#Chapter26

25 0 0
                                    

#Chapter26

Brianna's POV

"What?" masungit kong tinanong ito, tumawa pa si Alexander.

"Paupo mommy" turo naman ni Belle sa kandungan ko.

"What the hell!?" nilingon ko si Alexander.

"Mommy daw paupuin mo na"

"Gago ka anong tinuturo mo diyan!?"

"Wala ah!, paupuin mo, magsisimula na yung game." tumingin pa ito kay Belle at tumango kaya gulat naman akong umakyat si Belle, wala akong nagawa kundi kargahin ito para maupo sa kandungan ko.

Napalingon naman ako sa likod ko nang may nag payong saakin, yung bodyguard ni Belle.

"Let me" kinuha pa ni Alexander ang payong sa bodyguard at nag payong nga kaming dalawa kasama si Belle.

"Happy family?!" sigaw ni Ashton nang mapadaan ito sa pwesto namin, nag warm up na kasi sila, puro naman takbo o di kaya touch the plate at takbo ang warm up na ginagawa nila.

Tumawa tawa pa si Ashton.

"Hermano! you should be better on this!" sigaw naman ni Misha sa tabi ko, nag thumbs up lang si Ashton.

"You should be! you are not good on your acads atleast be better on soccer" narinig ko pang bulong niya kaya napasulyap ako dito.

"What?!" masungit niya akong nilingon.

"Huh? Belle why are you sitting on that girl's lap? ate Amethyst lap is available" biglang singit ni Alice, inirapan pa ako nito.

"Why? mommy Brianna's lap is comfortable" inosenteng sagot ni Belle na siyang napalingon kay Justine saakin, narinig ko pa ang mahinang tawa ni Alexander sa tabi ko.

"Mommy?" tanong nilang tatlo, Misha, Alice at Justine, nakaupo si Alice sa lap ni Justine ngayon at pinapayongan sila ng bodyguard ni Alice sa likod, sinama na din si Misha sa payong.

"Yes why?"

Naagaw naman ang atensyon namin lahat nang may nag pito ng mahaba at malakas, kaya sabay kaming lahat napatingin sa field, isa isang niligpit ng mga players ang plates nila at nag usap usap pa ito.

Napahawak naman ako sa maliit na mga kamay ni Belle habang nakatingin kay Ashton ngayon, nasa gitna ito kaharap ang kalaban habang makipag agawan ng bola.

Nang pag pito ay pigil hininga akong nanuod sakanila.

"Yes!" sigaw ko, tatayo pa sana ko, muntik ko ng makalimotan may nakaupo pala saaking bubwit.

Pinasa naman ni Ashton ang bola sa kabilang side kung saan libre ang kasamahan niya.

"Go Hermano Aladdin Ashton!" sigaw ni Misha sa tabi ko, napalingon ako dito.

"Aladdin?"

"huh?" napatingala ito saakin.

"Yes Aladdin Ashton Kyril" kibit balikat niyang sabi at binalik ang tingin sa field.

Napabalik naman ang tingin ko nang mag sigawan ang lahat na nanunuod.

"Ay sayang!" nahuli ng goal keeper ang bolang sinipa ni Ashton kaya ngayon nasa kalaban ang bola, takbo naman ang ginawa ng team ni Ashton, ang iba sakanila binabantayan yung kalaban, nag turo turo pa si Ashton habang tumatakbo ito, masyadong malaki ang field kaya nasa kabila ang goal ng kalaban, nasa side namin yung goal ng team namin.

Nag slide si Ashton para masipa ang bola na nasa kalaban at sinalo naman ng kasamahan ni Ashton, mabilis na tumayo si Ashton at kumaway pa ito, mabilis niya naman nasalo ang bola.

His Unconditional Desire (on-hold)Where stories live. Discover now