Sixteen

20 1 0
                                    

SSL Final Day

VICTOR POV

Hays sa wakas final day na ng SSL at nakasama kami sa Quarter Finals.

At isa pa napagbati ko na rin ang "mag-bestfriend" pala noon na si asungot at si Ezekiel.

Pero nabanggit naman na nila yun kaya hindi na ako nagulat at naging masaya ako sa kanila.

Nandito kami ngayon nasa warm-up area dahil kami na ang susunod na lalaban para makatungtong sa Finals.

Naririnig ko na ang sigawan sa court hudyat ng pagsisimula ng laro namin. OMGGG! Let's claim it! NATIONALS!

Ayun na nga nagsimula na ang laro namin.

First Set

Unang set palang ay palitan na ng bounce ball. Kakayanin namin ito.

Ilang puntos rin ang lumipas hanggang sa nag deuce. 24-24.

At ako na ang nasa service line. Ipapasok ko lang ito at laruin ng maiigi.

"GO BAKLA!" Sigaw na nanggaling kung saan habang nagpapatalbog ako ng bola. Pero kilala ko ang boses na yun at lumingon lingon ako saglit at nakita ko sa may bleachers nakatayo at kumakaway. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napangiti dahil sa ginawa eh, pag tatawagin niya akong bakla eh nag-iinit ang ulo ko sa kanya.

Hayss ano ba itong iniisip ko nakakaloka.

Teeettttttttt!

Nabulabog ang lalim ng pag-iisip ko dahil sa pito. Humingia ako ng malalim at hinagis pataas ang bola.

JUMP SERVE!

At nakuha nila. Nasa harapan ang ace ng team nila kaya dito nila ibibigay yun.

Sakto naman asa harapan ang tatlong great wall of china ng team namin si Michael Angelo, Marlon, at Ezekiel.

"Open!" Sigaw ko at triple block ang ginawa nila at ayun napayungan ang palo ng ace nila.

Nasa amin na ang advantage at isa nalang ay kuha na namin ang first set.

Tumingin ako sa kinaroroonan ng asungot na yun at nakatingin ito sakin. Tapos na siguro ang laro nito at alam kong panalo ito. Syempre may medal siyang suot eh.

Ibubuhos ko na ang powers ko dito sa serve na ito.

Ready. Hagis. Talon. Boom.

"It's an ace! Coming from Jersey #17!" At nagsigawan ang crowd sa boung stadium.

Malapit na.

Second Set

Medyo nakakapagod yung set na yun ah. Pero keri lang.

Nilibot ko ang mata at andun parin si Vince at nanonood. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip nun at nanonood yun dito.

Pumasok na ulit kami at court. Kailangan natin galingan. Basta kailangan, ewan ko. HAHAHA

Palitan lang ng puntos ang nagaganap. Kailangan naming umarangkada ng bonggang-bongga. Mga 50 points dapat lamang. Charotttt! 25 nga lang kailangan eh.

Since andito na ako sa harapan at  kasama ko si Marlon, naisipan kong gawin ang combo namin.

Sumenyas ako kay Micano na gawin ang play namin.

Service ng kalaban at ayun isang magandang received at ito naaaa! ISANG MAGANDA COMBO ANG PINAKAWALAN NAMIN.

Nagsigawan ang madlang pipol. At napantingin uli ako kay Vince. Ewan ko ba pero napapasaya nya ako ngayon. Iba ang aura ngayon ng asungot na ito.

I love you AGAIN (On-going)Where stories live. Discover now