Nineteen

23 0 0
                                    

VICTOR POV

Naglalakad ako papuntang room dahil susunduin ko si Elonah.

Habang naglalakad ako ay may narinig akong kumakanta sa may training room nila Vince. Syempre dakilang chismosa tayo kaya naman sumilip ako sa may nakabukas na kunti na pinto. May ganun ba? Basta nakabukas ng unti yung pwede ka ng sumilip ganun!

Baby, I'm dancing in the dark.
With you between my arms barefoot on the grass.
Listening to our favorite song.
When you said you look a mess.
I whispered underneath my breath.
But you heard it, baby you look perfect tonight.

Nakita ko si Elonah nakatayo at pinapanood kung sino man ang kumakanta, hanggang sa lumapit na ang lalaki sa kanya at hindi ako makapaniwalang si Vince yun!? Sya yung kumakanta? What in the world is that!? Charot. Well aaminin ko, yang asungot na yan? He's so very talented. Matalino, nung una akala ko katulad siya ng mga lalaking bastos na wala namang alam pero no, iba pala. Sporty, tignan mo elementary palang nakaka-nationals na siya. At sige sabihin na nating pogi sya, at mayaman. (Sparkling diamond)

Napatulala ako at bigla nalang bumigat ang naramdaman ko. Nakita ng dalawang mata ko na.. na.. na.. naghahalikan silang dalawa. Hindi ko alam kung bakit ganito pero umalis na ako doon at uuwi na ako.

Bakla umayos ka normal lang sa magjowa yun. Pero bakit parang nasaktan ako? Bakit?

Ngayon parang ayoko na makita si Vince kahit na si Elonah. Ayoko.

Nakauwi ako ng bahay at nilabas ang mga gamit ko sa bag na binigay ng asungot na yun. Ayaw ko na maalala yun.

Ano bang nangyayari sakin?!

Matapos kong matanggal ang laman ng bag na yun ay nilagay ko ito sa drawer ko ay naligo at nag-night routine na ako at humiga sa kama. Ayoko na mag-isip ng kung ano-ano.

---------------
ELONAH POV

Hinihintay ko si Vince dahil bumili sya ng pagkain sa cafeteria. Andito ako ngayon sa may mini park dito sa loob ng school nakaupo.

"Baks!" Sigaw ko kay Victor dahil nakita ko itong naglalakad sa hallway pero hindi ito lumingon. "Victor! Bakla!" Sigaw ko ulit pero wa epek parin. "ICE VICTOR YCAN!" Napalingon ito sakin pero binalik rin lang ang paningin sa daan. Ano kayang meron dito at parang di namamansin.

"Babe I'm here." Nandito na si Vince dala-dala ang pagkain at inumin.

"Babe, alam mo parang may mali kay Bakla. Hindi niya pinansin kanina eh rinig na rinig naman dun kanina." Nagpout ako syempre pacute tayo. Pero seryoso bakit?

"Eh kahapon kasi sabi ko puntahan niya ako sa room kasi sabay kaming uuwi tapos sabi mo naman may sasabihin ka kaya pinuntahan muna kita pero tinanong ko kay Cate kung nasaan siya nauna na daw. (Sigh) Bigla bigla nalang nagtatampo." Pati ako hiningal sa pagsabi nun. Charot. Pero totoo baka nagtatampo yun.

"Alam ko kiliti nun." Sabi ni Vince na pinagtaka ko. Best friend ko pero di ko alam kiliti niya pero boyfriend ko alam niya? What?

"Anong kiliti? You mean like this?" Sinundot ko sya sa tagiliran at nakiliti naman at tumawa.

"Hindi ganyan. Haha." Tinigil ko ang pagkiliti sa kanya. "Ako bahala dyan." Dagdag nito.

Dinala ako ni Vince dito may mga hilera ng street food vendors. Hindi ko alam na mahilig siya dito. Kailan pa?

"Kailan mo pa nalaman ang tungkol sa mga ganito?" Tinuro ko ang mga tinda nila dito.

"Bakla introduced me to these food." Ngumiti pa ito na nakakaloko "and ito ang kiliti niya. Lagi ko syang binibilhan ng ganito kada lalabas ako ng quarters at ibibigay ko sa kanya pagbalik ko at nagiging good mood siya sakin." Natawa pa siya sa dulo ng sinabi niya. He's mentioning about kwek-kwek. Hindi ko alam na paborito to ni bakla. Sa tagal naming magkaibigan hindi niya sinabi na paborito niya to basta kukuha siya ng kakainin niya at bwalaaa lamon.

Matapos namin bumili ay pumunta kami sa room kung nasaan si Victor.

Tinabihan ito ni Vince as usual katabi naman niya talaga. "Bakla paborito mo." Alok ni Vince sa kanya. Napatingin ito sa hawak ng boyfriend ko at ngumiti, kiliti nga talaga niya. "Sorry kung may nagawa kaming mali. Bakit di ka kasi namamansin." Ani ko.

"Ano ba kayo nagpapamiss lang ako eh. Haha by the way thank you dito." Sabi nito at sumubo ng isa.

"Kala ko naman kung ano na."

"Diba sabi ko sayo babe."

It's seems they know each other for a short time na nagsama sila sa SSL. Sabagay, that's a good thing naman atleast walang problema samin.

VICTOR POV

Hindi ko talaga sila matatakasan. Syempre katabi ko sila sa upuan at best friend ko yun. Pero wala na akong magagawa. Siguro I need to bare with this.

Napatigil ako sa pagkain ko ng tumunog ang phone ko. Si Ezekiel nag text.

From: Ezekiel

Usap tayo mamaya. Kita tayo sa fastfood chain mamaya. :)

To: Victor

Ayun sa wakas, may tao akong malalapitan para mawala sa isipan ko kung ano man ang iniisip nito. Bakit ba kasi. Nag reply nalang ako ng "Sige see you!"

So ayun na nga alam nila ang kahinaan ng isang bakla. Ang pagkain lalo na ang kwekwek. After ng klase ay agad na akong pumunta sa FFC para kitain si Ezekiel.

Nakakaloka dahil andito na pala siya. Nakita ko siya sa may bandang dulo kung saan tapat nito ang malaking, dambuhalang salamin na kitang-kita ang mga gusali, sasakyan at tao sa labas. Meron na ding pagkain dito. Meron burger, spag, ice cream, fries, chicken at milktea. Wahhh anong nakain nito at ganito sya, syempre wala pa kasi kakain lang kami. HAHAHA.

"Buti naman at nakapunta ka." Bungad nito sakin. "Syempre libre mo, charot! Syempre oo pupunta ako." Pabirong sagot ko naman dito.

"Musta kayo ng best friend mo?" Tanong ko rito.

"Eh wala lang, parang dati rin lang, pero nagpapansinan naman kami, di kami masyado lumalabas dahil may training tayo ganun din sila." Sagot nito sakin. Napansin ko nga rin parang walang nagbago, nagpapansinan na sila pero ganun sa dati parin ang takbo ng buhay nila. Syempre kasama niya si Elonah lagi kaya wala ng time, pati si Elonah ganun din sakin.

"Ah busy talaga yun kay Elonah, pati nga kami ng babaeng yun di na masyado nag-uusap o nagkakasama" sagot ko dito at uminom ng milktea.

"I love you"

----------------
A/N: sorry busy lang hehe. College is life na kasi, pero sana subaybayan niyo parin ito. At I'll try my best to meet your satisfaction. Iloveyouall guys!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I love you AGAIN (On-going)Where stories live. Discover now