#Chapter20

25 0 0
                                    

#Chapter20

Brianna's POV

Kalalabas ko lang ng parking lot, nilibot ko paningin ko at nakita ko agad si Justine kasama ang mga Kyril at si Caerus.

Tumaas ang kilay ko nang makita ko kung paano makipag kulitan si Justine sa mga prinsessa kuno ng mga Kyril.

Walang klase ngayong umaga dahil may meeting yung mga teachers dito, kanina lang daw umaga sinabi, tinext ako ni Amy at tinawagan din ni Justine.

Nasa mini forest ang mga ito ngayon, katabi lang ito ng parking lot kaya mabilis ko lang nakita ang mga to.

Hindi ko na lamang sila pinansin at nilagpasan ang mga to. Kakapasok ko lang ayaw ko muna ng sakit sa ulo.

"Bri!" bagsak ang mga balikat kong nilingon si Justine, kumaway kaway pa ito habang ang mga mahal na prinsessa ni Alexander ayun! pinapatay na ako sa tingin.

I wave my hand sign na wag na akong pansinin pero half tao half tanga itong si Justine, nilapitan pa ako at inakbayan.

"Tinawagan kita kanina, bakit ngayon ka lang?"

"Nagkausap nga tayo diba? bakit ba? ayaw kitang makita ng maaga" irap kong sabi dito.

"Tinawagan nga kita para makita kita ng maaga, masyado ka naman atang mapagkait saakin Bri." umakto naman ito na parang nasasaktan, nakahawak pa ito sa dibdib niya na parang tanga.

"Kuya Justine!" naagaw naman ang atensyon namin dalawa at sabay napalingon sa tumawag sakanya.

"Why my baby Alice?" napangiwi naman ako sa tawag niya kay Alice, kahit sino nalang talaga ang trip niyang tawagin sa mga corny niyang endearment.

"Why are talking with that girl? don't talk to someone who have attitude problem." napanganga naman akong nakatingin kay Alice, kinurap ko pa ng ilang beses ang mata ko pero iniripan niya lang ako.

Oh gosh! talagang may problema ang pamilyang to, pinagsasabing attitude problem? tapos ito ang nagpapaka attitude ngayon.

Tumawa lamang si Justine sa sinabi ni Alice at kinarga si Alice, malambing naman itong yumakap sa leeg ni Justine habang masama niya akong tinataponan ng tingin.

Padyak naman akong mag walk out, baka di ko mapigilan ipapakita ko talaga sakanya kung ano ang attitude problem na sinasabi niya. Baka ito susunod kay Alexander pag ako napuno, walang bata bata sa paningin ko, basta Kyril sasabunotan ko talaga para mag tanda.

"Bri! lilipat na ako sainyo mamaya! sinabihan ako ni tita!" narinig kong sigaw ni Justine pero umirap na lamamg ako at umakyat na sa building namin.

Pag pasok ko ng classroom, mabilang yung andon, siguro dahil nga walang teacher at nag eensayo ang mga ito para sa Sport Fest.

Biglang sumigla si Amy ng maupo ako sa tabi niya.

"Bakit ngayon ka lang!? alam mo bang bored na bored ako? inaya ako ni Ashton kanina sumama sakanila pero baka san sila mag punta at baka dumating ka tapos wala ako kaya tumanggi ako, the best talaga ako no?"
Ilang segundo pa lang akong nakaupo sa upuan ko pero sobrang dami na ng nasabi ni Amy ang daldal ng kaibigan ko.

"Hindi ka man ba ma proud saakin? tinext kita kanina tapos hinintay kita ngayon."

"By the way Wends" magsasalita na sana ako pero natigilan din nang sumingit ito, tinaas ko naman ang kilay ko.

"Hanap ka kanina ni Justine eh! tapos sumunod si Alexander! aba girl! masyado atang mahaba buhok mo? kabago bago ni Justine pero sayo agad nagka interest! iba din pag top 2 eh no? lahat nahuhumaling."

"Teka! bakit parang pamilyar saakin ang Morgen? Justine Morgen diba yung full name niya?" napahilot na lamang ako sa sintido ko dahil sa kadaldalan ng kaibigan ko.

"Girl! ayan na sila! mga prince mo!" singit na naman ni Amy nang mag masasalita na sana ako, tinapik pa ako nito ng mabilis sa balikat ko.

"Gosh Amy! kumain ka na naman ng chocolate?" di ako nito pinansin, patuloy lang ito sa pag tapik saakin habang ang atensyon ay wala saakin.

