#Chapter30

21 0 0
                                    

#Chapter30

Brianna's POV

Binigyan naman ng instruction si Nethon kung saan niya kami dadalhin.

"Morgen ka ng Morgen, kaya pinag iinitan ako ni master" bulong saakin ni Justine, tahimik lang kaming nakasunod kila Ashton.

Iniwan namin ang lolo at lola ng mga Kyril kasama ang mga prinsesa nila.

"Bakit ba?" masungit ko ditong sabi, pumasok naman kami sa isang kwarto, sobrang laki, mayparte ng sahig na naka foam even three walls ang isang pader naman ay salamin, training center siguro nila, marami akong nakitang gym equipment. May isang glass cabinet na puro iba't ibang klase ng kutsilyo, di ko alam akong tawag don basta madami! even guns! what the hell!?

"Oh hubad ng sapatos! actually bawal pumasok ng bahay na nakasapatos pero pinag bigyan kayo dahil bisita" Asian's culture with Spaniard's architecture huh?

Kaya pala nakita ko ang mga sapatos ng mga prinsesa kanina sa pintoan, napatingin naman ako sa suot ng dalawang Kyrils pero naka tsenilas na ang mga to, kami lang pala ang mga nakasapatos dito, even Caerus is wearing slippers.

Hinubad namin ang sapatos namin bago kami pumatong sa foam, hindi naman siya yung fluffy na foam pero tama para walang mabasag na ulo kung sakali.

"Asan si Alexander?" tanong ko kay Amy, nakatingin lang ito sa tatlong lalaki na nag lalaro na ngayon.

Kibit balikat lamang si Amethyst.

"This is my first time coming here, alam kong mayaman ang Kyril pero di ko naman akalain na ganito pala bahay nila, shock nga ako ng sabihin nilang hubad ng sapatos."

"By the way nakausap mo ba sila Valentia? baka mag tampo yun pag nalaman niyang di tayo nanuod ng competition."

"Nasabihan ko na, naintindihan naman nila kailangan daw mag handa, manunuod yun mamaya."

"Oh ghad!" singhap niya naman kaya napatingin ako sa harap, pigil hininga akong tinignan ang tatlong nag lalaro ng kutsilyo.

"Hoy! baka may masaktan sainyo! Justine!" saway ko dito, natigilan naman silang tatlo.

"Stop shouting your throat, okay I will behave." sabi naman ni Justine, umupo pa ito na parang bata, sinundan namam ni Caerus at Ashton at di nila mapigilan tumawa.

"Alexander hyung is taking a shower for a bit." tumango na lamang ako nang sabihin ito ni Nethon, bagong pasok lang ito, nakapag bihis na din.

"Para namang may bata tayong binabantayan" narinig kong sabi ni Amy kaya napalingon ulit ako sa taltlo, nag suntokan na, nakasuot pa ng boxing gloves, napasopo ako sa noo ko at umiling na lamang.

Nag usap usap pa ang tatlo habang naglalaro. Natigilan lamang ang kabaliwan nila nang pumasok si Alexander.

Napatingin naman ako sakanya pero umiwas lang ito saakin, nakasuot ito ngayon ng simpleng tshirt at training pants, masyado naman atang fresh ito ngayon habang ako na pawisan na dahil kanina.

"Let's go! let's play in my room!" hinubad naman ni Ashton ang boxing gloves niya.

"No you stay here!" pigil ni Alexander sa pinsan niya, tumawa naman ang pinsan niya kahit si Nethon nakangiti din ito sa naging reaksyon ng kuya nila.

What his problem? noon hahayaan niya lang ang mga ito minsan nga sasabihin niya na mas mabuti pa daw na umalis ang mga ito dahil masyado lang silang disturbo sa pag eensayo namin. Tapos ayaw niyang paalisin ang mga to, ang gulo niya din minsan.

"Bakit? ayaw mo ng disturbo diba? aalis kami dito kasi mag lalaro kami ng ML sa kwarto." ngumisi naman si Ashton kay Alexander

"No stay here you dumbass." napanganga naman ako nang marinig ko ang huling salitang sinabi ni Alexander, first time kong marinig mag mura ito sa pinsan niya.

