Eleven

16 0 0
                                    

Victor's Birthday Part 1

ELONAH POV

Maaga akong pumasok sa school ganun na din ang mga kasama sa surprise para kay bakla.

Naikabit na ang mga letter balloons at nakahanda narin ang mga lalafangin namin mamaya. Timing na timing ang birthday niya dahil open gate ngayon sa school kaya kahit ano pwedeng gawin at isa pa kasama si maam dito.

Inaantay nalang namin si Victor. At kinakabahan ako na kausapin siya mamaya. Pero lalakasan ko loob ko.

-----------
VICTOR POV

Antagal dumaan ng mga jeep. Kanina pa ako dito. Kakalokaaaa. Buti nalang at open gate ngayon kahit medyo late ako ay pwede.

Nakasuot lang ako ng black trousers at white shirt na yung merchandise nila sa 2gether at nakasandals lang. Wala naman masyadong gagawin ngayon dun kaya ganito lang ang sinuot ko.

Sa wakas! May dumating rin na jeep. Myghad ka dzai! Sumakay na ako at pumunta na sa school.

Pagdating ko sa school ay bati agad ni manong guard bumungad sakin. "Uy Victor! Happy Birthday!" Ang ngumiti ito sakin.

"Hay manong wala pa akong pera para malibre kayo pero thank you kuyangv guard." Pabiro kong sagot sa kaniya at ginantian ko sya ng ngiti.

Malapit na ako sa room at napansin kong parang tahimik ang room namin, kasi kadalasan sobrang ingay ito at puro kwentuhan, pero ngayon tahimik. Pumasok ako at....

"HAPPY BIRTHDAY VICTOR!" bati ng lahat sakin. Di ko alam ang magiging reaksyon ko.

Happy Birthday to you,
Happy Birthday to you,
Happy Birthday, Happy Birthday,
Happy Birthday to you!

Sabay sabay silang kumanta at napangiti na lamang ako. Pati si maam kasama rin pala sa surprise na to.

"Thank you gu..."

"Opssss mamaya ka na mag thank you ireserve mo na yan mamaya dahil iiyak ka pa. Charot!" Pamutol sakin ni Guin.
"Okay guys prepare your speech HAHA" dagdag naman nito.

"Kami na mauna" sabi nila Juancho kasama si Marlon, Micano at Kry.

"Okay ahm. Una Happy Birthday sayo Victor, salamat at nakilala ka namin at ang swerte namin na naging kaklase ka namin."
-Juancho

"Salamat rin dahil lagi mo kaming tinutulungan sa mga reports namin kasi palpak tong mga kasama ko. Hehe."
-Kry

"Pag wala ka, di namin alam kung paano aayusin yung mga yun. Thank you din pala sa pagrerevise minsan. Sorry ma'am!" *Peace sign at ngumiti siya kay maam*
-Marlon

-At sana nagustuhan mo tong munti naming surpresa para sayo. Thank you and Happy Birthday ulit sayo!"
-Micano

Napangiti naman  ako sa mga sinabi nila dahil unti-unti ko namang nakikita na nagsisikap na silang aralin yung mga reports nila.

"Thank you Boys!" At niyakap nila ako.

"Okay! Kami naman!" Sabi naman ng mga babae.

"Happy Birthday Victor. Sa totoo lang nung una ang akala ko sayo masungit ka pero nung naging kavibes ka namin you're so kind."
-Renalyn

"Ahm thank you nga pala sa advices mo sakin pagdating sa boyfriend ko HAHA. Ikaw ang takbuhan ko eh. Happy Birthday!"
-Alleah

"Thank you sa mga chismis ng radar mo HAHAHA pag wala wala tayong topic kaya nakakalungkot nung may training ka na parng tahimik ng room natin."
-Renalyn

"Thank you sa lahat at sana wag kang magbabago. Happiest Birthday to you!"
-Emily

"Ako naman wait.. ahm bilang your emcee asan bayad? HAHAHA charot. Thank you bakla kasi lagi mo ko pinalapahiram ng notes mo pag wala ako. Happy Birthday!"
-Guin

I love you AGAIN (On-going)Where stories live. Discover now