#Chapter21

27 0 0
                                    

#Chapter21

Brianna's POV

"Bakit mo ba ako sinasama sa paglilipat mo? hindi na nga ako pumayag sa pag iisa natin ng bahay tapos isasama mo pa ako?"

"Malamang Bri, di ko alam saan yung sainyo, damit ko lang naman yung kukunin ko wag kang OA"

Nang mag anunsyo na walang klase sa hapon, wala naman talagang klase kasi nga for preparation sa Sport Fest pero yung mga wala namang training pwede ng umuwi kaya ito ako ngayon imbis na dumiretso sa pag uwi, hinila pa ako ni Justine para tulongan siyang kunin ang gamit niya para sabay na daw kaming umuwi dalawa.

Hinarang pa kami ni Caerus at Ashton sabing sabay daw kaming kumain ng lunch pero dahil buong umaga nila akong kinukulit mag kaibigan ayun di ako pumayag.

Nang mag walk out sinusundan padin ako ng dalawa puro reklamo dahil gutom daw sila, para akong may batang kasama, di ko alam anong meron kay Alexander pero nagmumukha siyang tanga sa paningin ko at gagong makulit naman si Justine.

Sumuko ako at hinila ang dalawa papasok sa canteen, tinanong pa ako ni Alexander anong gusto ko pero umiling na lamang ako at nag hintay sakanila matapos kumain, ang kaso ayun! sumunod ang dalawang kinulang sa buwan kaya buong umaga nila akong kinukulit apat, habang si Amy? pinapanuod lang akong namumula na sa galit, sumasabay pa ito sa pag tawa nila Ashton.

"Bilisan mo! gutom na ako Justine!" reklamo ko naman sakanya nang makababa ito ng kotse, tumango lamang ito bago niya sinara yung pinto. Lumapit naman ako don para makita kung saan nakatira si Justine.

"Lipat lipat maganda naman yung tinitirhan."

"Uso naman kumain sa labas kung ayaw niyang mag luto, papansin din ang isang to." umirap naman akong bumalik sa kinauupuan ko.

Binilang ko na lamang ang mga kotseng dumadaan at mga taong nag lalakad.

"I'm hungry, bakit ba ang tagal ni Justine?" nakita ko naman ang pag sulyap ng driver ni Justine nang mag salita ako.

Pinauna na ni Justine yung driver ko dahil sakanya daw ako sasabay, buti nalang talaga at hindi ako hinayaan ni manong, nasa likod lang namin ito ngayon, ayaw niya akong iwan.

Baka makalimotan kong kausapin si mommy later, hindi ito tumawag saakin at maki balita, siguro dahil tatanongin ko na naman siya tungkol sa pag lipat ni Justine dito kaya hindi siya tumatawag. Mommy talaga! ayaw matanongan sa mga plano niya tss.

Okay na ako sa fact na magkasama kami sa iisang school ni Justine pero di talaga ako okay sa iisang bahay kami titira ni Justine, masakit siya sa ulo! kung sa school, nabibigyan niya nga ako ng sakit sa ulo pano pa kaya kung pati sa bahay magkasama kami? wala na! mamamatay ako sa kunsomisyon!

Napaayus naman ako ng upo nang may tumapik sa kotse kaya napalingon ako sa likod, si Justine, nilagay niya ang maleta niya sa likod bago siya sumakay.

Bomusina naman yung kotse ko sa likod at nauna na sa pag alis.

"Follow that car" sabi ko naman sa Espanyol sabay turo sa kotse na nauna.

"Sundan mo daw manong" tumaas naman naman ang kilay ko kay Justine.

"Naintindihan mo ba ako? at manong nag tatagalog ka?"

"Opo ma'am, pinasama po ako ng mga Morgen para mabantayan si sir Justine."

"Ikaw! naintindihan mo sinabi ko kanina?" hinampas ko pa sa braso si Justine napa 'ah' pa ito.

"Aba malay ko, na analyst ko lang! tinuro mo yung kotse mo eh! so naisip ko baka sabi mo sundan yung kotse."

"Bakit ang tagal mo!? gutom na ako!" hahampasin ko pa sana ito pero hinawakan niya pulsohan ko.

"Naging amazona ka na Bri" ngumuso naman ako, binawi ko ang kamay ko at umayos na lamang sa pag upo.

