Two

72 3 2
                                    

VICTOR POV

"Bakla bat ang tagal mo? Anong ginawa mo? San ka dinala nung poging yun! Ano malaki baaaa?" tanong ng bruhang best friend ko. Puro kabastusan alam HAHA.

"Bakla ang bastos mo. Pinahiram niya lang ako ng uniform at alam mo ba?...." Tinignan ko sya at yung mukha niya parang curios na palaka kaya nakaisip ako ng ideya.

"Ano?! Sabihin mo na!" Pagpupumilit niya sakin pero syempre tuloy plano parin. Bale ang plano ko is sasabihin ko yung kanina pero ililibre niya ako sa Recess. Syempre tipid tips tayo mga bakla. Taghirap teh. Dibale mayaman naman siya. HAHAHA

"Sa isang kondisyon." Ngiti kong sabi sa kanya pero alam kong alam niya ang nasa isip ko.

"Ililibre kita? Hays! I know you girl! Tsk. Sige mamaya sa Cafeteria. Ikwento mo ah!" Pinanlisikan niya pa ako ng mata buset talaga tong babaeng to.

-------------

Classroom

Magkatabi kami ni Elonah ng upuan kasi alternate yung arrangement dapat daw babae lalaki, buti nalang HAHAHA.

At ito na nga ang pinaka-nakakakabang part ng first day of class ang INTRODUCE YOURSELF!!!

Sinimula sa may harapan andyan sina Renalyn Rose, Emily Jackson, Alleah Sanders, Reyna Jelena, Juancho Delfin, Marlon McGregor, Micano Tadefa, Kry Andrea Laso, Guin Ferrer, hanggang sa makarating samin ni Elonah.

"Good morning everyone, I am Elonah Summers, 14 years old and I live in the sun, the sea, and the moon, Sansimon, Rodriguez." Dahil dun nagtawanan ang buong klase kahit iilan lang kami sa section namin ay grabe ang lakas ng tawa ng mga ito. Hanggang sa ako na ang last.

"Maganda umaga mga magagandang binibini," nagpacute bigla ang mga babaeng piling na to.

"mga ginoo" ay pucha lahat ng kaklase ko pogi as in! Walang chaka face maliban sakin potekkk.

"Mahal naming guro" at tinanguan lang ako kala mo maganda, charottttt!

"Ako si IVY short for ICE VICTOR YVAN HILFERAGE" sa gitna ng pagpapakilala ko ay may biglang pumasok na kung sino..... Hindi pala kung sino kundi sya ang nakabundol sakin kaninaaaa!

"Wait Mr. Victor" sabi ni Ma'am Maria at biglang tumayo.

"What's your problem you!?"
"Dito ba section mo?"
"Bakit late ka"
"At bakit di ka nakauniform?"

Sunod sunod na tanong ni Ma'am Maria sa kaniya.

Bigla tuloy akong naguilty sa pagsuot ng uniform niya.

"Good morning ma'am Sorry po. Mahabang kwento po pag sasabihin ko pa. Hehez" Nahihiyang sabi niya at nagpacut e pa kala mo naman pogi.

"Okay. Fine." Sabi ni maam. Kakagulat ha!

"Buti nalang pogi ka" bigla akong napatingin kay ma'am ng sabihin niya yun ng pabulong. Duh may radar to no!

Pagkabalik ni maam sa table niya "Umupo ka dun sa dulo, in the vacant seat." At dali dali naman siya pumunta dun.

"Now continue Mr........ Victor" myghad nakita mo lang yung lalaking yun nakalimutan mo na ako? Duh?

"Okay I repeat, My name is ICE VICTOR YVAN HILFERAGE.."

"Ang haba naman ng pangalan na yan" bigla akong napatigil dahil dito. At alam niyo ba kung sino nagsabi? Yung sinabi ko lang namang anghel,pero binabawi ko na yun. Hayss ang bastos niya mga bakla.

"Masama ba?" Sagot ko. Di na siya nagsalita at tumuloy sa pag papakilala.

"I'm 18 years old, and I live in Sittio Las Vegas Nevada Kuala Lumpur. Charot! Dyan lang po sa may bangketa. Charot ulittt! Ito na talaga sa may Sansimon rin po bumalik lang kami sa dati naming bahay and I thank you!"

I love you AGAIN (On-going)Where stories live. Discover now