#Chapter14

37 0 0
                                    

#Chapter14

Brianna's POV

"Miss Alqueza" napatayo naman ako nang tawagin ako ng adviser namin, katatapos lang ng klase niya sa Arts.

"Miss?" pagtataka kong tinignan ito.

"Go to faculty later, we need to talk" hindi niya naman ako nginitian tulad ng nakasanayan kaya kunot noo ko lang itong sinundan ng tingin hanggan sa mawala sa paningin ko. Bumalik naman ako ng upo.

May kanya kanya namang pinagkakaabalahan ang mga kaklase ko, yung iba nag bibihis ang iba naman ay kaharap ang mga laptop nila. Yung adviser lang namin ang may klase dahil first period namin siya, puro after first period ang simula ng training ng lahat for upcoming Sport Fest.

May iba namang mga subject teacher na hindi sinusunod ang school calendar at nag sisimula na din magklase. Yung ibang athlete na kaklase ko napipilitan pang pumasok kahit sa gitna ng training nila para lang may attendance.

Mabuti nalang talaga at wala akong sinalihang event sa paparating na event, I don't really into joining a contest, I'm lowkey student here that's what I guess. I'm not into the attention of everybody, all I want is good grade for future.

"What was that for?" napalingon naman ako kay Amy na nakatingin lang saakin, umupo naman ako at kibit balikat ko lamang siyang sinagot.

"By the way Wendy, let's go home" kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya, anong go home? magtataka ang tita ko kung uuwi ako ng maaga and ofcourse tita will report to my parents in the Philippines about that.

"Ano ka ba"

"No I mean wala naman tayong event for this upcoming Sport Fest, umuwi nalang tayo ng Pilipinas"

"I wan't to but I don't want" tipid kong sabi dito, ano ba sa tingin niya makakauwi kami ng basta basta? oh well ofcourse sakanya yes but for me, mahaba habang usapan pa bago ako payagan ng magulang kong umuwi.

They sent me here to have better education, I don't know what's on Philippines for sure they have good education system there but here I am, spending my whole young life here in Spain. Lumaki naman ako sa Pilipinas pero nang mapagdesisyon ng magulang ko ipasok ako, akala ko pa doon ako makakapag aral sa Pilipinas but ipinasok nila ako sa paaralan ng lugar kung saan ako hindi pamilyar noon. Pero nasanay na din ako.

"I will tell tita"

"You know them too well Amy, they always refuse, lalo na't may event pa ang school they want me to join in every opportunities that can help me which I don't want Amy, hinding hindi mo mapipilit si mommy, sasabihan ka lang non, sumali tayo ng sport or even the contest here" matabang kong sabi sa huli.

"Right the Miss and Mister Intramurals" I make face when she said that and face me with curiousity.

Tatlong araw na ata akong nililigawan ng adviser ng section one para lang mapapayag na ako ang maging Miss, pero I always declined his offer, kahit pa may sugarcoat pa ang mga salita nito para mapapayag ako, hindi pala ang sagot ko.

"Naalala ko yung sa canteen" tumaas naman ang kilay ko, nakita ko pang nag iisip siya. Hindi ko ito kwenento sakanya, why would I? pag kwenento ko at naalala ko ang buong pangyayari sa araw na yun baka umusok na naman ang tenga at ilong ko sa galit at sa nagkukulong dugo ko.

"What?" masungit kong sabi sakanya, inirapan niya naman ako sa pagiging masungit ko pero binalik niya lang ulit ang tingin niya saakin habang may pag tatanong ang mukha niya. Now she's curious.

"I have to go, tinatawag ako ng adviser natin" tinuro ko pa ang pinto at tumayo na pero mabilis niya akong hinila paupo, napabusangot naman akong lumingon sakanya.

His Unconditional Desire (on-hold)Where stories live. Discover now