One

128 6 15
                                    

Third Person POV

"Haysss" nakahiga ang isang binata, ay MALI isang binabae pala. Maghapon na siyang nakahiga dahil wala siyang magawa sa bahay nila.

Kinuha niya ang phone niya at pinatugtog ang Painkiller ni RUEL.

Victor POV

Naisipan kong magbungkal ng gallery ko.... At biglang lumitaw ang picture naming dalawa.

PICTURE NAMING DALAWA

Napangiti ako dahil itong picture na to ang una naming date sa Mang inasal at feeling ko bumalik lahat ng alaala namin. Myghad babalik ka nanaman ba sa 0%? 98% ka na tehhhh. Nakita mo lang picture niyoo! My ghad!

Gusto mo ikwento ko kung paano kami nagkakilala?

Gusto mo?

Talaga?

Yung totoo?

Okay.
Fine.

4 YEARS AGO
FOURTH YEAR

School

"Baksssssss!" Napalingon ako ng marinig ko ang boses ng isang dakilang chismosa. Kilalang kilala ko ang boses na to HAHAHA!

"Baklaaaa!" Sigaw ko rin sa kanya habang hinihintay na makalapit siya sakin hanggang sa nagyakapan kami. Tagal na rin ng huli kaming magkita ni Elonah. Oo babae siya HAHAHA Bakla lang tawag ko.

"Musta na teh" -ako

"Okay lang HAHA ikaw?
Akala ko di ka na babalik
dito. Bakla ka!"-siya

"HAHA ano ka ba syempre!
Namisssss kita!!!"-ako

Habang matamis ang usapan namin ang may isang bwesittt na lalaking bumundol sa tagiliran ko at guess what anong nangyari? Natumba lang naman at may tumalsik sa uniform ko na putikkk!

Myghad first day palang ganito na nangyari! Agmamalas!

Pero......

Nawala galit ko ng makita ko yung demonyong bumangga sakin, di pala sya demonyo kundi ANGHELLLLL na may sungay nga lang.

Napanganga ako ngunit bigla akong nataranta ng magsalita siya.

"Hala! Sorry. Sorryy. Wait lang" sabi niya habang tinutulungan niya ako tumayo at napansin niya na nadumihan uniform ko.

"Shit! Halika sama ka sakin" Sabay hablot sa kamay ko papunta saan? Wait CR to baks.
Waittttttt.

Nang makarating kami sa loob ang agad niyang tinggal ang unang butones ng polo niya.

"Sandaliiii! Anong ginagawa mo?!" Bulalas ko sa kanya.

"Ay. Sorry. Ito muna gamitin
mo, tutal ako naman may
kasalanan. Sorry talagaaa."
-siya

Tangina ang gwapo niya as in! Tadhana to baks! Charot! First day of class humarot agad HAHAHA.

"Ah ganun ba?"-ako
Pabebe kunwari.

"May white tshirt naman
ako dito na extra ibalik mo
nalang to pag nalabhan na.
Sorry talaga kanina"-siya

At yun na nga mga bakla hinubad niya ang polo niya ang tumambad sakin ang yummy body niya. (Manyak ka) Paano ba naman kasi. Yung dibdib niya, tas may pa abs pa, tas yung braso niya ang laki halatang nag gygym. Napanganga ako.

"Ito oh"
"Uy!"
-siya

"Ay sorry. Sige
thank you ah. Babalik
ko to bukas na bukas"

Sabi ko habang kinukuha ang polo na kakahubad niya.

"Sige una na ako ah, baka
malate ako, pati ikaw
dalian mo magbihis."
Sabi niya sabay alis.

Hayssss. Bakla di mo natanong pangalan niyaaaaaa! Walang hiya ka HAHAHA. Ops in fairness ang bango ng polo niya. Inamoy ko ito ng isang oras, charot 23 seconds lang tas saka sinuot.

Myghad feeling ko yakap yakap niya ako. HAHAHA ang harot mo bakla. Pagkatapos kong naisuot ay bumalik ako sa harapan ng room namin kung nasaan si Elonah.

Di parin matanggal sa isipan ko yung mukha niya na sobrang kinis, di tulad ng akin parang kalsadang lubak, yung kissable lips niya, di tulad ng akin na tuyot parang may El niño baks, yung mata niya na may mahabang pilikmata aishhhhhh!

-----------

Okay di ko pa pala ako nagpapakilala HAHAHA btw I'm ICE VICTOR YVAN HILFERAGE oh bongga diba? Dami kasi arte ng nanay ko. 22 years old na ako ngayon at kasalukuyang nag-aaral sa Philippine Arts and Kermelu University or PAK-U HAHAHA at ang lalaking minahal ko ay makikilala niyo na.

A/N: Please do support and vote my story. Iloveyou all guys💕

I love you AGAIN (On-going)Where stories live. Discover now