Fourteen

33 1 0
                                    

VICTOR POV

2 weeks later

"Welcome to School Sports League 2020!" Sigaw nung emcee sa may stage ang energtic ni kuya at ate ah?

Andito kami ngayon sa may bleachers ng Philippine National Stadium at dito gaganapin ang SSL. Ang laki diba?

Nakakaexcite kasi mararanasan ko ulit matulog dito. Last year nga kasi diba wala ako kaya nganga. Nga pala binigyan kami ng mga number stub pero di ko alam kung para saan.

"ITAGO NIYO LANG YUNG MGA STUBS NIYO AT SURPRISE KUNG ANO YAN!" Sigaw samin ni Coach dahil ang lakas at maingay ang loob ng PNS.

Natapos din sa wakas ang program at nagtungo na kami sa may area namin kung saan ay andoon ang mga quarters namin.

"Hawak niyo parin ang mga stubs niyo?" Sabi ng admin namin sa lahat ng players na kasama ko dito at andito rin ang asungot na Vince na to.

"Yes sir!"

"Okay look at your stubs at magsama-sama ang mga magkakapareho." Agad ko namang tinignan ang maliit na papel na hawak ko. At ang nakalagay ay 17. Sakto favourite number ko pa naman to.

"17!" Tinaas ko pa ang kamay ko para makita nila ako. At biglang lumapit sakin ang isang taga soccer team, dalawang chess, isang basketball, dalawang runners, dalawang badminton, mag partner na dance sport at ang swerte ko nga naman, isang table tennis player at alam niyo na kung sino. Pagkamalas-malas naman.

"OKAY NOW, YOU'LL ARE WONDERING WHY I DID THIS. MY REASON IS FOR YOU TO BOND WITH YOUR TEAMMATES BUT, NOT ONLY YOUR TEAMMATES ALSO TO YOUR CO-PLAYERS IN THE OTHER EVENT. UNDERSTOOD?" Ani ng admin.

Sabagay he has a point pero wag naman sana sa asungot na to. Tinignan ko ang mga ka-number ko at tila nagpartner-partner na sila, at kaming dalawa nalang ni Vince ang wala. Myghad! Hindi naman sa ayaw ko pero bakit sya pa? Hmm bahala na.

Pagpasok namin sa room 17 ay lumuwag ang paghinga ko dahil double decker ang mga kama dito at hindi kami magtatabi. Pero bakit ko ba iniisip na magtatabi kami eh wala naman silang sinabi na magtatabi ang magpartner? Naku bakla ka, ilusyanada ka masyado.

"Ako sa baba, dun ka sa taas." Sabi ng asungot sa tabi ko dali dali siyang pumunta sa kama sa may bandang baba. Ano pa bang magagawa ko eh andun na siya.

Medyo maluwang naman itong space, pwede nga dalawa dito eh. Pero oyy! Di ko sinasabing ano ah! Okay na ako dito.

Lalabas muna ako nagugutom na ako eh. At titignan ko rin kung nasaan si Ezekiel. Medyo parang hindi na kami masyado nag-uusap lately. Siguro dahil dun sa nangyari sa Ferris wheel.

"Hep hep. San ka pupunta bakla?" Tanong nito sakin at hinarang pa binti niya sa daan ko.

"Kay Ezeikel bakit?"

"Anong gagawin mo dun?" Nakuuuu bat ang dami mong satsat! Kung wala lang tayong kasama dito, kanina ka pa nasigawan. Hmmm!

"Alisin mo yung binti mo sa daan ko at wala ka ng pake kung anong gagawin ko. Maliwanag" mahinahon kong wika sa kanya pero may halong gigil at galit ito.

"Tss" narinig ko pa yun kahit malapit na ako sa pinto.

Naglakad-lakad ako sa may pavilion ng stadium at tumitingin sa bawat room na makikita ko kung andun ba si Ezekiel.

Nakakailang room na rin ako at malapit ko ng marating ang dulo pero wala pa rin akong makitang Ezekiel.

Wait?

Nagsimula ako sa 18th room pero di ko pa chineck ang 16 pababang room. Naku! Myghad girl! Shunga lang.

Tumakbo ako pabalik sa may bandang area ng room namin.

I love you AGAIN (On-going)Where stories live. Discover now