Three

31 3 0
                                    

VICTOR POV

Sobrang stressful naman ng araw na to, first day palang huh. May asungot agad akala ko pa naman sya ang KNIGHT IN SHINING ARMOUR ko HAHAHA kalokohan mo bakla!

"I'm here na Maderrr!" Sabay beso kay mama. Nagluluto sya ng paborito ko kahit di ko pa nakita ay alam ko kung ano niluluto niya, syempre dahil sa amoy HAHAHA charot! Paborito ko talaga ang niluluto niya Adobong Manok!!!!!

"Oh anak, alam mo ba niluluto ko? Paborito mo!" Sabi ni mama.

"Ma! Ako pa ba? Syempre alam na alam!" Confident kong sabi HAHA.

"Oh? Musta unang araw mo? Nakita mo ba si Elonah?" Tanong naman niya sakin habang tinitimplahan ang ulam na niluluto niya.

"Okay lang naman ma, opo ma nakita ko ang baklang babae na yun! Haha! Buti nalang at bumalik tayo dito ma. Thank you po." Sabay yakap sa kanya.

"Oh sya malapit na maluto tong ulam tawagin mo na kapatid mo sa taas, mag ayos na kayo ng lamesa at kakain na tayo." Sabi niya at agad naman akong umakyat sa taas para tawagin ang kapatid ko. Wait?

Nasabi ko na sa inyo na may kapatid ako?

Malamang hindi pa. HAHAHA

May kapatid akong babae isang taon lang pagitan namin sya si FIRE CATE YVONNE HILFERAGE haba ng pangalan rin no? Piling mo naman maganda. HAHAHA Charot maganda talaga kapatid ko no! Kakainggit nga bakit akong panganay ay hindi pinagpala.

Pagpasok ko sa kwarto niya ay nakita ko syang nakahiga at nagse-cellphone.

"Cate! Kain na ihanda mo na yung mesa." Utos ko sa kanya.

"Wait lang kuya." Sagot niya ay anak ka ni Victoria!

"Baba ka na dun tapos na si mama magluto, magbibihis muna ako." Sagot ko at umalis na.

"Okay" sagot niya kahit nasa harap na akong pintuan ng kwarto ko ay narinig ko yun.

At isa pa pala pahabol si Papa ay wala sa bahay nasa America siya, di na bumalik, di rin nagpapadala, walang paramdam ng ilang taon na. Ang sakit lang isipin na siya pa ang unang lalaking nagwasak ng puso ko. At ayoko ng makita sya kailan man. Tandang tanda ko ang pagmukukha ng aking ama na di man lang kinamusta ang pamilya niya, kung kumakain pa ba sila? Mabuti pa ba sila? At dahil dito naging matatag kami nila mama at ipapamukha namin sa lalaking yun ang ginawa niya samin. Oo, wala kaming alam kung anong nangyare sa papa ko pero and ayoko ng alamin pa.

---------------

Hapag Kainan

Ang sarap talaga nitong luto ni mama, kahit araw arawin ko pa to di ako magsasawa.

"Mga anak may GOOD NEWS ako sa inyo!" Sabik na sabi ni mama at may diin pa talaga ang good news niya. OMG! Nakakaexcite! HAHAHA.

"Ano yun ma?"/"Ano yun ma?"

Sabay na sagot namin ni CATE,
at nagkatinginan kami at
tumawa. HAHAHA!

"Na promote ako mga anak bilang manager ng company na pinapasukan ko!" Masayang balita ni mama samin at nagpalakpakan naman kaming dalawa ni Cate HAHAHA Awarding lang ang peg mga bakla HAHAHA.

"OMG! Congratulations Ma! We need a celebration!" Sabi naman ni Cate. Pumunta siya sa may mini bar sa kusina. OMG wag mong sabihin Cate na umiinom ka na?

Nakita ko si mama na nakatingin rin sa kanya at nagtataka.

Naginhawaan naman kami ni mama ng makita namin ang kanyang dala, baso lang pala ng wine at may dala dala siyang 1.5 Coke na malamang galing sa Ref.

I love you AGAIN (On-going)Where stories live. Discover now