Nine

18 0 0
                                    

VICTOR POV

Ilang araw na ang lumipas at wala namang masyadong ginawa sa mga araw na yun. Isa pa hindi ko rin pinapansin si asungot hindi ko lang alam kung napapansin niya pero ayaw ko munan siyang pag-usapan.

Napansin ko rin na hindi nagcha-chat si Ezekiel, parang nawala na ata siya HAHA charot!

Btw, may good news ako! Since July daw ang Intramural sa school namin ay magsisimula na kaming magpractice ng iba't-ibang sports. Kung hindi niyo alam ay varsity ako ng Volleyball. Elementary palang ako ay player na ako kaya suki na ako sa mga sports leagues.

Pagkatapos ng Intramural ay susunod na ang School Sports Leagues o SSL na tinatawag namin.

Bukas na ang simula ng practice ay may sariling gym ang volleyball team. Kaya mamaya ay ihahanda ko na ang listahan ng mga players ng school namin. Ang team pala namin ay kilala sa tawag na PAK-ERS! HAHAHA Totoo nga.

Ako nga ginawang captain ng school dahil nung hindi pa ako lumipat ay naging captain na ako dito at alam rin nila na sa previous school ko ay captain din ako kaya hanggang hindi pa ako graduate ay ako ang mananatiling captain.

Kasama ko ngayon ang mga teammates ko. Kung hinahanap niyo si Elonah kasama niya si Vince.

Nakatanggap ako ng message galing kay coach na kunin ko na daw ang list ng aspiring players sa office kaya dali-dali akong pumunta.

Naglalakad ako ng may biglang humila sakin. Ang asungot.

"Hoy. Tapatin mo nga ako? Iniiwasan mo ba ako?" Tanong niya habang hawak-hawak ang pulso ko.

"Bakit ba? Ano naman kung iniiwasan kita?"

"Bakit nga? Ayaw mo ba ako para kay Elonah? O baka naman may gusto ka sakin?" Ani niya na nakangisi pa.

"Ako? May gusto? Sayo?" Tinuro ko pa siya para dama niya. "Wala kang alam gawin kundi mantrip o mang-asar, tsaka isa pa kaya mo lang pala ginawa yung mga yun dati sakin para mapalapit ka lang kay Elonah."

"Anong pinagsasabi mo.." hindi ko na pinatapos ang sinabi niya at agad ako pumiglas sa hawak niya at tumakbo papuntang office.

-------------

Office

"Victor ito na yung final list of aspiring players para sa SSL. May training tryouts na kayo bukas dun sa Volleyball Gym at titignan ko kung may dadagdag sa inyo." At inabot sakin ang papel.

Nagpaalam na ako at umalis. Umupo ako sa may bench sa may labas ng office at tinignan ang mga pangalan ng players.

LIST OF ASPIRING PLAYERS

ICE VICTOR YVAN HILFERAGE
JUANCHO DELFIN
MARLON MCGREGOR
MICANO TADEFA
KRY ANDREA LASO
JEFF MOSES
ZHEE ANDREW
MICHAEL ANGELO SANTOS
KENNY FLIN
KENTH FLIN
LEVI MARCELO
JAN ALDIN SCOTH
MARK EZEKIEL ACOSTA

Sakto namang 13 ah. At ka-team ko na ang iba dito yung iba kasi ay graduate na. Pero may isang pumukaw sakin ng pansin. Ang pangalan na nasa huli. Kay Ezekiel nga ang pangalan na yun. Bigla akong nakaramdam ng kaba at excitement. Napangiti ako dahil dito. Dali dali kong kinuha at phone ko at pinicturan ang papel. Ipopost ko ito sa Page ng school isa kasi ako sa admin doon.

Di parin maalis ang pinaghalong kaba, saya, at excitement!!!! Okay kalma bakla.

------------

Uwian

Kasama ko ngayon si Elonah at Cate dito sa may waiting shed. Naghihintay kami ng masasakyan.

I love you AGAIN (On-going)Where stories live. Discover now