Fifteen

29 1 0
                                    

SSL Second day

VICTOR POV

Nandito na kami sa may venue namin. At inaantay ang game namin.

Knocked out game na ang labanan kaya 2 teams na ang nalaglag. Third game kami at ang balita ko ay ang makakalaban namin ngayon ay ang Champion last season ng SSL. Pero wapakels bakit ba? Mas malakas team namin. Humanda sila. Pag nanalo kami rito at wala ng hadlang para sa title na Champion.

"Teeeeeeeeeeettttttt!" Pito ng referee hudyat ng warm ups.

Agad naman kaming nag warm-up at ganun na din ang kabilang team.

Tinitignan ako ng coach at kung hindi ako nagkakamali ay ang captain nila. Ngayon lang siguro nila ako nakita. Pwes humanda kayo may pasabog ako.

Tinawag kaming mga captains at nag toss coin. Nakuha namin ang first service.

"Teeeeeetttttttt!" Game starts.

Sa kanila ang unang puntos at masasabi kong malakas sila pero hintayin niyo ako sa harapan.

Isang drop ball ang nilaglag ni Marlon sa kabila at naging all one am score st sa wakas andito na ako sa harapan.

Papalo na ang captain nila ay sinabayan ko ito ng talon at boommm! Blocked!

Nakipag-apir ako agad sa mga teammates ko. Syempre dapat wag tayong attitude. Palamunin natin sila ng galaw.

Sa kanya nanaman binigay ang bola at ngayon ay nagoff-speed siya ng bola ay agad naman na received iyon.

Sumenyas ako kay Mics na sa akin ibigay at nabasa niya yun.

Tinaas niya ang bola sakin at hinampas ko ito pailalim at sa mukha ng captain nila ito tumama, tumaas man ang bola ay hindi na nila nahabol.

Nagsorry ako sa kanya at nagpatuloy ang laban. Dahil sa pangyayaring iyon ay nawala ang  kanilang laro at nasa amin naman ang momentum.

Nagpatuloy lang ang laban, nahirapan kami pero kami ang nanalo. Bukas na ang semi-finals at mas pag-iigihan namin ito.

Umaga palang ay tapos na ang laro namin kaya maaga kaming makakapagpahinga.

Ting!

MESSENGER
____________________________________

ELONAH

-Baks!
-Tapos na ba game niyo?

-Paano mo naman nalaman?

-Eh sabi ni Juancho sa GC eh.
-Kung pwede nga VC tayo tapos punta ka sa event ni Vince at gusto ko siya panoorin.

-Hays. Pagod ako ah.

-Sige na. Lilibre kita pagdating niyo ditooo!

-Okay. Madali lang ako kausap.
-Tatawag nalang ako mamaya.

-Salamuch!!!!

Seen√ 10:34 AM
_

___________________________________

Nang makarating kami ng quarters area namin ay agad akong nagbihis para puntahan ang asungot na yun, kung hindi lang kay Elonah ay hindi ko pupuntahan yun eh pero BEST FRIEND IS PRIORITY!

Nakarating na ako sa isang convention center kung saan naglalaro ang table tennis, chess, at badminton at pumasok ako dito.

I love you AGAIN (On-going)Where stories live. Discover now