sinabing gwapo ba" bulong naman ni Amy.

"What section is he belong then?, let's visit him" sabay tili naman ni Amy, napailing na lamang ako sa pag uusap nila.

"He's section one! he's still in faculty room, he is handsome like Alexander and Ashton by the way"

Mabilis naman nag tayuan ang dalawa kong kaibigan at tumambay sa pintuan, may dalawa kaming pintuan, ang pinag tambayan nila ay yung katabi ng pintuan ng section one.

Tinignan ko sila bago ko sila sinundan, binigyan naman nila akong dalawa ng espasyo sa gitna nila pero lumabas ako ng classroom namin at sumandal sa tabi ng pintoan, katabi ko si Amy na nasa loob ng classroom.

"Nagka interest ka din pala sa gwapo Wendy?"

"Aanhin ko naman ang kagwapohan kung sobrang hangin naman?"

"You're pertaining someone, obviously Alexander"

"Mismo"

"Feeling mo lang yun, hindi naman mahangin si Alexander. Masyado ka lang ata nilamon ng galit ng pamilya mo sa pamilya nila."

"Hindi ako galit sa pamilya nila Amy, I only hate Alexander okay?, okay na saakin si Ashton"

"Ohh? Ashton? bakit? bakit? ano ba kasi meron?" tumayo naman ito sa pagkakaupo niya sa mesang hinila niya kanina.

Tipid ko lamang siyang nginitian bago ko nilingon si Fionna na tinatawag si Amy ng mahina, hindi naman ito nakatingin saakin kaya sinundan ko naman ang tingin niya.

"What the hell?"

Natigilan naman ang lalaking masyadong hambog kung mag lakad, taas noo pa itong nag lalakad habang nakasabit ang isang sling ng backpack niya. Suot niya naman ang uniporme tulad ng amin at magulo ang buhok nito.

"Kung makalakad parang may ari ng eskwelahan ah?" tinaasan ko naman siya ng kilay at nilapitan. Pinasidahan ko ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Tutulad ka din ba sa mga yun?" tango kong tinuro si Alexander sa loob ng classroom, nakita ko namang nakatingin ito saamin na may kunot sa noo.

"Ganito ba dito? eh wewelcome ka ng pataray?" umirap naman ito saakin kaya mabilis kong hinablot ang tenga nito, mas matangkad ito saakin kaya napayuko siya.

"Sadista ka pa din hayop!" hinawakan niya naman ang pulsohan ko para tanggalin ang pagkahawak ko sa tenga niya.

"What are you doing Alqueza?" natigilan naman ako at napalingon sa nag salita.

"Pakialam mo Kyril" irap ko naman sakanya at mapang uyam ko namang nginitian ang sinasabi ni Fionna na trans​fer​ee.

Inirapan niya naman ako habang hawak niya ang tenga niya at hinarap si Alexander.

"You must be Alexander Kyril, the teacher said you're the president of this section" nakipag kamayan naman siya pero hindi ito pinansin ni Alexander.

"Walang galang" Iniwan ko naman silang dalawa at nilapitan ang dalawa kong kaibigan na nakatanga lang.

"Hi Alqueza!" napapikit naman ako nang may umakbay saakin na kilalang kilala ko ang boses.

Bakit ba sa tuwing lalabas ako ng classroom parang sakit ng ulo ang lage kong natatanggap?

Siniko ko naman si Ashton sa tiyan niya kaya napabitaw ito sa pagka akbay saakin at napahawak nalang sa tiyan niya.

Kagabi niya pa ako kinukulit nang ma confirm ko siya sa facebook, na send niya yung video pero kinukulit niya ako, kung ano siya personal ganon din siya sa social media, hinding hindi tatantanan, sobrang kulit sarap kutosin.

"Ang harsh mo naman mybebs parang di ka nag I love you saakin kagabi."

"Hoy anong pinag sasabi mo?!" mabilis kong inapakan ang paa ng napakalakas kaya binalot ng sigaw niya ang buong corridor.

"Shh! Silencio" sigaw naman ng isang teacher na nakasilip saamin, nasa section four ito.

Kibit balikat lamang ako at humarap sa dalawa kong kaibigan na hanggang ngayon nakatanga padin pero si Amy ay may gulat na ekspresyon habang si Fionna ay nakatingin lang kay Ashton.

"Anong I love you?" napalingon naman ako sa nag salita.

"Justine" tawag ko dito.

"Saakin lang siya pwede mag I love you"

"Oh ghad" napahilot naman ako sa noo ko at mabilis na tinaas ang dalawang kamay senyales na sumusuko na ako sa kabaliwan nila.

Please remind me na hinding hindi na lalabas ng classroom, lately sumasakit ulo ko dahil dito hindi yun nakakabuti.

Pumasok naman ako sa classroom namin at iniwan silang lahat sa labas. Once makapasok ako ng classroom na to walang labas labas na pag hindi pa labasan, baka lahat ng lalaki sa floor nato ang maging dahilan ng pagkamatay ko.

Umupo naman ako sa upuan ko at pinukos ko ang sarili ko sa binabasa ko. Bagsak ko namang nilagay sa mesa ang lapis ko nang wala akong maintindihan sa binabasa ko.

Filipino yung lenggwahe ng binabasa ko pero wala akong maintindihan.

Nilingon ko naman ang pintuan at nakita ko pa si Justine don nakatayo habang nakatingin saakin. Right! kailangan ko pala itong tanongin bakit ito andito? wala naman itong sinasabi saakin na lilipat siya. Though I'm happy he's here but gusto ko padin malaman kung bakit ito andito, sana naman walang kinalaman sila mommy dito.

His Unconditional Desire (on-hold)Where stories live. Discover now