CHAPTER 3

193 36 0
                                    



Sofie's P.O.V.





Nagdidiner na kami ngayon nina tita kasama sina  Alexa  at   kanina  pang  pabalik-balik ang tingin ni Alexa sa akin habang kumakain kami.

Awkward! kanina pa siyang ganyan, pagkalabas namin kanina kahit ng nasa sasakyan kami tahimik lang siya dahil kaya kay George haysssst!...



"How's your school?" - Nakangiting tanong ni tita habang hihiniwa yung steak yaman! .

"OK naman po tita" - agad kong sagot ng mapansin ko na si Alexa ang sasagot kaya inunahan ko na siya.




"ikaw Alexa?" - tanong din ni tita kay Alexa.


"Well as usual Busy, first day of school year andami na agad napunta sa Guidance karamihan pa freshmans tsk! Tsk! Tsk!" - Sagot niya habang umiiling.

Sabagay busy nga naman agad siya Vice-president kasi siya ng Students Council wala naman kasi kaming maaasahan dun sa president na puro yabang ang alam haysssst!

Natapos ang pagkain namin at umakyat na ako sa hagdan papunta sa kwarto ko pabagsak akong nahiga sa kama ko at nakatingin sa kisame nito.

Napansin ko ang umiilaw na mga star's at moon na glow in the dark na design nito dahilan ng pag-ngiti ko. Na-agaw ang pansin ko ng biglang pag bukas ng pinto ng kwarto ko at pumasok dito si Alexa seryoso lang ang tingin niya sa akin at humiga sa tabi ko.

"Hmmmm!Ate Sofie can I ask you something?" - sambit niya habang nakatingin din sa kisame.

"Sure!" - Tipid na sagot ko habang nakatingin pa din sa kisame.

Nagbuntong hininga muna siya bago magsalita.

"May chance pa ba kayo ni George?" - ramdam ko ang lungkot sa boses niya habang nagsasalita.

"Alam mo Alexa matagal na kaming wala ni George ok at wala na akong feelings para sa kanya at isa pa di ba dare lang naman yun ng classmates natin noong nasa Section A pa ako" - Pag-iexplain ko  at humarap sa kanya.

"Hmm! Ok bakit inunahan mo akong sumagot kay Mommy kanina ng tanungin ka niya dahil ba ayaw mong malaman ni Mommy na sinaktan ka niya" - Sabi niya at bahagyang humarap sa akin.

"Nope gusto ko lang ng piece of mind magkakagulo na naman alam mo naman si tita." - Paliwanag ko at agad naman siyang nag-nod bilang pagsan-ayon.

"Hindi ako makatulog pwede bang dito muna ako matulog!?" - paghingi  niya ng permiso ko at ngumiti, dito kasi siya natutulog sa kwarto ko kapag hindi siya makatulog minsan inaabutan ko pa syang gising ng 3:am kapag bibisitahin ko yung bintana ng kwarto niya kung nakalock.

" Sure why not! "-Sagot ko at agad na ipinatong ang kamay ko sa ulo niya at malumanay na iniibo ito na parang kinakamot ito narerelax kasi siya kapag lagi kong ginagawa ito eh.

"Alam mo ate Sofie parang mas magiging close pa tayo pag laki natin kaysa kay Jillian!" - Bulong niya at nag-buntong hininga.

"Bakit mo naman nasabi yan,alam mo nasasabi mo lang yan kasi lagi kayong nag-aaway pero tignan mo kapag dumating yung time na magkalayo kayo parati mo siyang iisipin at mamimiss mo din siya" - Sagot ko at huminga ng malalim bakit parang tinamaan ako dun sa sinabi ko tsk!

"Basta Ipromise mo na di mo kami iiwan kasi kapag umalis ka dito sa bahay malaki ang ipagbabago nito" - Sambit niya pero hindi ako sumagot ang hirap kasing magsalita ng tapos eh kaya ipinag-patuloy ko na lang ang ginagawa ko sa ulo niya at ilang minuto palang napansin ko na tulog na siya tatayo na sana ako pero biglang gumalaw si Alexa at ginawang unan ang hita ko ay wow!.

Stuck Between Hotties (SEASON ONE ) Where stories live. Discover now