Kumawala naman ako ng mabigat na hangin at hindi nalang ito pinansin, tinanggal ko pa kamay nitong nakatapik parin saakin.

"Alqueza! anong lilipat si Justine sa bahay mo? boyfriend mo ba si Justine?" natigilan naman ako nang maupo si Ashton sa hatap ko at dumaldal.

"Pinagsasabi mo?" bakit ba ito andito? nilibot ko naman paningin ko at nakita ko ang tatlo na bagong pasok lang sa classroom namin, nag kukulitan ang dalawang di naman nagkakaintindihan dahil sa mga lenggwahe habang si Alexander deritsong upo sa tabi ni Ashton.

"Mang bubwesit na naman ba kayo?" aabotin ko sana ang mga buhok nila pero mabilis na umiwas si Ashton at pag hawak ni Alexander sa pulsohan ko.

"Wag buhok ko, inayos ko ito ng ilang minuto tapos sisirain mo lang? nope! not gonna happen, kaw na kausap diyan sa girlfriend mo Alexander." tumayo naman si Ashton at nilapitan ang dalawa.

"Stop it Alqueza." inirapan ko lang ito at binawi ang kamay ko.

"Let's eat, I'm hungry" tumaas naman ang kilay ko na nilingon si Alexander.

"Kumain ka don, di ko dala mga pagkain sa canteen"

"Uhmm... excuse me couple" tumayo naman si Amy pero mabilis kong hinawakan ang kamay nito at hinila paupo.

"San ka pupunta? dito ka lang, okay na akong ikaw dumadaldal kaysa sa isa diyan." inirapan ko pa si Alexander pero nakita ko pa ang pag ngisi nito sa ginawa ko.

"I'm hungry Alqueza"

"Kumain ka don, paki ko kung gutom ka? nanay mo ba ako?"

"You look like a mother" tumawa naman si Amy sa naging responde ni Alexander, sinamaan ko ito ng tingin kaya tumigil, I scoff when Alexander's eyes and mine meet.

"Hiya naman ako sa tatlong anak mo, puro pa spoiled!" di ko napigilan na sumigaw, kaya napatigil ang tatlo sa pagkukulitan.

"Ano? kunin niyo kaibigan niyo dito! baka ipag uumpog ko ulo niyo" taas noo kong sabi sa tatlo pero umiling lamang si Ashton at Caerus, lalapit pa sana si Justine pero pinigilan siya ng dalawa, hinila pa palabas.

"You look like a father when you are with 3 spoiled brat princesses." inirapan ko ulit ito, ilang ulit na ba akong umirap ngayong araw? umaga palang pero parang mapapagod na yung mata ko dahil kaharap ko na naman ang hari ng mga gago.

"Then be their mother.." natigilan naman ako at gulat na hinarap si Alexander, narinig ko ang mahinang tili ni Amy sa tabi ko.

"Pinagsasabi mo?" nangdidiri kong tanong kay Alexander.

"What? you look like a mother and I look like a single father, then let's be a family."

"Oh gosh! feel ko ako mamamatay sa kilig, hoy kiligin ka naman diyan!" siniko pa ako ni Amy pero sabay ko silang inirapan at iniwan sa classroom namin.

Pinagsasabi non! di ba siya nangdidiri? hello! we are not compatible to each other, I am Alqueza and he is Kyril! at isa pa! highblood kung puro Kyril nakapaligid saakin.

"Hey! I'm hungry" tamad kong sinulyapan si Justine na naka akbay na saakin at sinasabayan akong mag lakad.

"Problema niyo? bakit ba kayo gutom? kung gusto niyong kumain, kumain kayo mag isa wag niyo kong sinasama di ko hawak allowance niyo oy!"

"Sabi ni tita you should treat me oy! sumbong kita kay tita ngayon."

"Sumbong mo, sipsip ka kay mommy eh!" inirapan ko ito again! sabi ko naman kasing dagdag lang talaga ito sa sakit sa ulo ko dito.

"You shouldn't leave your husband there Alqueza" natigilan naman kaming dalawa ni Justine sa paglakad nang sumingit sa gitna namin ang magaling na hari ng mga kinulang sa buwan na Kyril.

"Husband? hoy! are you cheating on me? sumbong talaga kita kay tita! husband pala ah!" sigaw ni Justine kaya may naagaw kaming atensyon ng ibang estudyante.

"Oh ghad leave me alone both of you!" mabilis akong naglakad at iniwan silang dalawa.

His Unconditional Desire (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon