Twelve

23 1 0
                                    

Victor's Birthday Part 2

ELONAH POV

"Party-party!" Para kaming baliw na sumasayaw dito sa bahay nila Victor.

Medyo tipsy na rin kami dahil naparami na ang nainom namin kahit pa light drinks lang yun.

Okay lang kahit mag-ingay kami dahil wala naman ang mama at kapatid ni Victor dito, pumunta sila sa kamag-anak daw nila para makapagsaya daw muna kami. Napakaswerte naman ni Victor dahil sobrang-bait ng mama niya, kahit ano pa ang magawa ng isang tao sa kanya ay kaya niya itong patawarin.

Ilang oras na rin kaming umiinom at kumakanta. Alas nuebe na pala ng gabi. Kaya meron akong naisip na paraan.

"Guys! Let play a game! TRUTH OR DARE!" wika ko sa kanila.

Agad naman nila pinatay ang music at umupo ng pabilog. Magkatabi kami ni Vince nasa kaliwa ko sya, si Bakla naman ay nasa kanan ko katabi niya si Ezeikel, sunod yung mga boys at grupo ng girls.

THIRD PERSON POV

Kumuha ng bote si Elonah at siya ang unang nagpaikot.

Spinnnnnnnnnnn.

Natapat ang unang bote kay Emily. Halong kaba at excitement ang nadarama nito.

"TRUTH OR DARE" napaisip naman si Emily kung ano ang pipiliin, medyo hilo na rin siya at ayaw niyang tumayo kung sakali mang Dare ang pipiliin niya.

"TRUTH"

"Okay.....Ems totoo ba nanliligaw sayo tong "FAMOUS GAMER" sa school natin?" Tanong ni Elonah na napa finger-qoute pa.

Di niya kung sasabihin ba niya o hindi. Huminga siya ng malalim bago sumagot. Nakatingin ang lahat sa kanya at tila naghihintay ng isasagot sa kanya.

"Oo, nanliligaw siya sakin." Ngumiti ito sa kanila.

"TALAGA! ANONG PANGALAN NIYA! WALANG NAKAKALAM KUNG SINO SIYA! PERO ANG GALING NIYA! SINO SIYA EMS!"
Masiglang tanong naman ni Micano kay Ems. Laging nanonood ang binata sa streams nito pero hindi siya nagpapakilala.

"Oh oh. Tama na one question at a time. Ito Ems ikaw na magpaikot." At iniabot naman niya kay Ems ang bote.

Spinnnnnnnnnnn!

Natapat naman ngayon kay Juancho ang bote. At bigla naman itong umayos ng upo.

"TRUTH OR DARE!"

"Dare!" Dali dali naman nitong sagot.

Kumuha si Ems ng isang bagong bote ng light drinks.

"Drink this bottoms up." Utos naman ni Ems kay Juancho.

Alam ng lahat na hindi umiinom si Juancho. Juice ang ang iniinom niya or softdrinks. Nakikisabay lang sa sayawan o kaya naman kantahan. Nagdadalawang isip ang binata dahil hindi pa ito nakakatikim ng alak at papagalitan naman ito kung malaman ng kanyang magulang ang tungkol dito.

"Don't worry, di namin sasabihin."

Pumikit ito at huminga ng malalim. Kinuha niya ang bote at nilaklak ito.

Hindi maipinta ang mukha nito. Kahit light drink lang ito ay halata sa kanya ang hindi pagkasanay sa alak.

Sunod-sunod ang pag-ikot at pagsagot nila sa mga tanong o kaya naman ay paggawa ng mga utos ng bawat isa.

Natapat ang bote kay Ezeikel.

"TRUTH OR DARE?"

"I'll go with Truth." Wika ni Ezeikel. Napailing naman ang binatang si Vince sa may gilid.

I love you AGAIN (On-going)Where stories live. Discover now