Seventeen

18 1 0
                                    

VICTOR POV

Hayyyysss. Sarap ng tulog ko. Syempre champion eh HAHAHA. Novemver pa daw ang nationals kaya mas marami pang time mapaghandaan namin yun.

Pagkabangon ko ay bumungad sakin ang nakatopless na si Vince. Oo nakita ko na katawan niya pero naiilang parin ako kaya nagtalukbong uli ako ng kumot.

"Hoy bakla. Maligo ka na rin may pupuntahan tayo." Ani niya. May pupuntahan? SAAN? KAILAN? Sa pagkakaalam ko eh wala naman siyang nabanggt sakin.

"Di ako sasama sayo."

"Kasama natin si Ezeikel. Celebrate daw." Sagot niya kaya napabangon ako.

"Sige ligo na ako." Dali dali akong bumaba hanggang saaaaaaa.

Boooogshh! Ang sakit. Nasa taas pala ako. Ayan kasi kalandian girl.

"Anyare sayo? Haha masyado kang excited kay Ezeikel ah?" Natatawang sabi nito sakin, hindi man lang niya ako tulungan.

"Tsk!" At pumunta na ako sa banyo.

-------------

Andito kaming tatlo sa may bar n malapit lang dito. Yeah, you heard it right, BAR. Pagmamay-ari kasi ng partner ng daddy ni Vince ang may-ari kaya kilala siya at pinapasok kami. Ang daming tao at halatang mayayaman.

Naka VIP seats kami at nasa harap kami ng banda with the nice view of the city lights

"Oh, alam kong umiinom kayo kaya enjoy! It's my treat." Ngingiti-ngiti pa with matching pataas ng kilay tong asungot na ito eh ang yabang naman. Well, may ipagyayabang naman siya talaga pero duh!

"Hoy asungot ka! Pag tayo nalagot bahala ka. Basta ako unti lang iinumin ko." Mataray kong sagot sa kanya syempre nasa stadium kami at di sila nagpapasok ng lasing dun.

"Okay fine bakla. Tig iisa lang tayo pwede?" Ahm isa? Sure sige syempre kahit na nagpaalam kami na magcelebrate kay coach at sa admin kahit na may celebration naman ang school namin.

"G!" Pagsang-ayon ni Ezekiel.

"Ok." Ani ko.

Sinerve na ng waiter ang tatlong boteng tanduay ice. At nagsimula na kaming magkwentuhan.

"Ang galing niyo kanina ah. Para kayong halimaw pag papalo." Pagpuri ni Vince samin.

"Sayang di naman napanood laban mo pards." Sagot naman ni Ezekiel. WAIT?! PARDS?! Ew so cheap WAHAHAHA! Charot. Callsign nila edi go. Pero pards? SERIOUSLY?

"Kaya nga eh pero pinanood naman ako ni bakla nung kahapon or isang araw?" Tumingin pa ito sakin.

"Hindi kita pinanood ah. Utos lang ng girlfriend mo na best friend ko kaya ginawa ko feelinf mo naman." Inirapan ko siya ng mata yung tipong puti lahat. Gawin niyo nga. HAHA.

"Hindi daw, pero nakatitig ka sakin?" Natahimik ako bigla sa sinabi niya. Oo pinapanood ko sya noon pero di ko alam kung bakit?

"Duh!" Napansin kong tahimik si Ezekiel at nakikinig samin kaya pinutol ko na ang usapan namin ng asungot na ito para di ma-OP si Ezekiel. Pero di naman sya OP dapat ako nga ang OP dito eh.

"Ezekiel, kwento ka nga tungkol sa mga kalokohan ninyo noon. Para naman matagal-tagal ang iniinom namin, medyo nahihilo na ako eh." Oo medyo nahihili na ako syempre pagod ka tapos iinom edi bagsak ka talaga.

"Haha. Andami naming kalokohan dati. Tulad nalang pag tinatakot namin si Aleng Carmen sa kusina pag mag-isa siya naglalagay kami ng mga sinulid na nakakabit sa mga gamit at hihilain namin yun na parang gumagalaw mag-isa. HAHA. Napatakbo namin siya na sumisigaw. HAHAHA." Nagtawanan naman kaming tatlo. (Author: pero di talaga nakakatawa diba?)

I love you AGAIN (On-going)Where stories live. Discover now