Eight

20 0 0
                                    

VICTOR POV

Bakit ang bait-bait ko sa kanya? Diba dapat kinakainiisan ko sya?

"Welcome" sagot ko sa pabulong niyang thank you. Haha. Chismosa to girl! Rinig ng radar ko yan. Di na ako lumingon sa kanya pero nararamdaman kong nakatingin siya sakin.

Halos matatapos ko na tong akin. Isusunod ko na ang project niya pero tanghali na pala at wala pa sila mama. Tumayo ako at pumunta sa kusina at myghad walang nalutong kanin o ulam man lang.

"Don't worry, nag-order na ako sa fast food. Mamaya andyan na yun." Sabi nito at nakahinga ako ng maluwag eh paano wala pang naluluto. Alam ko namang magluto no pero wala nga lang mailuluto kasi nga nag-grocery palang sila mama kaya salamat naman at naisipan niya ang ganun.

"Ah? Thank you!" Pasalamat ko sa kanya at bumalik na sa ginagawa ko.

Ding dong!

Tumayo ako at pinabuksan ang pinto. Isang food delivery man, ito na siguro yung sinasabi niya. Kinuha ko ito at nilagay sa mesa.

"Ako na dito. Iligpit mo muna yung mga gamit dun mamaya mo nalang ituloy." sabi niya at kinuha sa kamay ko ang paperbag ng pagkain.

Napatanga na lamang ako at niligpit na ang mga kalat.

Saktong kakain na sana kami ay dumating narin sila mama kaya inaya na namin sila na kumain dahil sobra-sobra ang inorder ng asungot na ito.

Habang kumakain kami ay kasabay niyo ang pagkukwentuhan namin. At nabanggit ni mama kung paano kami nagkakilala at naging malapit DAW sa isa't-isa kahit hindi naman duhhhh!

"Oh Vince nga pala, paano mo naman to nakilala eh puro babae lang ang mga kasama nito." Tanong ni mama at napatigil sa pagkain ang asungot.

"Ah kasi po sa totoo lang, kung may naalala po kayong maduming polo ni Victor..."

"Ah bakit yun? Naalala ko nga dalawang polo ang nasa basket nun eh nasa cabinet naman ang isa niyang uniform." Singit ni mama.

"Yun nga po eh, ako po ang may kasalanan kung bakit siya naputikan at pinahiram ko po ang polo ko sa kanya. May extra t-shirt naman po akong dala nun kaya pinahiram ko muna." Dagdag niya at tinuloy ang pagkain.

Naalala ko tuloy yung paghubad ng polo niya. Nasilayan ko lang naman ang exhibit ng asungot na to. Pati yung pabango niya tandang tanda ko pa at naamoy ko ngayon ito syempre kasama ko sya dito sa bahay.

Natapos na kaming kumain at bumalik kami sa may sala at itinuloy ang ginagawa ko. Tumulong narin sya dahil di naman na daw masyadong masakit ang sugat niya.

Lumipas ang ilang oras ay natapos din namin ang ginagawa namin. 3:15 na ng hapon. Pero bakit wala parin tong si Elonah?

"Wala pa rin ba si Elonah?" Tanong ko sa kanya.

"Wala pa eh offline nga eh."

"Wait tatawagan ko nalang." At agad kong dinial ang number niya.

Calling

ELONAH
+639*********

Ringing...

-Hello

-Anong hello ka dyan? Bakit wala ka pa dito? Ang tagal ka naming hinantay no!

-Pasensya na bakla eh kasi naman sila mama nagkakasiyahan pa at mukhang gagabihin pa kami dito. Pasensya niya. Mabagal rin signal dito kaya di ako makapagonline.

I love you AGAIN (On-going)Where stories live. Discover now