"Narinig ko pa kay Ashton, sinabunot mo daw si Alexander."

"Duh! I'm proud with that!" irap ko.

"Tapos sinali mo pa si Ashton."

"Edi don ka na sakanila, problema ba yun?"

"Tapos pinatulan mo pa yung mga batang Kyril"

"Tapos.."

"Tapos tapos tapos ang usapan" pagpuputol ko sa pagiging madaldal niya.

"Buti nalang naisipan kong lumipat dito, di mo nga ako hinug nung nagkita tayo, nakakatampo ka paminsan ah!"

"Wag kang magulo Justine!"

"Hug mo ko oyyy!"

"Ayoko! tumigil ka"

"Bahala ka! di kita lulutoan, gutom ka diba?"

"May katulong Justine, wag ka ngang magulo!"

Pagkarating namin ng bahay gulat akong sinalubong kami ni tita.

"Tita akala ko ba may trabaho ka?"

"Wala ngayon araw kasi nga ngayon araw dadating si Justine, tapos sinabihan pa ako ng driver niya na walang klase ngayong hapon"

"Ciao tita" malambing na bati ni Justine, niyakap naman ito ni tita kaya napailing na lamang akong pinanuod sila.

"Gutom ka na Justine? nag handa ako ng makakain."

"Ako dito gutom!" singit ko naman sakanila, natigilan naman ang dalawa at nilingon ako.

"Yes tita gutom na kami ni Bri." ngumiti si Justine at inakbayan ako, napangiti na lamang si tita nang tignan kami dalawa.

"Oh siya, pumasok na kayo."

Nag usap naman ang dalawa tungkol sa buhay ni Justine sa Italy habang kumakain at ako? tahimik lang na nakikinig sakanila.

Mga bata pa kami nung huli namin kita ni Justine sa personal, lumipat ito sa Italy kasama parents niya habang ako andito sa Spain, nakakausap ko naman ito through messenger or skype.

Hindi ko lubosang maisip na lilipat dito si Justine, di ko alam anong rason pero ang pakiramdam ko ang parents ko ang may kagagawan nito, everyone adores Justine Morgen, because he's the type of guy na happy go lucky kaya siguro mabilis niya lang naging kaibigan si Caerus at Ashton, tatlong siraulo or 3 idiots tapos hari nila si Alexander na feeling cool.

Mommy likes the idea of me with Justine, para daw mahawaan ako sa pagiging hyper nito but sorry to dissapoint you mommy, even I already have Amethyst na hyper din di talaga ako nahahawaan ng mga kabaliwan nila. Masisiraan lang ako ng bait pag nagsama sama na ang lahat.

"By the way Brianna, you mommy called me, usap daw kayo later"

"Yeah kahit hindi siya tumawag, tatawagan ko talaga siya." sinamaan ko naman ng tingin si Justine pero inosente niya lamang akong tinignan.

"Hala tita oh masama tingin ni Bri saakin! parang di ako welcome dito!" parang bata niyang sumbong pero inirapan ko lamang ito at tinawanan lang siya ni tita.

Akala mo kakampihan siya palagi ni tita tss.

Kinagabihan, dumiretso na ako sa kwarto pagkatapos namin kumain, umalis si tita kanina kasi may emergency daw kaya hanggang ngayon hindi pa umuuwi.

Si Justine ayun nag kulong sa kwarto niya, hindi pa nga kumakain, sinilip ko kanina, nag lalaro ng ML, narinig ko pa ang boses ni Ashton, masyadong abala sa pag lalaro niya napansin ang presensya ko, hinayaan ko na lamang at dumiretso na dito sa kwarto ko.

Binuksan ko naman yung laptop at tinawagan si mommy through skype.

"Baby!" bungad niya saakin.

"Brian! si Brianna tumawag!" excited na sabi ni mommy napangiti na lamang akong pinanuod silang dalawa ni daddy.

"Baby hi!" kumaway pa si daddy nang magpakita ito sa screen.

"Daddy! tumatanda ka na!" pabiro kong sabi, napahawak naman agad ito sa mukha niya kaya napatawa na lamang ako.

"Grabe ka naman saakin baby" ngumuso pa ito kaya mas lalo akong napatawa.

"By the way baby, pumayag ka na ba?"

His Unconditional Desire (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon