Six

21 1 0
                                    

VINCE POV

Bakit ka ba wrong timing lagi ah, bakla ka. Pasalamat ka, kung di dahil kay Elonah hindi ko gagawin to. Dapat di ka nalang pumasok. Dapat sumabay ka na sakin kanina. Ay mali dapat hindi pala!

Binilisan ko ang takbo ko hanggang sa makarating ako sa tulay na tinutukoy ni Elonah kanina. May nagkumpulang mga tao dun at andun siguro ang baklang yun.

Hininto ko ang sasakyan sa gilid at hinahanap si bakla.

"Hoy! Anong sabi ko sayo kanina? Diba sumabay ka na? Yan tuloy. See?" Mayabang na sabi pero di naman ganun kayabang, basta.

"Bat andito ka?!" Mataray niyang tanong sakin. Hays ano sa tingin mo ha?

"Para sunduin ka. Malelate na tayo kaya dalian mo at tara na!" Utos ko sa kanya at hinawakan ko siya sa kamay at hinili ganun din ang ginawa niya kay Cate. SANDALI!

MAGKAHAWAK KAMI NG KAMAY? Noo! Bahala na!

VICTOR POV

"Para sunduin ka. Malelate na tayo kaya dalian mo at tara na!" sabi ng asungot na to at bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila. Wala na akong magawa kaya pati ako ay hinili ko si Cate para sumakay. Talagang malelate na kami mga bakla.

7:37 am na at lagot kami for sure! Bahala na maiintindihan naman siguro ni maam yun.

Pero nabigla ako sa paghawak ng kamay sakin ni Vince. Ang lambot ng kamay niya, syempre wala naman sigurong ginagawa sa bahay nila noh?

Malapit na kami sa school at pagkababa namin at hinatid ko muna si Cate sa classroom niya at nagpaliwanag. At pumunta na sa classroom.

Bago pa kami nakaapak sa pintuan ay ito agad ang bungad samin.

"Mr. Victor at Mr. Vince? WHY ARE YOU LATE? EXPLAIN YOURSELF!" galit na tanong ni maam saming dalawa. Nakayuko kami at wala pang sumasagot kay maam. Natatakot ako no.

"ANSWER ME!" 5...4...3..." Utos niya at.

"Kasi po maam nasiraan po ang sinasakyan namin ng kapatid ko na jeep at wala pong dumadaang sasakyan sa may bandang tulay kaya nag-antay po kami ng matagal. Buti nalang po ay andun si Vince at sinundo po ako at yun nga po nalate po kami." Pagpapaliwanag ko sa kanya at tinignan ko si Asungot at iiling-iling pa kala mo naman ano.

"Ah so ganun ang nangyare? You're so gentleman naman Mr. Vince?" Mahinhin na sabi ni maam at ngumingiti-ngiti pa tong asungot na to. Mamaya mas lalong nagalit to.

"So? What are you smiling at? Huh! You two!..." Turo niya samin at "Clean the restroom after class. IS THAT CLEAR?" Dagdag nito. Sabi na ehh!

"Yes ma'am/Yes ma'am" sabay na sagot namin at umupo na sa upuan namin.

"Sorry  bakla di ko kasi alam sasabihin ko kanina." Sabi ni Elonah sakin. Tumango nalang ako bilang sagot.

Nagdiscuss lang si maam at yung mga sumunod na subjects ganun din.

Nandito kami ngayon sa cafeteria kumakain at wala ako sa mood kumain syempre maglilinis ka ng CR tapos kasama mo pa yung asungot na yun. As if naman na naglilinis yun ng CR siguro kwarto palang niya marumi na. Ew!

"Hoy bakla!"
"Baks!"
"Victorrrrrr???"
"HOYYYYYYY!" nagulantang ako sa sigaw ni Elonah at ganun din ang mga tao sa Cafeteria. Bigla nalang nahiya si bakla at nag peace sign pa.

"Bakit? Sumisigaw ka pa." Sagot ko sa kanya. Tulala pala ako kanina pa.

"Wala ka kasi sa sarili. Kumain ka muna at punta na tayo sa room." Sabi niya at pinagpatuloy ang pagkain. Kumain na din ako at tumungo na kami sa room.

I love you AGAIN (On-going)Where stories live. Discover now