Thirteen

22 0 0
                                    

THIRD PERSON POV

Pauwi na ang mag-ina si Victoria at Cate.

Pagbukas nila sa pinto ay bumungad sa kanila ang binatang si Vince. Napamulat ito at napabangon sa pagkakahiga.

"Good morning po tita." Bati ni Vince sa kanila. May muta pa ito at hindi pa nakakapaghilamos pero litaw parin ang ganda ng kutis niya.

"Oh Vince. Nagising ka ba namin? Matulog ka muna. Hayaan mo kami dito."

"Okay lang po." At isang ngiti ang pinakawalan ng binata.

"Kung ganun ay mag-ayos kana ng sarili mo. At maghahanda na ako ng almusal. Dito ka na kumain." Ani ni Victoria.

"Naku-"

"Hays walang tatanggi. Masama tumanggi. Sige na. Feel at home." Hindi na nakatanggi ang binata at pumunta agad ito sa cr ng pamilya nila Victor.

------------
VICTOR POV

Nararamdaman ko na ang init ng araw sa mukha ko. Umaga na pala. Parang kanina lang ay nagkwekwentuhan pa kami ng asungot na yun eh. Siya nga pala? Gising na kaya yun?

Dali dali akong bumaba ng kwarto at pumunta sa sala. Nadatingan ko sina mama at nanonood naman ang asungot na yun na magluto si mama.

"Good morning" pakyut niya pang bungad sa umaga ko. Hay naku kahit tinulungan mo pa ako kagabi ay nakakabadtrip mukha mo! Sayang at hindi ko siya masabihan ng mga ganito dahil andito si mama. Kung wala lang siya ay nag-aasaran nanaman kami.

"Oh Victor, mag-ayos ka na rin at kakain na tayo. Malapit na rin ako dito.

Matapos naming kumain ay nagpaalam na rin ang asungot na yun para umuwi.

Medyo masakit parin ulo ko. Di ko alam kung dahil ba ito sa kagabi o yung paggising ko na ng tanghali. Ewan ko ba, yun ang sabi-sabi nila eh.

Umakyat muna ako sa kwarto at nag-isip kung ano ang pwede kong gawin ngayon araw. Malinis naman na bahay dahil nga kagabi.

Nilibot ko ang mata ko at nakita ko ang regalo nung dalawang lalaki na nagbigay sakin nito. Sinuot ko ito at ang ganda sa paa. Ang gaan at ang lambot! Perfect na perfect!

Para di ko mapagpalit ang mga pares pares nito kahit na pareho pa ito ay lalagyan ko na pangalan sa ilalim, doon sa may Sole ng sapatos. Kinuha ko ang permanent marker sa may bag ko at sinimulang sulatan ang mga iyon.

Ang nakasulat sa binigay ni Ezekiel ay "EZE" sa kaliwang pares ko ito sinulat. At dun naman sa asungot na yun ay "VIN" sa kanan ko naman sinulat yun. Ayan! Di na ako malilito kung kanino regalo ang susuotin ko. Kung maari lang ay yung kay Ezekiel nalang lagi eh pero ang unfair ko naman kung hindi ko isusuot ang regalo ni Vince, effort din yun. HAHA.

Biglang tumunog ang phone ko. Sa wakas thank you Lord! Sana gala ito. OMG! Si Ezeikel ang nagchat! Pero hindi basta chat lang.

MESSENGER
____________________________________

MARK EZEKIEL

-Hi?
-Free ka ba ngayong araw?

-Ahm. Wala naman akong gagawin. Bakit?

-Ahm yayain sana kita lumabas.

(OMG This is my first time that a guy inviting me to go out! English yun palaban.)

-Ahm. Sure.

-Yey! Sige kita tayo sa mall 9 AM sharp.
-See you!
-Ingat ka ha?

-Sige sige
-Ikaw din :>
Seen√ 7:58 AM

I love you AGAIN (On-going)Where stories live. Discover now