#Chapter36

47 0 0
                                    

#Chapter36

Alexander's POV

Pagod akong bumaba sa kotse ko, agad naman akong napangiti naman makita ko ang mga pinsan kong babae naglalaro sa sala.

"Hi kuya!" ngumiti ako kay Alice, naunang umuwi ang mga ito kasi pinatawag pa kami ni Alqueza sa faculty room.

"Natagalan ka ata sa pag uwi?"

"Lola? mano po" nag mano naman ako bago ito hinalikan sa pisnge niya.

"Yeah, nag celebrate kami kasama ang mga adviser"

"Asan si Ashton kung ganon?" kumunot ang noo ko sa naging tanong ng lola ko.

Nagkasalubong kami kanina, nag paalam ako kay Ashton kanina na kay Nethon muna siya sumabay kasi pinapatawag kami ng adviser namin. Tumango lang ito at umalis agad.

"Di ba kasabay ni Nethon? I told him na sasabay kay Nethon pag uwi."

"Hyung you're here" napatingin naman ako kay Nethon na kalalabas lang ng kusina.

"He's here Alexander, where's Ashton?" binalot naman sa kaba ang buong katawan ko sa paraan ng pananalita ng lola ko at kay Ashton.

"I don't know" mahina kong usal habang nakatulala na nakatingin kay Nethon, napalitan naman ang masaya nitong ekspresyon ng kaba.

"Where's hermano?"

"Hyung"

"Peter Alexander Kyril! Where's Ashton!?" napakurap ako nang sumigaw ang lola ko, humakbang ako paatras, kitang kita ko ang kaba sa lola ko at galit.

Gago asan si Ashton?

Mabilis kong kinuha ang phone ko at sinubukan itong tawagan.

"You're being irresponsible Peter Alexander!" kagat labi kong tinanggap ang sinabi ng lola ko.

"Alexander! hi!" lumaki naman ang mata ko nang marinig ko ang boses ni Ashton.

"Where are you Ashton?" pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at boses ko, lumayo naman ako sa lola kong nakasunod ang tingin nito saakin.

"Nasa bahay bakit? uwi ka na hanap ka na ni lola" Naiyukom ko ang kamay ko sa narinig kong sagot.

"Really are you?" malamig kong sabi dito, napaubo naman ito.

"Y-yeah"

"Stop fooling around Ashton, I'm already home"

"Uhhh? hehe Alexander kasi ano"

"Where are you? I'll get you there"

"Hala grabe di pa nga kami nag sisimula maya na!"

"Ashton" madiin kong tawag dito.

"Fine I'll text you the address na nga kj naman eh" reklamo niya bago binaba ang tawag, umiling na lamang ako.

Humarap naman ako sa lola ko.

"I'll get Ashton now."

"Make sure na uuwi kang kasama si Ashton." bumuntong hininga na lamang akong pumasok sa kwarto ko para mag bihis muna.

To: Ashton

I'll give you 1 hour to enjoy whatever you're doing, just make sure to text me the address later.

Tinitigan ko muna ang tinext ko kay Ashton bago ito binulsa.

"Sama ako hyung." bungad naman saakin ni Nethon nang makababa ako ng hagdan, suot na nito ang hoodie niyang itim, naka bukas pa ang zipper nito puting tshirt ang pang loob niya at naka pants na itong itim.

His Unconditional Desire (on-hold)Where stories live. Discover now