"Abaaaa! lolaaaa!!! minumura ako ni kuya Alexandeeeeeeeeer" sigaw naman ni Ashton, what? kuya? so siya talaga ang panganay sa lahat ng Kyril? ngayon ko lang narinig si Ashton mag kuya kay Alexander.

"Hyung tumahimik ka, as if naririnig ka ni lola" tamad na sabi ni Nethon.

"Ano na naman kagulohan ginagawa niyo?" gulat naman kaming pumasok ang lola niya, kahit si Nethon nagulat din sa pag pasok ng lola nila.

"Minura ako ni kuya Alexander lola" parang batang sumbong ni Ashton, napanganga naman ako sa naging akto niya, ampt! pabiktim ang isang to.

"Oh tapos? congratulation Alexander, nakapag mura ka din kay Ashton" singit naman ng lolo niya, may powers ba sa pandinig ang grandparents nila? ang laki laki ng bahay pero naririnig pa nila ang isa't isa.

"Lolo naman!" Ashton pouted because he didn't get what he want, iniwan naman kami ng grandparents niya.

"Ano ba yan, wala talaga akong kakampi dito sa bahay para akong kinakawawa dito."

"Ngayon ko lang narinig si Ashton nag kuya, I never thought Alexander is the panganay" sabi naman ni Amethyst sa tabi ko, tumango naman ako biglang pag sang ayun sa sinabi niya.

"Bri" napatingin naman ako kay Justine, lumapit ito saakin at binigay ang tumbler.

"Di ako nauuhaw Justine"

"Ubosin mo na, last nadin naman to." ngumiti pa ito ng matamis, kinuha ko naman ito pero nagulat na lamang ako nang mawala ito sa kamay ko ng isang iglap. Kahit si Justine nagulat din sa pangyayari pero yung tingin niya hindi saakin, nakanganga pa itong tinignan si Justine.

"Ya! that's mine!" sigaw ko naman habang pinanuod ang tubig kong unti unting naubos.

Kumurap pa si Justine nang padabog niyang binigay ulit ni Alexander ang walang laman na tumbler.

"Gago ka ba!?" naramdaman ko naman ang pag init sa pisnge ko dahil sa inis.

"Stop flirting infront of me will you!" nagulat naman akong sumigaw ito saakin. Malamig niya lamang akong tinignan.

Ano bang meron? bakit ba nag kaganito ang isang to?

"hyung" sita naman ni Nethon sakanya, pumikit naman ito at bumuntong hininga bago ulit ako tinignan.

"Mag ensayo na tayo" tinalikuran niya naman ako at pumwesto sa harap ng salamin. Tahimik lamang ang ibang tao kahit ako nakasunod lang ang tingin ko sakanya.

"I'll just get your clothes, our prof text me." basag ni Justine sa katahimikan, nakatingin ito saakin, tinaas niya naman ang phone niya, sumulyap pa si Justine kay Amethyst at tumango.

Hinayaan ko na lamang silang umalis at tahimik akong pumwesto sa tabi ni Alexander.

Tahimik pang nag signal si Ashton na aalis sila pero umiling lamang ako, takot na sigawan ulit ni Alexander. Tipid naman silang tumango at umupo nalang sa gilid.

"Okay let's start" kalmang sabi ni Nethon, sabay naman kaming tumango ni Alexander.

Bagsak kong hiniga ang katawan ko sa sahig nang mag anunsyo si Nethon na tapos na, hindi niya kami binigyan ng break, pagbibigyan niya lang kami pag perpekto ang lahat kaya sobrang pagod yung naramdaman ko.

Kung makapag strikto itong si Nethon saamin parang 2nd year, mas binibigyan niya pa ng pansin yung amin kaysa sa sarili niyang team.

Kanina pa dumating sila Justine pero di namin ito nabigyan ng pansin dahil busy kaming lahat, sila Ashton naglalaro habang kami naman nag eensayo.

"Snack time!" narinig ko naman ang boses ng tatlong bubwit di ako nag abalang bumangon.

"Oo na ikaw na, mainitin ulo ni master" napaupo naman ako nang marinig ko ang boses ni Justine, pero tumatawa na ito kasama si Ashton.

His Unconditional Desire (on-hold)Where stories live. Discover now