Ten

24 0 0
                                    

VICTOR POV

Lumipas ang ilang araw ay dumating na ang Intramural. Kami ay nagpunta na sa kaniya kaniyang team dahil wala pa namang SSL.

Kasama ko sa team sina Juancho, Marlon, Micano, Kry, at ang iba ay sa ibang section.

Meron pa pala si Ezekiel. Kung tinatanong niyo rin kung anong nilaro ni Vince ay isa syang Table Tennis player. Sikat sya dahil elementary palang daw siya ay nakakarating na siya sa iba't-ibang competition. Okay, good for him.

Mabalik tayo. Kami na ang susunod na sasabak.

Nagsimula na ang laban at sa gitna ng paglalaro namin at naramdaman kong parang ngumanga ang sapatos ko.

Pumuntos ang tira kong yun. Pero sumenyas ako kay coach ng timeout muna.

TIME OUT!

"Anong nangyari Victor?" Tanong ni Coach.

"Eh nagutom po yung sapatos ko.." natatawa kong sabi at ipinakita ko ito "ito po oh."

"Hays. Okay sub ka muna. Medyo malayo pa naman ang lamang. Ipapakuha ko muna ang extra shoes dun sa office ko."

"Coach! Itong sapatos ko po muna ang gamitin niya. Tutal next set pa naman po ako." Singit naman ni Ezekiel.

"Okay. Hubarin mo nayan bilis."

"Tapos na po" OMG kanina pa pala niya nahubad. BOYSCOUT ka boy?

"Thank you Ezekiel" at ngumiti ako na parang ganito :> HAHAHA.

GAME RESUME!

Nanalo ang team namin at naibalk ko na rin ang sapatos niya. Nagsuot muna ako ng slippers.

Totoo nga ang sabi nila na may mangyayari muna ang masama bago at masaya.

Ang malas ngayon HAHA. Pero sa susunod na araw ay magiging masaya!

-----------

ELONAH POV

Kasama ko ngayon ang buong klase pwera sila Vince at Victor. Naghahanda kami dahil birthday ni bakla sa isang araw!

"Okay guys. In the next day dito natin gaganapin sa room ang surprise. Bale ang kailangan natin ay letter balloons na HAPPY BIRTHDAY. Sino ay may gustong umani nun?" Tanong ko sa kanila.

"Kamin tatlo na nila Marlon at Micano!" Sabi ni Juancho. Sila Juancho pala ay tinulungan ni Victor noong reporting nila sa isa naming subject. Nagkaproblema sa kanilang PowerPoint at si Victor ang nag-ayos. Kaya gusto daw nilang bumawi.

"Okay! Thank you boys!"

"Ngayon naman sa Cake at Decoration?" Ani ko.

"Kami na ang bahala diyan!" Sabi ni Guin kasama sina Renalyn, Reyna, Alleah, Guin at Emily. Naging mabait si Victor sa mga babaeng ito. Sila ang lagi naming kachismisan.

"Let me contribute on that too." Nagulat kaming lahat dahil si ma'am ang nagsalita.

"Ma'am kanina pa po ba kayo diyan?" Nahihiyang tanong naming lahat.

"Yes. Of course! Right from the start." At ngumiti ito samin. "Kunin niyo mamaya contribution ko. And don't mind me here." Dagdag niya.

"Thank you po." Sagot ko na lamang.

"Okay I think okay na, kaya bukas ihanda na natin yang mga yan para wala ng aberya sa friday." At nagdismiss na ako ng meeting at nagkwentuhan na ulit sila.

Naalala ko si Vince. Baka tapos na ang laro niya.

Oo nga pala, nanliligaw si Vince sakin pero may problema. Ang problema ay parang hindi sila okay ni Bakla, hindi naman namin alam ang dahilan basta umiiwas siya, at ganun nadin sakin at napapansin ko yun.

I love you AGAIN (On-going)Where stories live. Discover now